Darkest Thirteen

2.9K 64 13
                                    

Third Person's POV

Masaya silang lima na sumama kay Issa sa pamilya nito dahil mas nakilala nila ang babaeng inalok nila ng sex slave. Hindi naman kasi nila alam na ganito pala ang buhay ng magiging PA nila.

"Sure kayong walang nagkakagusto sainyo sa kapatid ko?" napatingin sila sa kuya ni Issa. "Pero kung meron man sabihin niyo muna saakin ah, kikilatisin ko muna kayo kahit na sikat kayo sa Pilipinas"

Nagtawanan naman sila kasi alam nilang biro lang ito ng kuya ni Issa. Kanina pa sila nagkukwentuhan hanggang sa napunta ang usapan nila sa kapatid nitong si Issa.

"Pat, may tanong ako," sabi ni Kean sa kuya ni Issa. Mag kasing-edad lang kasi sila nito.

"Ano 'yon?"

"Nasaan pala yung tatay niyo? Hindi kasi naming nakita mula kanina" napangiti ng mapait si Pat sa tanong nito. Silang lima ay naghihintay sa isasagot ng kapatid ng kanilang PA.

"Sa totoo lang, iniwan niya kami nung baby palang yung bunso naming si Lily. Hindi niya na nga rin ata alam na may sakit yung kapatid ko kasi wala na kaming balita sa kaniya" nalungkot sila sa narinig mula rito.

Nabaling sa kanila yung tingin ni Pat. "Nga pala, wag niyong itatanong kay Issa 'yon ah? Bukod kasi kay Fourth na hindi matanggap yung ginawa ni tatay ay ganoon din si Issa, hindi niya rin matanggap na iniwan kami ni tatay at hanggang ngayon may galit pa rin siya at sinisisi niya pa rin si tatay kung bakit naging ganito ang buhay namin dito sa Bicol"

"Makakaasa ka, Kuya Pat" napatingin silang lahat nang magsalita si Jan.

"Woah, nagsasalita ka pala" natawa silang lahat sa sinabi ni Pat. Kanina pa kasi tahimik si Jan at nakikinig lang siya sa usapan nila.

Napatingin sila sa lalaking hingal na hingal at lumapit agad kay Issa. Napakunot din ang noo ng dalawang ka-myembro nila.

Issa's POV

Nagulat ako nang may biglang yumakap saakin habang kausap sila nanay.

"Issabeeeeeeel, namiss kita!" natawa ako dahil doon palang kilala ko na yung yumakap saakin.

"Roman, long time no see" hinampas niya naman ako. Kahit kailan ang sadista nitong baklang 'to.

"Anong Roman? Its Romina" sabi niya with pilantik pa ng kamay. "Gaga ka, namiss kita"

"Mas gaga ka, buti naman at nakakaganyan ka na in public" sabi ko sa kaniya. Bago kasi ako umalis dito hindi pa siya makaamin na vaklush nga siya sa pamilya niya. Well hindi ko naman siya masisisi.

"Masaya na rin ako dahil nakapag-out na rin ako sa family ko. Ghoooorl, ang hirap umamin sobra. Alam mo 'yon madidisappoint ko sila pero in the end tinanggap pa rin nila kung ano at sino ako" ngumiti naman ako sa kaniya at niyakap ko siya ng saglit.

"Ghorl, ang saya ko for you" sabi ko sabay punas ng luha ko.

"Gaga ka, wag kang magdrama diyan wala tayo sa shooting tsaka masaya ka na rin naman dahil hindi na tayo magpapanggap as mag jowa. Yak, kadiri" humagalpak ako sa tawa dahil sa sinabi niya. Totoo 'yon, dati kasi kaya lagi kaming magkasama, ako lang nakakaalam na vaklush nga siya kaya pinanindigan na naming ang usapan sa campus na magjowa kami kahit hindi naman talaga.

Napatingin siya sa gilid at nakita niya yung SB19 na kasama si Kuya Pat. Kanina pa nga sila nag-uusap at nagkukwentuhan. Nakipagkulitan na rin sila kay Fourth at kay Lily. Nakakatuwang napakahumble pa rin nilang lima.

"Ghorl, pakikurot nga kung totoo 'tong nakikita ko at nasa harap ko ang SB19" sinampal ko siya. "Aray ko,"

Natawa na lang ako sa reaksiyon niya. Iniwan ko muna si Romina sa dalawang kapatid ko at sinundan si nanay sa loob ng bahay na ngayon ay nagluluto ng tanghalian namin.

SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now