Special Chapter

1.4K 59 44
                                    

Special Chapter dahil special ka.

~~~.~~~

"Ibibigay ko ang aking puso,
Sa pag-abot ng pangarap, 'di hihinto
Handa 'kong harapin ang lahat,
Wala nang imposible, yeah, we gonna Go Up"

Napatigil kami sa pagsayaw nang matapos namin ang huling line sa kanta nila Papa. Naisip kasi naming aralan ang ibang kanta ng mga tatay namin dahil trip lang namin. Mahilig rin kasi kaming magperform at sumayaw ng kung ano ano.

"Bakit ba ang hirap ng step sa mga kanta ng mga tatay natin noon?" reklamo ni Josh habang nainom ng tubig.

"Aba malay ko, siguro tanong mo saakin kasi buhay na ako noon" pamimilosopo ko sa sakaniya.

"Ha-ha-ha nakakatawa, Justin" tinarayan ako ni Josh. Tsk, kahit kailan talaga ang sungit nito kaya hindi sila nagiging close ni ate Agate eh, bukod sa mapang-asar na masungit pa.

"Ang dali lang kaya ng mga step," saad naman ni Stell habang patuloy pa rin sa pagsayaw.

"Wala ka bang kapaguran, Stell? Ako napapagod sa ginagawa mo eh" sabi naman ni Sejun habang nagpupunas ng pawis niya.

"Mga dre, may pa-contest sa school" sabi ni Ken habang nakatingin sa cellphone niya. "Ang ganda ng prize, gagi, makikilala tayo kapag nanalo tayo sa contest na 'to"

Lumapit kami sa kaniya, matagal na rin kasi naming pangarap na makilala sa buong mundo katulad na lang ng mga tatay namin noon nung kabataan nila. Balita ko nga kay mama na sobrang sikat daw nila papa at naging PA rin daw siya nila papa kaya hanggang ngayon magkakasama pa rin sila.

Sana all mayroon na ganoong katibay na pagkakaibigan. Sana kami ring lima umabot katulad sa kanila kahit disband na ang grupo, magkakasama pa rin.

"Isang Korean company ang magiging judge? Hala, gagu, sali tayo, this is our chance to be known as SB19 2.0" saad ni Stell saamin. Binatukan siya ni Josh.

"Gagu, bakit may 2.0 pa, ang panget tuloy pakinggan, mas okay na yung SB19 lang" suggest ni Josh saamin.

"Baka nakakalimutan niyo na may SB19 na noon at ang mga Papa, daddy, at tatay natin 'yon, baka nakakalimutan niyo lang naman, pinapaalala ko lang" sabi ni Stell kay Josh. Natawa kami kasi pinagduldulan talaga ni Stell kay Josh yung paalala na 'yon.

"Ano na mga dre? Magregister na ako ng mga pangalan natin sa online at saka punta tayo bukas sa school para magparegister ulit" sabi ni Ken saamin.

"Go na, grab na natin ang chance" masayang sabi ni Sejun saamin. Hinintay lang naming matapos si Ken sa pagregister pagkatapos ay bumalik na kami sa practice.

"Alam niyo tayo ang magpapatuloy ng grupo nila Papa, makikilala rin tayo sa buong mundo," saad ni Josh habang naglalakad kami pauwi pagkatapos ng practice namin.

"Nadisband man sila ng maaga at least meron silang mga anak na gusto ring maging katulad nila" sabi ni Sejun.

"Tama, basta ako ang bunso at visual ng grupo" pangunguna ko na agad sa kanila.

"Okay na sa bunso kasi totoo namang ikaw ang pinaka bata saamin pero sa visual? Mas okay yung pureboy o yung corniest" asar ni Ken sa akin.

"Corniest ampotough," natatawang sabi ni Stell kay Ken. "Basta ako ang main vocalist at lead dancer"

"Siguro pwede na akong maging sexiest" binatukan ni Stell si Josh. "Aray, potough,"

"Gumaganti lang, hindi kasi sayo bagay ang sexiest" asar sa kaniya ni Stell.

"Kaya pala nanominate ako as the Sexiest man in the Campus" saad ni Josh. Natawa kaming apat kasi hindi naman siya nanalo.

"Nanominate ka lang pero hindi ikaw nanalo. HAHAHAHA" malakas na asar sa kaniya ni Ken sabay tawa ng nakakaloko. Hayup talagang manok na 'to.

"Oo na, taena, pagtulungan daw ba ako," pagsuko ni Josh. "Lead rapper and dancer na lang ang ambag ko sa magiging grupo natin"

"Lead vocalist at main rapper na lang ako" sabi ni Sejun saamin. Tinignan ko siya.

"Pwede ka ring maging leader namin, Sej" sabi ko sa kaniya. Napatigil kami sa paglalakad.

"Oo nga, Sej, pwede kang maging leader kasi mukhang ikaw lang ang matino saamin" sabi ni Stell. Well, may tama naman siya.

"Ako na lang maging leader kung ayaw ni Sejun" suggest ni Ken sa sarili niya.

"Huwag na, uy," nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Grabe kayo saakin ah," sabi ni Ken habang nasunod sa amin. "Pwede na akong maging main dancer at vocalist"

Napangiti kaming lima, "Wow, may mga position na tayo sa grupo"

"Ito na ang simula ng SB19 2.0" saad ni Stellvester. Bago kami magkahiwa hiwalay sa aming mga bahay ay nag patong patong muna yung kanang kamay naming lima at isinigaw ang katagang...

"GET IN THE ZONE, BREAK!" 

SB19 Darkest SecretHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin