Darkest Twenty Eight

1.5K 56 35
                                    

Pagkababa ko ng taxi ay dali dali akong pumasok sa loob ng bahay nila kuya Andrew. Para sa kapatid ko 'tong gagawin ko. Pagpasok ko ay napatingin sila saakin at nanlaki ang mata nang makitang puno ng luha ang mukha ko.

"Issa, bakit ka umiiyak?" tanong ni Kuya Andrei. Tumingin ako kay Tatay na lumapit din saakin.

"Anak, what happened?" tanong niya pero bigla na lang bumuhos ng malakas yung luha ko nang tanungin niya ako. Hindi ko alam pero ngayon ko lang naramdaman ulit na kailangan ko pala talaga ng tatay, walang halong biro. Kahit galit ako sakaniya may parte pa rin pala saakin na nangungulila sa pagmamahal niya.

Nagulat sila nang lumuhod ako sa harap ni Tatay.

"A-ang sabi ko hindi ako hihingi ng kahit anong tulong mula sainyo, hindi ako tatanggap ng kahit anong tulong na galing sainyo," pag-uumpisa ko. "Pero, kailangan na kailangan po ni Lily ngayon ng tulong niyo, hindi ako naging mabuting anak sainyo dito sa loob ng bahay niyo pero nagmamakaawa po ako"

"Anong nangyari kay Lily?" tanong niya. Pinatayo niya naman ako sa pagkakaluhod.

"Isinugod po siya sa hospital, kailangan po niyang maoperahan ngayon, k-kundi m-mamat—" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ay ramdam ko na ang pagyakap ni Kuya Andrew saakin. Umiyak ako sa bisig niya. Nakita ko naman si Tatay na nanginginig ang kamay habang may kausap sa cellphone.

Nang matapos ang tawag ay tumingin siya saakin at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Hinalikan niya rin ang noo ko na matagal ko nang hindi naramdam mula sa kaniya.

"Pack your things, pupunta tayo sa Bicol," saad niya saamin. Ngumiti siya saakin. "Okay na,"

Niyakap ko siya ng mahigpit malaking tulong yung ginawa ni tatay para kay Lily.

~~.~~

Nang makalapag ang sinakyan naming eroplano sa airport ng Bicol ay agad kaming nagtungo sa hospital kung nasaan sila nanay. Nakita ko naman agad sila roon kaya lumapit agad ako.

"Nay," napatingin sila sa gawi ko. Tumayo naman si Nanay ay sinalubong ako ng yakap. Kita sa mukha ni Nanay ang pagod at ang labis na pag-iyak.

"Kasalukuyan nang inooperahan yung kapatid mo, saan galing yung pera?" tanong ni Nanay saakin.

"Kay tatay po"

"Tay?" napatingin ako kay kuya Pat na nakatingin kay Tatay pati na kila Kuya Andrew at Kuya Andrei.

Tumakbo naman si Fourth palapit kay Tatay at niyakap ito. "Tay, namiss po kita"

Ngumiti si Tatay at niyakap ito. Tumingin si kuya Pat saakin pagkatapos ay tumingin ulit kila Kuya Andrew.

"Si Kuya Andrew at Kuya Andrei, kapatid natin sa ama" pakilala ko sa kanila. Akala ko ay magagalit si Kuya Pat pero nakipag batian pa siya sa dalawa. Tumingin din siya kay Tatay, ngumiti si kuya Patrick sa kaniya pagkatapos ay niyakap siya. Umiwas ako ng tingin. Buti pa sila napatawad na nila si tatay.

Nag-usap na rin muna sila nanay at tatay sa isang gilid malayo saaming magkakapatid. Nakita ko silang nagyakap, mukhang okay na silang dalawa.

"Ilang taon na po kayo?" nahihiyang tanong ni Fourth sa kuya kong kambal. Ngumiti sa kaniya si Kuya Andrew.

"Twenty four na kami, ikaw?" sabi ni kuya Andrew. Tumingin ako kay Kuya Pat at mukhang hindi na siya nagulat. Kinalabit ko si Kuya Patrick habang nag-uusap yung tatlo. Pinasunod ko siya, lumayo rin muna kami sa kanila.

"May alam ka?" tanong ko kaagad sa kaniya. Tumango siya sa tanong ko.

"Matagal ko nang alam na may kapatid tayo, matagal ko na ring alam yung dahilan kung bakit tayo iniwan ni Tatay" sabi niya saakin.

SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now