Darkest Twenty Nine

1.5K 65 113
                                    

"Kamusta si Papa?" napatingin ako sa pumasok at nakita ko si Kuya Andrei. Tumayo siya sa likod ko dahil nakaupo ako dito sa gilid ng kama ni Tatay.

"Inoobserbahan pa siya," sagot ko sa kaniya. Hinawakan ko yung kamay ni Tatay. Ang daming aparatong nakakabit sa katawan niya. "Takot na takot ako kanina, Kuya"

Bumuhos ang luha ko.

"Hindi ko kayang mawala pa si Tatay, Kuya Andrei" saad ko sa kaniya. Tinap niya yung likod ko.

"May sasabihin ako sa'yo dahil mukhang ito na lang ang hinihintay ni Papa sabihin sa'yo," tumingin ako sa kaniya na nakatingin pa rink ay Tatay. "May malubha siyang sakit kaya madalas kaming wala sa bahay dahil nagpapacheck up siya at nacoconfine ng matagal, kaya rin siya kasama naming ngayon dahil sumisikip na naman yung dibdib niya"

"Bakit hindi niyo sinabi saakin?" tanong ko sa kaniya.

"Ayaw niya,"

"Bakit?"

"Ewan, siguro mas gusto niyang ikwento muna sayo kung bakit siya umalis noon bago niya sabihin yung kalagayan niya" sabi niya saakin. Napatingin ako kay Tatay na mahimbing na nakapikit.

"Gusto kong malaman kung bakit niya kami iniwan noon" sabi ko sa kaniya.

"Nang makilala ni Papa ang Nanay mo ay pinagbubuntis na kami ni Mama. Ayaw ni Papa kay Mama dahil base kay mama mali lang daw ang nangyari sa kanilang dalawa ni Papa, nalasing lang si mama't papa 'non at may nangyari betweet them," ngumiti siya saakin. "Sinabi ni mama kay papa ang kalagayan niya and agad niya naman kaming sinustentuhan, kaya hindi rin kami nagalit sa kaniya pero si hindi pumyag si Lolo kasi may sakit na rin si mama 'non,"

"Ibig sabihin yung lolo niyo ang dahilan kung bakit kami iniwan ni tatay, 'diba?" tumango siya sa sinabi ko.

"Alam mo ba nung kasama namin siya, lagi niya kayong kinukwento saamin ni Andrew, lagi niya kayong binibida saamin kaya naeexcite kaming makilala kayo. Lalo na ikaw," tumingin ako sa kaniya ng nakakunot ang noo. "Ikaw ang pinaka binibida niya saamin, kung gaano ka kaganda at kakulit nung bata ka pa. Issa, sana mapatawad mo na si Papa, hindi niya ginustong malayo sainyo,"

Pagkasabi niya 'non ay iniwan niya na lang ako kasama si Tatay dito sa loob ng kwarto. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at hinalikan ito.

"Tay," tawag ko sa pangalan niya. "Gising na po, naiintindihan ko na po lahat, bakit hindi mo saakin sinabi lahat edi napatawad pa kita noon pa"

Wala na namang tigil sa pagtulo ang luha ko.

"Pinapatawad na kita, Tay" tumayo ako at hinalikan yung noo niya pagkatapos ay niyakap siya, pero napatingin ako sa life support machine na nakakabit kay tatay. Agad agad akong tumawag ng nurse at doctor.

Hindi. 'Wag muna.

"Tay, gising ka muna, please, taaaay" niyuyugyog ko na yung yung katawan niya. Hindi ko pa kayang mawala si Tatay. May mga nagsipasok naman mga nurse, hinila naman ako palayo ni Kuya Andrew. Nasa loob na rin ng room sila nanay pati na sila kuya Patrick.

"Time of death, 10:48pm," hindi ako nakagalaw sa sinabi ng doctor. Tila't nanghina ang mga tuhod ko buti na lang hawak ako ni kuya Andrew.

Lumapit ako kay Tatay at pilit na pinapagising siya.

"Tay, pinatawad na kita, bakit mo naman kami iniwan, gising ka naman diyan oh, huwag namang ganito, Tay" niyakap ko siya at umiyak lang nang umiyak sa tabi niya.

Paalam, Tay, hanggang sa muli nating pagkikita.

~~.~~

Lumipas ang dalawang araw nang ilibing si tatay, nauna na muna kami ni Kuya Andrew bumalik sa Manila dahil magkakaroon na kami ulit ng trabaho. Ngayon ang balik ng SB19 mula sa concert nila sa US.

SB19 Darkest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon