Darkest Twelve

2.8K 71 2
                                    

Maaga akong nagising dahil mamayang hapon na agad ang alis namin dito sa Bicol, may schedule kasi ang SB19 bukas ng gabi at kailangan agad nilang bumalik para magkaroon ng pahinga.

Nagpaalam na rin ako kay ate Rose kung pwede akong dumalaw sa nanay at kapatid ko na nakatira dito sa Bicol and pumayag naman siya pero dapat 1hr before ang alis namin ay nandoon na ako sa hotel.

Pagdating ko sa lobby nakita ko na si Kuya Yuki na maghahatid saakin sa bahay namin. Sinuggest na rin kasi ni Ate Rose na ihatid ako ni KuyaYuki para less hassle daw. Hindi na ako nag-inarte tutal makakatipid din ako sa pamasahe.

Pagbukas ko ng pinto ng van ay nagulat ako nang makita yung lima.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanila.

"Sasama kami" sagot ni Kean.

"Nagpaalam ba kayo kay Ate Rose?" tumango yung apat habang si Jan ay nakatingin lang saakin. Buti napasama nila 'to.

"Pasensya ka na, Issa, hindi ko na nasabi sayong sasama silang lima" sabi ni kuya Yuki pagkaupo ko sa passenger seat.

"Naku, ayos lang, kuya" inayos ko yung bag ko na may lamang pasalubong sa kapatid ko.

"Pasaluboong mo?" tumango ako kay Kuya Yuki.

"Opo, apat na taon din kasi akong hindi sila nakita"

"Parehas pala tayo eh" napatingin ako kay Kuya Yuki na kasalukuyang nakatingin sa daan.

"Paanong parehas kuya?"

"Ilang taon ko na rin hindi nakikita yung mga kapatid ko at yung mama ko. Hindi ako makauwi kasi wala akong sapat na pera para makauwi sa hometown ko. Kaya nagtatrabaho ako para makapag-ipon muna para pagdating ng panahon na pwede na akong umuwi" nalungkot naman ako sa kwento ni Kuya Yuki. Napatingin ako sa rear view mirror at nakita ko yung lima na nakatingin kay Kuya Yuki. Malamang nalungkot rin sila sa istorya ng driver nila mula umpisa.

"Kuya Yuki, wala kang asawa't anak?" random kong tanong sa kaniya. Natawa siya sa tanong ko.

May nakakatawa ba sa itinanong ko?

"Wala akong sariling pamilya, Issa. Mas uunahin ko muna kasi ang pangangailangan ng pamilya ko bago ako mag-asawa" napangiti ako sa sinabi ni Kuya Yuki. May pagkakatulad pala talaga kaming dalawa.

"Same, Kuya. Apir," saglit siyang humarap saakin at nakitang nakataas yung isa kong kamay. Natatawa siyang nakipag apir saakin habang nakatingin sa daan.

"Kaya ikaw kung magmamahal ka in the future, piliin mo yung mahal ka talaga para hindi masayang 'yang pinaghirapan mo" natawa ako sa sinabi ni Kuya. Ang advance niya naman mag-isip. Hahaha.

Sa sobrang busy namin sa pag-uusap ay hindi ko namalayang nandito na kami sa lugar namin. Itinuro ko kay kuya Yuki yung daan papunta sa munting bahay namin.

"Dito na lang po" sabi ko nang makita ko yung puno ng mangga na papasok sa pinaka looban. Sa harap kasi ng bukid kami nakatira tapos yung bahay na 'yon ay may-ari ng dating amo ni nanay ibinigay lang sakaniya. Medyo tago lang yung bahay sa main road pero sa harap ng bahay namin ay matatanaw mo yung palayan at yung bulkang Mayon kasi open area na siya. May mga kapitbahay din naman kami dito pero ilang metro pa ang layo nila.

Odiba, natatandaan ko pa. Hahaha. Bago ako bumaba sa van nila ay tinignan ko yung lima.

"Salamat sa paghatid, sumama na rin kayo sa pagbalik ni kuya Yuki sa hotel para makapagpahinga kayo, mukhang may hangover pa kayo kagabi eh" sabi ko sa kanila.

"Anong babalik?" napatingin ako kay Lester. "Hindi babalik si Kuya Yuki sa hotel. Hihintayin ka na raw niya hanggang sa magdecide ka nang bumalik para may masakyan ka"

"Ha? Hindi na" humarap ako kay kuya Yuki. "Kuya, ayos lang, magcocommute na lang ako mamaya"

"Bilin ni Rose na wag na daw akong aalis dito tutal hindi muna ako kailangan doon sa hotel dahil may isa pa naman daw na driver" paliwanag ni Kuya Yuki.

"Pero, Kuya,"

"Wala nang pero pero, Issa. Sasama kami sainyo" masayang sabi ni Cullender.

"Sure kayo?" tumango sila. "Okay, kayong bahala"

Naghanap nang mapagpaparkingan si Kuya Yuki. Nagsuot naman ng mask o hoodie yung SB19 para hindi daw sila makilala.

Pagkapark ni kuya Yuki ay bumaba na ako, sumunod naman silang anim saakin sa bahay.

"Ang tago naman ng bahay niyo" sabi ni Jan.

"Binigay lang kasi saamin yung bahay na 'yon ng dating amo ni nanay" paliwanag ko.

Pagkarating namin mismo sa bahay namin ay nakita ko kaagad si Fourth na naglalaro ng saranggola sa bukid. Napatingin siya sa gawi namin at napakunot ang noo pero di kalaunan din ay nanlaki ang mata.

"Ate!" sigaw niya. Binitawan niya ang saranggolang hawak at tumakbo papunta saakin.

"Fourth" niyakap ko siya ng mahigpit. "Hala ang laki mo na"

Narinig ko naman ay pag-iyak niya na ikinagulat ko.

"Oy, bakit ka umiiyak?"

"Miss ka na namin, Ate" sabi niya. Si Fourth yung sumunod kay Lily na kapatid kong lalaki. Napatingin ako sa lima na nakangiti saakin. Itinuro naman ni Paulo yung mata ko kasi umiiyak na rin ako. Grabe namiss ko umuwi dito.

"Fourth!" narinig naming sigaw.

"Kuya Pat" napatingin sa gawi namin si Kuya. Nagulat pa siya nang makita ako pero ngumiti rin naman at inextend ang kamay niya saakin. Tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya.

"Kuya" hagulgol ko. Naramdaman ko naman yung halik ni Kuya sa sentido ko. Narinig ko ring sumigaw si Fourth na tinatawag si nanay.

Apat kaming magkakapatid si Kuya Patrick, Ako, si Fourth at si Lily.

"Nasaan ang ate mo?" napatingin kami sa nagsalita at napaiyak na lang ako nang makita si nanay.

"Issa" bulong niya. Agad akong lumapit kay nanay at niyakap siya.

"Nanay, namiss kita" naramdaman ko naman ang pagyakap din saakin ni nanay at ang pag-iyak niya rin.

"Nay sino pong nandiyan?" narinig ko ang boses ni Lily. Nang tumingin ako kay Lily ay nakita kong nagulat siya nang makita ako. Tumakbo siya saakin at niyakap ako.

"Ate, namiss kita"

"Mas namiss kita" kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. "May pasalubong ako sayo"

Tumingin siya sa likod ko at nanlaki ang mata ng makita ang SB19. Ooops, fan nga pala 'tong kapatid ko. Hinarangan ko yung view niya.

"Hindi yan ang pasalubong ko" sabi ko sa kaniya pero sinimangutan niya lang ako. Bumaling naman ako kila kuya at pinakilala ang SB19.

"Nay, Kuya Pat, Fourth, ang SB19 nga pala, mga amo ko po sa trabaho" sabi ko sa kanila. Mga nagbow at nagpakilala naman silang lima, syempre sinama ko na rin si kuya Yuki.

"Halika pasok kayo, pasensya na kung marumi ang loob ng bahay namin, hindi naman kasi namin akalain na darating si Issa" sumunod kami kay Nanay papasok sa bahay. Wala pa rin talagang pinagbago ang bahay namin. Sa apat na taon kong nawala rito ay ganoon pa rin.

"Maging feel at home lang kayo" bulong ko sa kanila.

~~~~~.~~~~~

Lame update for now. Medyo sabaw ang inyong author dahil may tinapos akong AU.

Don't forget to vote, comment, and Share.

Lovelots.

SB19 Darkest Secretजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें