Darkest One

3.4K 78 12
                                    

"Anak yung kapatid mo isinugod sa Hospital!" bungad sa akin ni Nanay pagsagot 'ko sa tawag.

"Ho?! Bakit, Nay?" nanginginig kong tanong.

"Inatake na naman siya ng sakit niya, Issa" umiiyak na sabi sa akin ni Nanay. "Saan tayo hahanap ng pambayad dito sa Hospital, Anak?"

Napabuntong hininga ako. "Gagawa ako ng paraan, Nay. Mag papadala po ako riyan ng pambayad. Mag-iingat po kayo nila Lily"

Sa isa pang pagkakataon, bumuntong hininga ulit ako. Saan ako makakahanap ng pampadala eh kakasesante lang sa akin ng boss ko kasi nalulugi na at kailangan nilang magbawas ng worker. Sad to say isa ako roon sa napili. Ngayon, wala akong trabaho dito sa Manila.

"Ate Cherry need ko talaga ng work. Huhuhu" pagmamaktol ko sa kaworkmate ko noon pero hindi na ngayon kasi isa nga ako sa nasesante, siya hindi.

"Sorry, wala akong alam na suitable work for you tsaka marami ka namang mahahanap diyan tutal nakatapos ka naman ng senior high. Iba nga lang kapag college talaga ang tinapos mo"

Dalawang taon na akong tapos sa Senior High. I am 21 years old now. Nasa province ang pamilya 'ko at nandito ako sa Manila para mag-aral at magtrabaho. Hindi alam nila mama na huminto na muna ako sa pag-aaral para matulungan sila.

Napatingin ako sa tv ng apartment ni Ate Cherry at nakita 'ko ang limang lalaking sikat na sikat sa buong Pilipinas. Sila yung limang lalaking magagaling sumayaw at kumanta.

"Ang galing nila 'no?" tanong ko kay Ate Cherry.

"Magaling talaga sila pero may mga usap usapan na parang mga t*gang daw. Idunno lang ganoon nababasa ko eh"

(This is work of fiction lahat ng nababasa niyo ay hindi totoo)

"Hindi naman siguro, sa gwapo nilang taglay at kasikatan" tinitigan 'ko sila.

"Don't judge the book by its cover, Issabella" nagkibit balikat ako sa tinuran ni Ate Che.

Third Person's POV

"What? We need her!" sigaw ni Cullender sa manager nila.

"But she resigned already wala na tayong magagawa" sabi ng manager nila.

"Bakit ka pumayag?" tanong naman ni Kean sa isang gilid.

"Wala na akong choice at sa lahat ba naman ng naging PA niyo, walang tumatagal. Malay ko ba sainyo at kung ano ano mga pinapagawa niyo sa kanila kaya nagreresign agad" sermon sa kanila nito.

"Kasalanan ba namin na masarap kami?" bulong ni Lester na tanging si Paulo lang ang nakarinig.

"May sinasabi ka ba, Lester?" matalim na tanong ng mataray na manager.

"Ha? Wala, manager sabi ko ang cute mo, pakiss nga" mas lalong tumalim ang tingin sa kaniya ng manager nila.

"Umayos kayo ha? Sinasabi 'ko talaga sainyo" nagpaalam na ito sa kanila pero bago lumabas ng dorm nila ay may ibinulong muna ito. "Kailangan ko ulit tuloy maghanap ng PA, kainis!"

Paglabas ng manager nila ay sabay sabay nilang pinagbabato ng kung ano ano si Lester.

"Gago ka talaga, Les. Muntik na tayo doon" natatawa sa kaniyang sabi ni Paulo.

"Bagong PA na naman?" tanong agad ni Jan.

"Nays, ay's 'yon mga dre" nakangiting nakakaloko si Kean sa kanila habang nakapamulsa.

"Gague ni Kean tuwang tuwa" binato ni Cullender si Kean ng unan na nadampot niya sa couch.

"Gague ka rin. Jan, si Kalendaryo niaaway na naman ako" lumapit si Kean kay Jan at nagtago sa likod nito.

"Parang gago naman, Kean. Lumayo ka nga diyan kay Jan" hinila siya palayo ni Cullender kay Jan Louis.

"Alam niyo parang kayong tanga" sabi sa kanila ni Lester.

"Anong parang? Tanga talaga" sabi naman ni Paulo.

Ngunit sa isip ng isang lalaki sa loob ng silid ay inaalala ang babaeng papalit muli sa pagiging PA.

'Sana lang magtagal siya at kayanin niya ang totoong trabahong papasukin niya'

Ang nasa isip nito.

SB19 Darkest SecretWo Geschichten leben. Entdecke jetzt