Darkest Eighteen

2.7K 58 12
                                    

Lumayo na agad ako doon at lumapit na sa stylist ng boys. Binigay ko yung mga gamit na pinapakuha ni Ate Rose. Hangga't maari ayokong makita ako ni Mitch kasi baka maging gulo lang ito.

Hindi naging maayos yung huli naming pag-uusap at nag-away pa kami 'non. Feeling ko nga hindi niya ako tinuring na kaibigan eh. Tsk. Pake ko ba? Nakaraan na 'yon, kalimutan mo na.

"Yes, pa, opo magkasama po kami ngayon... I will, pa" napatingin ako sa gilid at nakita si Kuya Andrew na may kausap sa cellphone niya. Napatingin siya saakin at nagpaalam sa kausap niya na mukhang papa niya ata.

"Mag-isa ka ata dito" sabi niya. Siya ata ang magiging photographer nila ngayon.

"Wala naman akong gagawin doon sa set eh" sabi ko sa kaniya. Sabay baling ng tingin kung nasaan yung SB19. May bigla ulit na nagflash sa mukha ko.

Napatingin ako kay Kuya Andrew.

"Kuya Andrew, pansin ko lang nung nakaraan ka pa" sabi ko sa kaniya sabay cross arms.

"For remembrance lang" sabi niya. "Gusto mo i-try?"

Napangiti ako at tumango. Aabutin ko na sana yung camera pero bigla namang may umakbay saakin. Pagtingin ko si Paulo pala.

"Kuya Andrew, kuhaan mo nga kami ni Issa" sabi ni Paulo. Siniko ko siya sa tyan, pagkatapos ay tumingin kung saan siya galing kanina. Nakatingin sila dito saamin kaya napakunot ang noo ni Mitch.

"Say cheese" doon lang ako napabaling ng tingin kay Paulo kaya ang nangyari ay nakuhanan kami ng picture ni Kuya Andrew nang nakatingin ako kay Paulo.

"Patingin ako, Kuya Andrew" sabi niya sabay lapit kay kuya Andrew.

"Bella?" napatingin saakin si Kuya Andrew at si Paulo nang marinig nilang tinawag ni Mitch yung pangalan ko. Napapikit ako sa inis. Ayoko na sa lahat tinatawag ako sa Bella lalo na kung galing mula sa kaniya.

"Uy, Ella" bati ko pagkaharap ko sa kanila. Nakaharap silang lima saakin at mga nakakunot ang noo.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Lester. Hindi ako sumagot kaya si Mitch ang ang sumagot kay Lester.

"We are best friends," sagot nito na talagang nagpakuyom ng kamao ko.

"Ex best friend" pagtatama ko sa kaniya sabay ngiti. "And please, don't call me Bella"

Sabi ko sa kaniya sabay walk out. Oo, marunong akong mag walk out. Her name is Mitchella at ang tawag ko sa kaniya ay Ella at Bella naman ang tawag niya saakin. Dahil diyan sa pangalan naming dalawa kaya kami naging magkaibigan pero never mind, matagal na 'yon. Ayoko nang tinatawag akong Bella.

Nagsimula ang photo shoot nila at nandito lang ako sa gilid at pinapanood sila. Nasa gilid ko rin yung mga gagamitin nila sa photo shoot pati na yung mga bottled water.

"Yes, another pose" napatingin ako kay Mitch pati kay Jan na grabe na yung dikit sa isa't isa. Oo nga pala, dark concept nila ngayon kaya ganyan sila kadikit.

Lumapit saakin si Anna, isa rin sa staff. Magkasing edad lang kami at siya ang madalas kong kasama sa ganito. Kumuha siya ng bottled water at tumabi saakin.

"Alam mo ba na sa lahat ng naging PA ng SB19, siya yung pinaka close ng lima?" napatingin ako sa kaniya dahil sa binulong niya saakin.

"Paano pinakaclose?" tanong ko.

"May usap usapan kasi na nagkagusto daw sa kaniya yung lima pero nag cheat daw siya kaya nagdecide na lang siyang umalis sa pagiging PA kaysa naman mag-away away yung SB19 dahil sa kaniya" hindi na nakakapanibago yung cheat word sa kaniya kasi senior high palang kami ganyan na siya.

SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now