Darkest Nineteen

2.4K 77 17
                                    

Pagkatapos ng shoot nila ay pumunta kami sa management nila at doon nagcelebrate dahil naging successful muli ang photoshoot. Masasabi kong sobrang close talaga ni Mitch sa kanila, kahit yung mga staff ay sobrang lapit din sa kaniya.

Nagdecide muna akong lumabas tutal wala naman akong gagawin doon sa loob. Ayoko namang makipag plastikan kay Mitch. Tumunog bigla yung phone ko at tumatawag si Nanay. Sinagot ko naman agad ito.

"Nay,"

[Anak, kamusta ka diyan sa Maynila?] tanong ni Nanay saakin.

"Ayos lang naman 'ho, bakit po pala kayo napatawa? Kamusta na po kayo? Si Lily po?"

[Ayos lang kami lalo na yung kapatid mo, kagagaling lang namin sa hospital dahil sa therapy niya, salamat nga pala, anak]

"Wala po 'yon, Nay"

[Eh ito na nga, Issa, yung tatay mo-]

"Nay, nakikiusap ako, 'wag mo nang banggitin si tatay"

[Anak naman]

"Nay, mamaya na lang po tayo mag-usap nasa trabaho po ako" narinig kong bumuntong hininga si nanay.

[Okay, anak, mag-iingat ka diyan, tumawag ka kung may problema ah? Nandito lang si nanay sa tabi mo]

Ngumiti ako kay nanay kahit hindi niya nakikita pagkatapos ay ibinaba na rin ang tawag. Hindi pa ako handang pag-usapan si Tatay. Alam kong tatay ko siya na dapat ko siyang patawarin pero sobrang sakit kasi talaga ng ginawa niyang pang-iiwan saamin noon, hindi ko pa rin matanggap.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" napatingin ako kay Paulo na tumabi saakin.

"Tumawag kasi si Nanay at saka hindi ako komportable sa loob" pag-amin ko sa kaniya.

"Bakit? Magkakilala naman kayo ni Mitch ah" saad niya. "At saka narinig kong mag bestfriend kayo sa kaniya"

"Noon 'yon, Pau" pagcocorrect ko sa narinig niya. "Hindi na kami magbestfriend at kinamumuhian ko na siya"

Nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa. Tumingin ako sakaniya.

"Ikaw, Bakit ka nandito? Hindi ba dapat nasa loob ka at nagcelebrate kasama nila?" tanong ko sa kaniya.

"Katulad mo, hindi rin ako komportable na nandoon si Mitch" napakunot ang noo ko.

"Bakit naman eh minsan niyo na rin namang naging kaibigan si Mitch at saka pa nabalitaan ko ring nagkagusto kayo sa kaniya noon"

"Noon 'yon, Issa" tinarayan ko siya kasi ginaya niya yung tono ng boses ko. Natawa naman siya sa pagtaray ko.

"So, bakit ka nga hindi komportable?"

"Niloko niya si Jan Louis noon," hindi na ako nagulat dahil nasabi na saakin yan kanina. "Grabe yung naging epekto 'non kay Jan, buti na nga lang at nagsisimula palang kami as a group nung time na 'yon, kundi patay kami kasi malamang maaapektuhan yung performance namin. Sila Lester, Cullender at Kean naman ay ganoon din pero alam mo naman yung tatlong 'yon, kapag may nanghingi ng tawad, magpapatawad na agad sila"

"Bakit kay Jan, okay lang, siya yung niloko diba?" tumango siya sa tanong ko.

"Ewan ko ba, dapat nga si Jan yung ganito na hindi maging komportable pero siya pa 'tong nakikisama doon" iiling iling na saad ni Paulo.

"Siguro kung kaugali ko kaya yung tatlo, mapapatawad ko rin kaya si Mitch sa nagawa niya saakin?" tanong ko sa sarili ko. Napatingin saakin si Paulo kaya tumingin din ako sa kaniya. "Sa tingin mo, Pau?"

"Depende sa nagawa sayo ng tao, Issa. Bakit? Anong bang ginawa sayo ni Mitch at galit ka sa kaniya?" tanong niya. Umupo ako sa bench na malapit sa pwesto namin, sumunod naman siya saakin.

SB19 Darkest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon