Darkest Twenty One

2.1K 61 30
                                    

"Kamusta ka na, Bella?" tanong ni Clein, ang kakambal ni Calvin. Hindi ba matatawa ka sa pangalan nila. Parang brand ng brief lang, hayuf. Pagkahatid kasi saakin dito ni Jan kanina ay umalis na rin agad siya kaya ako lang ang mag-isa rito.

"Okay lang" maikli kong sagot sa kanila.

"I heard you're working na and nag-stop ka na mag-aral" saad naman ni Jenny, isa siya sa mga taong nagjudge saakin noon.

"Yes"

"Why?" tanong naman ni Justine. Kunwari pa 'to, eh isa sila sa dahilan kung bakit ako huminto. Napatingin sila sa table ng SB19 kaya napatingin din ako. Nandoon si Mitch sa tabi ni Jan at todo lingkis pa sa braso nito. Higad talaga kahit kailan. Nakita ko naman si Lester na nakatingin sa gawi namin pati na si Paulo.

"Sa SB19 ka nag-tatrabaho?" tumango ako kay Clein. "Sure kang trabaho lang ang ginagawa mo sa kanila?"

Inis akong lumingon sa kaniya. "Anong gusto mong iparating?"

"Nothing, I'm asking, Bella. Malay ko ba kung naging tagalinis ka rin nila besides sa pagiging PA mo" nakangisi niyang saad saakin. Alam kong may iba siyang gustong ipahiwatig sa mga sinabi niya.

"Of course, ayun din naman naging trabaho ni Mitch hindi ba? Naging tagalinis rin siya ng dorm noon nung nagtatrabaho pa siya sa lima na 'yon" kumindat saakin si Calvin. Kinilabutan tuloy ako sa ginawa niya.

"Parang gusto ko tuloy magtrabaho rin saakin si Bella" napahakbang ako nang maramdaman ang boses ni Enzo sa tainga ko. Nag-uumpisa na akong kabahan sa kanila.

"Bakit parang takot na takot ka, Bella?" natatawang tanong ni Jenny. Wala na akong gagawin dito, tapos na rin naman silang kamustahin ako.

"Mauna na ako, nice seeing you again" sabi ko sa kanila sabay talikod pero nagulat ako nang higitin bigla ni Calvin yung palapulsuhan 'ko pero mas nagulat ako sa lalaking sumuntok kay Calvin.

Nanlalaking matang tinignan ko si Calvin na ngayon ay hawak ang pumutok na labi.

"T*ngina naman, Oliver, anong problema mo?" inis na saad ni Calvin sa kaniya. Tinulungan naman siya ng kapatid niya pati ng iba pa naming kaklase noon.

"Sinabihan ko na kayo hindi ba?" sabi sa kanila ni Oliver bago ako hinila nito palabas ng bar. Doon ko lang narealize kung sino ang kasama ko. Tangina.

Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya saakin pero hindi niya ako binitawan hanggang sa makarating kami sa labas. Hindi ko alam kung anong ginawa ko pero bigla ko na lang siyang sinampal ng bitawan niya ako. Lahat ng galit ko sa kaniya, sa kanila, ibinuhos ko sa sampal na 'yon. T*ngina nilang lahat.

Bigla na lang bumuhos ang luha ko.

"Hindi niyo talaga ako titigilan 'no?" may hinanakit kong tanong sa kaniya. "Hindi niyo rin ako papatahimikin?"

"Bella, let me explain," sabi niya pero pinutol ko na agad yung sasabihin niya.

"Ano pang ipapaliwanag mo? Hindi pa ba sapat na dahilan ng pag-iwan mo saakin noon ay si Mitch? T*ngina magsama kayo, parehas kayong manloloko" sabi ko sa kaniya.

"Please, kahit ngayon lang, Bella" sinubukan niyang lumapit pero umatras ako at tinulak siya. "Pakinggan mo naman ako oh, hanggang ngayon mahal pa rin kita"

"G*go ka ba? Kung mahal mo ako hindi mo ako lolokohin at sa kaibigan ko pa talaga eh 'no? Tsaka pwede ba wag mo nang ungkatin pa yung nangyari noon? Ayoko na kasing marinig pa lahat ng kasinungalingang sasabihin mo" sabi ko sa kaniya sabay talikod at iniwan siya doon.

Dumiretso ako sa table ng SB19 at nandoon pa rin si Mitch na nasa katabi pa rin ni Jan.

"Saan ka galing?" tanong agad ni Cullender saakin pagkaupo ko sa sofa. "Bigla ka na lang nawala doon"

SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now