Darkest Twenty Seven

1.5K 48 30
                                    

Kinakabahan ako habang kaharap si Ate Rose dito sa loob ng isang hindi kilalang café. Hindi niya piniling mag-usap kasi madalang lang ang tao na pumasok dito. Tatlumpung minuto na rin ang nakakalipas simula nang umalis ang eroplano kung saan nakasakay yung SB19.

"Ate Rose, bakit po?" tanong ko kaagad sa kaniya.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa, Issa," may inilabas siyang brown envelope mula sa bag na dala niya. "Someone send that pictures to me"

Kinuha ko naman agad sa kaniya yung envelope at tinignan yung nasa loob. Napatigil ako nang makita kung sino yung mga nasa larawan.

"Ikaw yung kasama ni Jan diyan, hindi ba?" napatingin ako kay Ate Rose at dahan dahang tumango. "I see, I was shocked yesterday when I saw that pictures. I didn't know na may namamagitan sainyo dalawa ni Jan"

Wala akong masabi, I feel bad for not telling to Ate Rose. Yung pictures ay yung magkasama kami ni Jan sa Tagaytay picnic groove.

"S-sorry, Ate Rose" napabuntong hininga siya.

"Hindi ako against sa inyong dalawa ni Jan pero Issa, remember this, isa siyang member ng Ppop idol and nagtrained under a Korean company. Siguro naman may alam ka about sa contract nila?" napayuko ako at tumango. No dating.

"Anong mangyayari kapag pinagpatuloy namin ang relasyon namin, Ate Rose?" tanong ko kaagad sa kaniya. Doon din naman papunta itong usapan namin.

"Pwedeng ikasira ng grupo nila, worst pwede pa siyang matanggal sa grupong kinabibilangan niya" nanlumo ako sa sinabi ni Ate Rose. "Nagkaroon din ng karelasyon si Jan two years ago pero kasi naitago ito ng mga staff at hindi nalaman ng CEO hanggang ngayon,"

Yung kay Mitch. Hinawakan ni ate Rose yung kamay ko.

"Issa, favor," parang ayoko nang marinig yung favor ni ate Rose.

"Ate Rose" naiiyak kong saad sa kaniya.

"Issa, when I received that envelope yesterday, may nagtext saakin na ipapadala niya iyan sa CEO agad agad" tumulo ang luha ko. No. Hindi ko kaya. Umiling ako kay ate Rose, hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Ate Rose naman, ang sabi mo hindi ka against diba?"

"Hindi ako against sainyong dalawa, actually I like you for him o kung sino pang member ng SB19. Pero Issa, pangarap ito ni Jan, pinaghirapan nila ng grupo niya lalo na siya para makarating dito sa kung nasaan siya ngayon. Makakaya mo bang makitang madisband ang SB19 o mawala man lang ang isa sa kanila dahil sa mga pictures na yan?" sabi ni ate Rose.

"Pero ate, baka may iba pang paraan at hindi itong gusto mong gawin 'ko?" pagmamakaawa ko sa kaniya. Ayoko talagang gawin yung gusto niyang ipagawa saakin.

"Wala na akong ibang alam pang paraan, Issa. I know Jan, hindi siya papayag sa ganito, he loves you, Issa. Ramdam ko pero sana isipin mo yung pangarap niya para sa kaniya at para sa grupo niya" tinapik niya ang balikat ko. "Aasahan ko yan sayo, napalapit ka na sa kanila, sana isipin mo ang career nila"

Ilang oras na ang nakakalipas at hindi pa rin mawala sa isip ko yung napag-usapan namin ni ate Rose. I love Jan at ayokong makipag hiwalay sa kaniya ng basta basta pero may point si Ate Rose, pangarap ito ni Jan at career ng grupo niya.

Nagpagulong gulong ako sa kama ko dito sa bahay nila kuya Andrew. Oo, dito na ako tumira dahil hindi na talaga nila ako pinaalis pa rito. Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong isinagot.

"Hello po?"

[Anak,]

"Nay, kamusta po?"

SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now