Darkest Twenty Six

2.2K 66 25
                                    

Hindi ako makapaniwala kung nasaan kami ngayon. Hindi niya naman kasi sinabi kung saan niya ako dadalhin. Nandito kami ngayon sa Tagaytay at papunta kami sa isang tourist spot dito.

"Excited?" tanong niya saakin habang nagdadrive at hinawakan niya yung kamay kong nakarest sa hita ko. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Daan muna tayo sa drive thru ng mcdo"

"Sakto, nagugutom na ako," sabi ko sa kaniya.

"Kailan ka ba hindi nagutom, Love?" tanong niya. Mahina ko siyang pinalo. Natawa naman siya sa ginawa ko.

Dumaan nga kami sa drive thru at bumili lang ng isang BFF fries, dalawang Mcburger, and dalawang mcfloat. Syempre sinusubuan ko siya habang nagdadrive siya. Natatawa nga ako kasi inaasar ko pa siya kaya wala siyang nagagawa kundi hulihin yung kamay ko para makain yung fries.

"Love, picture tayo" sabi ko sa kaniya habang nagdadrive siya. Sumandal ako sa balikat niya at nagpicture kaming dalawa kahit nakafocus siya sa daan. Masaya akong pumunta sa facebook ko at balak kong ipost ito. Ang cute kasi namin eh, at saka para na rin mainggit yung apat.

"Wag mong ipopost yan ah," napatigil ako kasi pipindutin ko na sana yung post pero nagsalita siya. "Baka may makakita, maging issue pa"

Oo nga pala, hindi ko lang siya basta basta boyfriend. Bukod sa akin may mas maraming mga tao pa ang nagmamahal sa kaniya. Isa siyang myembro ng isang kilalang grupo, tama siya, hindi dapat ako nagpopost ng kung ano-ano kasi maapektuhan siya at ang SB19.

Napapikit ako dahil sa katangahan ko. Hindi ko kaagad naisip.

Um-stop kami dahil nag red ang traffic lights. Hinawakan niya yung kamay ko at humarap saakin.

"Hey, Love, 'wag mong iisipin na kinakahiya kita, gusto ko ngang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal kahit sa maikli lang na panahon. Ikaw na nga yung gusto kong makasama hanggang sa pagtanda, nakikita ko na yung future ko sayo pero iniisip ko kasi yung apat kung anong magiging reaksiyon nila kung sakaling malaman ng fans namin. Sana maintindihan mo ako, Love" mahaba niyang sinabi saakin.

"I understand, Love, don't worry no hard feelings. Nawala sa isip ko na hindi ka pala basta bastang tao lang, sikat ka at maraming fans, nakalimutan ko lang talaga" ngumiti siya saakin at mabilis akong hinalikan sa labi. Nagsimula na rin siyang magdrive nang maggreen na ang traffic lights.

Excited akong bumaba ng sasakyan nang malaman kung nasaan kami.

"OMG! Love, ang ganda dito!" saad ko sa kaniya. Kita dito yung taal at napakapresko. Nasa taas ata kami kasi pababa, tapos may mga cottage pa dito. Nabasa ko na nasa picnic groove ata kami.

Naramdaman kong may naglagay saakin ng jacket at umakbay. "Malamig baka sipunin ka, nagustuhan mo kung nasaan tayo?"

Tumango ako sa kaniya at niyakap siya sa baywang, mas matangkad nga kasi siya. Ang dami naming triny doon, nag zipline din kaming dalawa at nag horseback riding na rin kahit ako lang ang sumakay.

"Halika na rito, Issa!" sigaw niya sa gitna ng tuloy pero umiling ako. Umuuga yung tulay, ayoko. "Halika ka na, hindi naman nakakatakot eh"

Tinigna ko muna bago ako humakbang. Nakakalimang hakbang na ako nang biglang gumalaw yung tulay.

"Jaaaaaaaaan!" sigaw ko sa kaniya. Narinig ko naman yung tawa niya. Naiiyak na ako, hindi kasi talaga ako dumadaan sa ganitong tulay tapos bangin pa yung nasa baba, kitang kita ko.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. "Halika na, sorry na," inalalayan niya ako papunta sa kabilang parte at nakayanan ko naman.

Naglakad lakad na lang kaming dalawa nang magkahawak ang kamay. Huminto kami sa pinakababang parte ng lugar. Kitang kita doon ang taal at ang ganda ng view. Nagback hug siya saakin habang nakatingin sa view na 'yon.

SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now