CHAPTER EIGHT - Part 2

868 51 1
                                    

BAKAS SA mukha ni Steven ang labis na kaba. Iyon ang unang araw ng rehearsal nila kasama ang buong cast ng play. Kaninang umaga, naabutan ni Darlene ang binata na panay ang lakad at hindi mapakali. Kaya naman sinigurado niya, kasama ang pinsan ni Julianna ang full support nila dito.

Steven actually did well sa acting workshop na ginawa ng director nila. Maging siya ay nagulat sa galing ng paghugot nito ng emosyon. Marahil ay dahil marunong itong kumanta, kaya naman alam nito kung saan at paano maglalagay ng emosyon sa bawat kanta, maging sa pag-arte. Sabi pa nga ng director nila, Steven is too good for a first-timer.

Sinalubong ni Darlene ng ngiti ang binata ng lumingon ito sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat. Nandito lang ako, aalalayan kita. Just focus, kalimutan mong ako si Darlene, dive into your character," payo niya.

Napatingin siya sa kamay ng hawakan iyon ni Steven.

"Thanks, I needed that," anito.

Darlene held his hand tighter. Hindi niya maipaliwanag kung gaano siya kasaya ng mga sandaling iyon, hindi akalain ng dalaga na magiging possible ang araw na makakasama niya doon si Steven.

"Steven, kabisado mo na 'yong Script?" tanong ng director.

"Yes direk," sagot ng binata.

"Very good. Don't worry too much, gaya ng tinuro sa'yo noong workshop mo. Show your emotion, sing with your heart," paalala nito.

"Opo."

Matapos ang final instructions ng Director at Writers ng play, saka nagsimula

ang rehearsal.

The story of the play is about Selena, ang babaeng probinsiyana na iniwan ng lalaking pinangakuan siya ng kasal at hindi na lang nagparamdam. At ang bidang lalaki, na gagampanan ni Steven bilang Clyde, isang pilyo ngunit masayahin anak ng amo ng kanyang ama. Sa gitna ng pagluha ni Selena, makikilala niya ang hambog na si Clyde. Mangungulit ito sa kanya at palaging silang pinagtatagpo ng tadhana, kaya palaging naiinis si Selena sa binata. Hanggang malagay sa panganib ang dalaga at si Clyde ang nagligtas sa kanya. From then on, naging magkaibigan ang dalawa hanggang sa magkaibigan. Pero natuklasan ni Selena na nagsisinungaling lang pala si Clyde sa kanya. Hindi totoong iniwan siya ng nobyo, namatay ito at binilin ng nobyo si Selena sa matalik na kaibigan nito na si Clyde.

Steven is doing well. Iyon ang unang napuna ni Darlene habang pinapanood niya ang binata sa unang eksena nito kasama ang iba pang cast. May mga pagkakamali ito, pero kapag tinatama ay agad naman naaayos ni Steven. During their breaktime, sa kalagitnaan ng rehearsal nila. Nakatanggap ng papuri ang binata mula sa mga kasama nila.

"I told you, kaya mo," sabi pa ni Darlene.

Nakangiting bumuntong-hininga si Steven. "I can't believe it, hindi ko ma-imagine ang sarili noong una na sasali sa mga ganito. Aaminin ko, masaya pala. It's nice to experience something new," sagot nito.

"Ang totoo, mukha kang professional kanina. Kanina pa sinasabi ni Direk sa akin na natutuwa siya sa'yo dahil madali kang matuto, hindi ka mahirap turuan. I'm sure, kahit medyo gahol sa oras ang rehearsal. Magiging maayos pa rin ang play," sabi niya.

Napatingin si Darlene sa kamay ng hawakan iyon ni Steven. "I owe you this one. Thank you for bringing me here."

Ngumiti siya dito saka tinapik kamay nito.

"You're welcome, salamat din at pumayag ka," aniya.

Naputol ang pag-uusap nilang dalawa ng muling i-anunsiyo ng isa sa

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora