Darkest Sixteen

2.4K 65 92
                                    

Nakabusangot ako sa buong gabi na magkasama kami ni Kean at ni Lester. Paano ba naman kasi hindi nila ako sinasama sa mga extreme rides pero si Kean na takot sa mga extreme rides nakakasakay.

"Anong mukha yan?" tanong ni Lester pagtapos nilang sumakay sa isang rides dito.

"Wala"

"Nagtatampo ka?" inakbayan ako ni Lester. Lumayo agad ako, baka kasi mamaya may fans na makakilala sa kanila tapos makita pa yung pag-akbay nila saakin.

"Iwas iwasan niyo nga ang pag-akbay saakin baka nakakalimutan niyo lang naman na sikat kayo at kilala dito sa Pilipinas" natigilan sila sa sinabi ko. Ayan sana naman marealize nila.

"Uwi na tayo?" tanong ni Kean. Sumimangot ako.

"Hindi pa ako nakakasakay uuwi agad tayo?" tumingin siya sa paligid at nakita yung ferris wheel. Ngumiti siya ng nakakaloko sabay hila saakin papunta doon.

"Tara, ferris wheel, libre ni Lester" sabi niya.

"Hoy! Wala akong sinasabing libre ko, Kean!" natawa ako sa kanilang dalawa.

Sumakay kami sa Ferris wheel at sobrang ganda kapag nasa taas. Napansin kong nagkatinginan yung dalawa at tila'y nag-uusap sa mata.

"Hoy, sinasabi ko na sainyo, wag dito" napakunot ang noo nila sa sinabi ko.

"Anong sinasabi mo?" tanong ni Lester.

"Gusto mo sa iba kami magtanong?" tanong naman ni Kean.

Teka, magtanong? Magtatanong lang sila? Hayuuuuf, Issa, anong nasa isip mo?

"A-ano bang itatanong niyo?"

"Bakit ka umiiyak kanina?" tanong agad ni Lester. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila.

"May nakita lang akong tao na sinaktan ako nung Grade 12 ako, bumalik kasi at nagpakita saakin kaya bumalik yung sakit kaya naiyak ako" sabi ko sa kanila. "Pero okay na ako ngayon, thank you sainyong dalawa kasi nawala sa isip ko"

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Thankful talaga ako sa dalawang 'to ngayon.

"Stop smiling" napatingin ako kay Kean nang sabihin niya iyon. Teka, line 'yon ni Jan ah? Pati sa kanila bawal ako ngumiti?

Tumahimik na lang kaming tatlo hanggang sa makauwi kami sa condo nila. Hindi ko alam kung bakit ako sumama pabalik sa kanila sa condo, sabi ko pa naman na hindi ako dito matutulog ngayon.

Hindi ko rin alam kung bakit kami natahimik kanina sa ferris wheel. Pinauna na kami ni Kean paakyat sa condo kasi ipapark niya pa raw yung hiniram niyang kotse kay kuya Yuki.

Wala ako sa sarili kaya muntik na akong madulas sa hagdan, may isang floor pa kasi kaming need akyatan bago makarating sa condo nila.

"Oh, ingat ka" sabi ni Lester habang nakaalalay sa akin. Hawak niya ako sa kamay hanggang sa makarating kami sa condo. Pagpasok namin sa condo nila ay napatayo si Paulo at si Jan na nakaupo sa sala.

"Saan kayo galing? Alam niyo ba kung anong oras na? Bakit hindi kayo nagpaalam? Kami magpapagalitan ni manager dito eh" sunod sunod na tanong ni Paulo. Bumaling saakin ni Paulo. "Oh, akala ko hindi ka dito matutulog, Issa?"

"Bumili lang kami ng makakakain ni Kean tapos nakasalubong namin itong si Issa" napatingin ako kay Jan na ngayon ay nakatingin sa akin, bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Lester.

Hindi ko alam pero bigla akong napabitaw. Hindi naman 'yon napansin ni Lester kasi todo siya sa suyo kay Paulo.

"Sorry na, magpapaalam na kami sa susunod" paghingi ng tawad ni Lester dito. Dumating na rin si Kean at katulad ni Lester ay humingin rin siya ng sorry sa leader nilang si Paulo.

SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now