EPILOGUE

1.6K 70 80
                                    

"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo, Jan?" tanong ni Paulo saakin. Ngumiti ako sa kanila at tumango.

"Sure na at wala nang makakapagpigil pa sa desiyon ko" saad ko sa kanila.

"Grabe, hindi ko alam na magiging matured ka rin mag-isip at magdesisyon sa buhay mo" hindi makapaniwalang sinabi ni Lester saakin.

"Ako rin hindi makapaniwala," natatawa kong sabi sa kanila.

"Tapos magiging tatay ka na rin, akala ko kasi tayong dalawa ang para sa isa't isa noon" asar ni Kean sa akin habang nakaakbay pa. Tinulak ko siya ng bahagya. "Joke lang eh, siguro yung magiging anak na lang natin, baka naman, Jan,"

Natawa kami sa sinabi ni Kean. "Anak agad nasa isip mo, isipin mo muna kung paano kayo kapag wala na ako sa grupo niyo"

Napangisi na lang sila na ikinakunot ng noo ko.

"Pero proud talaga kami sayo nung kinausap mo kami nung nasa US tayo na ipaglalaban mo nga si Issa at yung sinabi mo saamin yung desisyon mo na aalis ng grupo, nung una talaga hindi ako sang-ayon pero dahil kaibigan kita at kapatid na ang turingan natin, pumayag na lang ako tutal para sa ikaliligaya mo rin iyon" mahabang sabi ni Cullender. Totoo 'yon, sinabi ko na sa kanila yung plano ko at pumayag rin naman agad sila kahit na ikasisira ito ng grupo namin dahil ganoon daw talaga kapag magkakapatid, nagsusuportahan sa isa't isa.

May biglang pumasok sa loob ng dressing room, si Ate Rose. Bakas sa mukha niya ang lungkot habang tinitignan kami lalo na ako.

"Ate Rose, anong mukha yan" tanong ko sa kaniya.

"Hindi lang ako makapaniwala na aalis ka na sa grupo niyo, pero sobrang proud ako sa'yo, sainyo, kasi sa limang taon niyong pagsasama sama nakamit niyo na yung pangarap niyong lima. Ngayong limang taon na kayo sa industriya ng Ppop at saka naman kayo nagkaganito, pero masaya ako sa'yo, Jan at syempre sa desisyon mo. Congrats," nagkatinginan kami nang maramdaman ang sinabi ni ate Rose. Oo nga pala, limang taon na kami ngayonng araw. "Be ready na, in a few minutes, mag-uumpisa na yung concert niyo"

Ngumiti saamin si Ate Rose bago lumabas ng dressing room, pansin ko ngang naiiyak pa ang limang taon naming manager.

Concert namin ngayon, last concert ko kasama sila, last anniversary kasama sila, taenang yan, ayokong umiyak. Ramdam ko na sa loob ng dressing room ang lungkot. Nagkatinginan kaming lima at pansin kong tutulo na ang luha ni Lester.

"Walang iyakan ah," saad ko sa kanila. "Kahit wala na ako sa SB19, ipagpatuloy niyo yung pangarap niyo mga kuya"

Bigla silang nagcringe nung tinawag ko silang kuya. Tumulo na lang bigla yung luha ko. Hindi ako iyakin pero pagdating sa kanila ang lambot ng puso ko.

"Mamiss ko kayo," saad ko sa kanila. Bigla na lang akong niyakap ni Lester kaya nagsunod sunod na ang pagyakap nila saakin. Naririnig ko rin ang mahina nilang pag-iyak. Mamimiss ko talaga yung mga kagrupo ko na naging kaibigan at pamilya ko sa maiksing panahon.

 Mamimiss ko talaga yung mga kagrupo ko na naging kaibigan at pamilya ko sa maiksing panahon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now