CHAPTER THREE - Part 1

1.1K 56 3
                                    

          TULALA at parang wala sa sarili habang naglalakad si Darlene. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Steven sa kanya noong nakaraan araw. Hindi niya alam kung seryoso ba ito sa sinabi, o sadyang pinagti-tripan lang siya. Pero ang hindi niya kinaya ay ang naging sagot ng director nila matapos nilang mag-usap kahapon.

"Then, do it!"

"Po?"

"Gawin mo! Kung iyon ang magiging paraan para tanggapin niya ang role, ligawan mo siya!"

"Pero direk..."

"Look Darlene, I trust you. Higit sa kahit kanino, ikaw ang mas may higit na nakakaalam kung bagay ba ang isang tao sa role ng leading man mo. Bukod doon, kailangan may chemistry kayo ng leading man mo. Kailangan maramdaman ng mga viewers ang koneksiyon mo sa partner mo. Remember, may mga broadway producers na manonood sa play natin. It will be your biggest chance para ma-discover. Kapag kumuha tayo basta ng kung sino diyan, I'm afraid he can drag you down, at maaapektuhan pati ang performance mo. Pero kung sinabi ng puso mo, na ang taong iyon ang eksaktong hinahanap at kailangan natin sa role. You should not hesitate. Pursue him if you have to. Ipakita mo sa kanya na malaking bagay ito para sa'yo, naniniwala ako na may magandang kapalit ang bawat sakripisyo na may mabuting intensiyon. You can only make your performance perfect, if you give your heart and trust him" mahabang paliwanag ng director nila.

Bumuntong-hininga si Darlene, saka napapikit. Gusto niyang magmaktol at maglupasay na parang bata. Hindi niya ma-imagine ang sarili na manliligaw sa isang lalaki, lalo na sa isang kagaya ni Steven, na kilala at hinahabol ng mga kababaihan. Baka kapag nalaman iyon ng mga babaeng may gusto dito, hindi na siya makalabas ng buhay sa JHIU. Hanggang sa bumangga siya sa kung sino at nauntog pa ang noo niya sa baba ng nakasalubong.

"Aray," daing niya sabay hawak sa noo.

Pagtingala ni Darlene, bumulaga sa harap niya ang nakangising si Olay, kasama si Julianna. Naroon na pala siya sa Tanangco, papasok pa lang siya sa kalyeng iyon ay agad niyang naalala si Steven.

"Ay tulaley si ganda," sabi pa ni Julianna.

"Ka... kayo pala..." aniya.

"Anyare sa'yo? Parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Olay sa kanya.

"Medyo po, may problema kasi," sagot niya.

"O tara, dito tayo sa harap ng tindahan," yaya sa kanya ni Olay.

Naupo sila sa isang mahabang kahoy na upuan.

"Saka anong ginagawa mo dito?" tanong pa ni Julianna.

"Puntahan nga sana kita, may kailangan kasi akong ihingi ng tulong sa'yo," sagot niya.

"Sige, ano ba 'yon?"

Huminga na naman siya ng malalim.

"Iyong tungkol sa iniwan role ni Jason, sa tingin ko may nahanap na akong perfect na kapalit niya. And I think, mas better pa," sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ni Julianna.

"Talaga? Omg! Sino 'yan?" excited na tanong nito.

"Kilalang-kilala mo siya," aniya.

Kumunot ang noo nito, saka napaisip.

"Wala akong maalala na kilala ko na may hilig sa theatre play maliban sa akin," anito.

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon