Darkest Fourteen

3.4K 78 20
                                    

Nagtataka ako kung bakit niya ako hinalikan, hindi ko rin alam kung bakit tumibok ng mabilis ang tibok ng puso ko na hindi ko naman naramdaman sa apat.

Nanlaki ang mata ko at napadilat nang gumalaw ang labi niya sa labi ko. Mas pinalalim niya pa ang halik niya saakin. Dinilaan niya ang upper lip ko para papasukin ang dila niya kaya hinayaan ko na lang ito.

Napakapit ako sa balikat niya at tinugunan ang mga halik niya saakin, napasandal ako sa pader na nasa likod ko at mas idiniin pa niya ang sarili niya saakin. Naramdaman ko na rin ang umbok na tumutusok sa tyan ko.

Patuloy ang paghalik niya saakin na tila'y ayaw niya akong tigilan. Nag-eexplore na rin ang mga kamay niya sa katawan ko na ikina-ungol ko.

Napatigil kami nang marinig naming tumunog ang phone ni Jan Louis. Parang narealized niya yung ginawa niyang paghalik saakin kaya mabilis siyang umalis at iniwan ako.

"Ano 'yon?" tanong ko sa sarili ko habang nakahawak banda sa puso ko dahil hanggang ngayon ang bilis pa rin ng tibok nito.

~~.~~

Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang paghalik saakin ni Jan. Nandito na kami sa condo pero ito ako tulala dito sa balcony ng condo nila. Mag-alas dose na rin at hindi ako makatulog dahil nga sa ginawa kanina ni Jan hanggang ngayon lutang ako, ano ba yan.

Napatingin ako sa loob ng condo at may napansin akong silhouette ng isang tao. Pumasok ako at nakita ko si Jan na papalabas ng condo nang may dalang plastic bag. Napakunot ang noo ko, bakit gising pa 'to?

Sinundan ko siya kahit hindi ko alam kung saan siya papunta. Namalayan ko na lang na papunta siya sa rooftop nitong building. Teka, anong gagawin niya doon?

Magpapakamatay ba siya? Pero hindi eh, baka magpapahangin lang.

Pagdating namin sa rooftop ay napanganga ako sa ganda dito. Hindi ko naman ineexpect na ganito pala yung rooftop ng condo nila. May garden dito at may mga dim lights sa paligid, basta ang gandang tignan.

"Bakit mo ako sinusundan?" napatingin ako kay Jan na nakatingin saakin ngayon.

"Gising ka pa?" tanong ko sa kaniya. Napanganga ako nang makita yung city lights, kitang kita kasi dito sa rooftop.

"Sa tingin mo kung tulog na ako nandito ako ngayon?" pilosopo niyang tanong saakin. Oo nga naman, Issa. Tanga mo talaga.

"Sungit, parang hindi ako hinalikan kanina ah" sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa city lights.

"I was just a little turned on," napatingin ako sa kaniya. Tama ba yung narinig ko o guni guni ko lang?

Biglang humangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Bakit kasi nakasando lang ako dito. Napatingin siya saakin at bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kaya mabilis kong tinakpan 'to, umiwas naman siya ng tingin at nagulat ako nang hubarin niya yung jacket niya.

"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kaniya sabay atras.

"Makaganyan ka parang hindi ka pa ginalaw ng mga kaibigan ko" tinarayan ko siya at sumimangot ako. "Nilalamig ka diba?"

Lumapit siya at sinuot yung jacket niya saakin. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa naamoy ko na yung pabango niya. Infairness ang bango niya.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang lamig pero naiinitan ako sa kaba at sa kaniyang jacket. Teka, bakit ako kinakabahan? Ewan, ang bilis kasi ng tibok ng puso ko.

May kindness din pala si Jan sa katawan niya bukod sa pagiging masungit saakin. Napangiti ako dahil doon.

"Stop smiling" sabi niya saakin sabay harap.

SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now