Darkest Seven

3.5K 70 2
                                    

Lumipas ang isang linggo at sunod sunod ang naging schedule nilang lima. Minsan pa nga ay nakakatatlong oras palang sila nakakatulog ay need ko na agad sila gisingin for the next event. Pare-parehas kaming anim na walang pahinga sa totoo lang.

After ng kada event nila ay nagpapahinga talaga sila kasi wala na nga silang pahinga. Ako naman ay chinecheck ko muna yung ibang sched nila tapos iuupdate ko kay Ate Rose then doon lang makakapagpahinga. Minsan pa nga wala pang isang oras ang tulog ko kailangan ko nang bumangon para maghanda at iupdate sila.

Pero after that tiring week, binigyan yung lima ng one week rest pero after that rest babalik na sila sa pagpapractice for their concert sa Bicol. Syempre excited na rin ako kasi after four years makakaapak na ulit ako sa Bicol.

Nandito ako sa balkonahe ng condo, nagpapahangin lang at tinitignan ang mga stars na nasa kalangitan. Hindi ako makatulog, ang daming pumapasok sa isip ko.

"What do you want?" napatingin ako sa lumabas sa balkonahe. "Tea, coffee, or me?"

Natawa ako sa sinabi ni Lester na may dalang dalawang baso. "Pero kung mas prefer mo ang me, pagbibigyan kita"

"Ewan ko sayo, Lester" natawa siya sa kalokohan niya. Inabot niya saakin yung basong dala. "May pa tea, coffee, or me ka pa eh gatas naman 'tong dinala mo saakin"

"Hahaha, sorry na. Ano bang ginagawa mo rito?" tanong niya pagkatabi niya saakin.

"Nagpapahangin lang, ikaw?" uminom ako sa gatas na tinimpla niya.

"Same to you, nagpapahangin"

"Nagpapahangin ka pa eh mahangin ka na" natawa kami pareho sa sinabi ko. Totoo naman, hindi lang pa-fall ang isang Lester mahangin din siya.

"Grabe ka talaga saakin, Issa" sabi niya. Nagkaroon ng katahimikan saaming dalawa. Nang may maisip akong itanong.

"Lahat ba ng nagiging PA niyo ay inaalok niyo ng sex slave?" muntik na niyang mabuga yung iniinom niyang gatas. "Hahaha, bakit?"

"Hindi ko naman alam na itatanong mo yan, jusko naman, Issa" sabi niya habang pinupunasan ang bibig.

"Curious lang naman ako," tumango ako at nilaro ang mga daliri ko sa kamay. "Baka kasi lahat ng PA niyo na galaw niyo na"

Dapat matagal ko na 'tong inisip eh, bago pa ako pumayag. Baka sa dami nang nagalaw nila may aids na pala. Ganon. Tanga lang ako mag dissition.

"To be honest lang, lahat ng PA namin hindi nagtatagal saamin"

"Ha? Hindi pa sila satisfied sa galing niyo?" sabi ko kay Lester na nagpangisi sa kaniya. Doon ko lang narealize yung sinabi ko. "I mean hindi pa ba satisfied sa sahod yung dati niyong PA?"

"Palusot ka pa, Issa. Hahaha" sinimangutan ko siya. "Pangatlo ka pa lang sa sa inalukan namin"

Napatingin agad ako sa kaniya habang siya nakatingin sa kalangitan. "Sure ka?"

"Mukha ba akong hindi nagsasabi ng totoo?" tumango ako sa kaniya. "Totoo mga sinabi ko. Pangatlo ka palang sa PA namin na inalukan namin ng sex slave"

"Pero bakit papalit palit kayo ng PA? Base na rin kay ate Rose pang-ilan na rin ako"

Nagkibit balikat siya. "Hindi rin namin alam kung bakit sila bigla bigla umaalis. Kunyari ngayon okay pa kami, nagbibiruan pa pero kinabukasan magtataka na lang kami kasi aalis na o nagresign na lang bigla"

"Baka naman may ginawa kayong hindi niya nagustuhan?"

Napaisip siya sa sinabi ko pero umiling din agad. "Wala naman kaming ginawa sa kaniya o ang ikakasakit ng damdamin niya"

"Alalahanin mo" sabi ko sa kaniya sabay tingin sa kalangitan na puno ng mga bituin.

"Eh ikaw? 21 years old ka na hindi ba? Anong course mo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Easy lang mahina kalaban," natatawa kong sabi sa kaniya. "Bakit ka ba curious? Crush mo ako 'no?"

"Hindi lang pala ako mahangin dito, ikaw din pala, Issa" nagtaka ako nung humarap siya saakin pagkatapos ay ginulo ang buhok ko. "Kung hindi ka pa ready magkwento, okay lang. Willing to wait ang heavenly voice"

Ngumiti ako sa kaniya.

"Pasok na ako, tapos mo na bang inumin yang gatas?" tumango ako at inabot sa kaniya.

"Thank you sa time, Lester" ngumiti lang siya sa sinabi ko at pumasok na rin sa loob. Nakita ko naman si Jan na palabas ng balkonahe.

Tinapik lang siya sa balikat ni Lester at nag good night pagkatapos ang bumaling na saakin si Jan nang tingin.

"Hindi mo talaga titigilan mga kaibigan ko?" napakunot ang noo ko sa bungad niyang tanong.

"Anong sinasabi mo?"

"Don't deny it, alam kong inaakit mo mga kamyembro ko" lumapit siya saakin.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko nga sila inaakit?" ang kulit talaga nitong Jan Louis na 'to.

"Pera lang naman ang habol mo diba kaya ka pumayag sa alok nila?" may dinukot siya sa wallet niya at inabot niya ito saakin. "Umalis ka na"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya saakin. Tinignan ko nang hindi makapaniwalang tingin.

"Seryoso ka ba diyan?"

"Ayaw mo tanggapin?" bumuga ako ng hangin. Ngayon alam ko na yung sagot sa tanong ko kay Lester kanina.

"Alam ko na kung bakit umaalis yung nga dati niyong PA dahil diyan sa walang tabas mong dila na masasakit ang sinasabi sa kanila. Alam mo hindi ako katulad nila na susuko na lang bigla bigla" ngumisi siya saakin kasabay nang paglapit niya pa.

"Really? Katulad ka rin nila, makakati, slut, mukhang pera, diba--"

Sinampal ko siya. Oo, sinampal ko siya. Tangina. Hindi niya alam kung bakit ako nandito, hindi niya alam kung anong pakiramdam na mangulila sa pamilya kong nasa probinsiya.

"Wala kang alam," nanginginig kong sabi sa kaniya. Patuloy sa pagtulo ang luha ko. "Wala kang alam kaya wag mo akong pagsalitaan ng kung ano ano"

Iniwan ko siya doon at dumiretso sa kwarto ko. Hindi naman ako ganito kababang tao para tanggapin yung trabahong 'to. Hindi ko 'to ginusto pero para sa pamilya ko gagawin ko lahat. Ako na lang inaasahan nila.

Miss ko na sila Nanay. Umiyak lang ang nang umiyak buong gabi hanggang sa nakatulog na lang ako.

SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now