Darkest Ten

3K 61 6
                                    

Napapikit ako ng maramdaman ang simoy ng hangin dito pagkalapag naming sa Bicol. Hala, namiss ko 'tong hangin na 'to. Maaliwalas, walang polusyon, maginhawa sa pakiramdam.

"Parang ngayon ka lang nakarating dito sa Bicol ah" sabi ni Cullender sabay akbay saakin. Siniko ko naman siya, baka mamaya may mga fansites na pala silang nandito edi nakuhaan pa yung pag-akbay niya.

"Apat na taon din akong hindi nakaapak dito ah" sabi ko habang nililibot ang paningin sa paligid ko.

"Ibig sabihin taga dito ka?" tumango ako kay Lester. Naglakad na kami papuntang kotse ng SB19 na dadalhin sila sa hotel kung saan kami mag-stay.

"Aha kaya nga diba nanghingi ako ng dalawang slot o ng dalawang extra chair para sa kapatid at nanay ko. Pupunta sila, manonood ng concert niyo"

"Akala ba nila ikaw mag peperform?" nagtatakang sabi ni Kean. Natawa ako sa kaniya.

"Hindi, fan niyo kapatid ko. Syempre lahat naman gagawin ko sa kapatid ko 'no"

"Aaaaaw, ang sarap mo namang maging kapatid"

"Ang sabihin mo ang sarap ni Issa, Cullender" binatukan ni Cullender si Kean. "Ang sakit, palibhasa hindi mo pa natitikman si Issa"

"Hoy, kayong dalawa bakit ba ayan usapan niyo?" panenermon ko sa kanila. Pag-usapan daw ba 'yon, mamaya may makarinig sa kanila diyan. Edi patay kaming anim.

Pagkarating naming sa hotel ay mga nagpahinga na agad kami. Kasama ko sa hotel room si Ate Migs, isa sa staff. Nagpahinga na rin naman agad si Ate Migs kasi alam kong mas pagod siya kaysa saakin. Siya ba naman ang katulong ng pinaka organizer ng concert.

Magpapahinga na rin ako tutal malaking event ang magaganap bukas. Excited na rin akong makita sila nanay.

Kinabukasan ay alaskwatro palang ng madaling araw ay gising na kaming ibang staff kasi aasikasuhin na namin ang mga gamit na gagamitin sa venue. Isa pa mukhang tulog pa ata ang SB19, nabalitaan ko rin kasi kagabi na mga nagshoot pa sila para sa vlog. Wala talaga silang pahinga sa totoo lang.

Hindi rin nagtagal ay pinagising na sila ni ate Rose sa isang staff. Gawain ko 'yon pero nag-utos na lang sa iba si ate kasi inaayos ko pa talaga yung mga materials na gagamitin nung lima. Ako kasi ang magbibigay sa kanila nito kaya dapat alam ko kung sino ang mga gagamit 'non.

"Good morning, Issa" bati nila saakin pagkababa nila sa lobby. Alas-otso palang ng umaga pero papunta na kami sa venue dahil magrerehearse pa sila at mag-aayos pa.

"Good morning" bati ko rin sa kanila. Mga nagsipagsakay na din naman agad sila sa van. Sumabay na rin ako sa van nila kasi sabi ni ate Rose.

"Inaantok pa ako" sabi ni Cullender sabay hikab.

"Palagi ka namang tulog sa tuwing nasa byahe tayo, ano bang bago?" natawa kami sa sinabi ni Lester.

"Take a snap muna tutal malayo layo pa naman tayo sa concert venue niyo" sabi ko sa kanila habang nakasilip sa pagitan ng driver seat at passenger seat.

"After nitong concert natin mamaya, deserve talaga nating mag-enjoy sa pool ng hotel" nakapikit na saad ni Paulo. Sa totoo lang bibigyan talaga silang time mamaya after ng concert nila na magcelebrate, hindi ko lang alam kung pwede ba sila sa pool.

Pagdating namin sa venue ay nagulat akong ang dami na agad ang nakapila sa labas. Nagtilian pa nga sila nang makitang parating ang van namin.

"Woah" pati sila manghang mangha sa sobrang aga ng fans nilang nandito sa venue.

"Mga early bird naman pala ang fans niyo" sabi ko sa kanila.

"Ganyan naman talaga sila tuwing may events kami" sabi ni Cullender. Nung huminto na yung van, syempre ako unang bumaba para sabihin ang signal sign.

SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now