Darkest Seventeen

2.4K 73 19
                                    

Hindi ko alam kung bakit na naman pero hindi ulit ako makatulog. Pagulong gulong na ako dito sa kama ko pero hindi talaga ako makatulog. Bwisit.

Nagdecide akong magtimpla na gatas pero pagdating ko sa kusina at nakita yung gatas sa loob ng ref ay naalala ko na naman yung nangyari saamin ni Jan, tangin*ng yan. Tubig na nga lang para stay dehydrated pa rin.

"Pa, ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko nga ginawa 'yon, wala akong kinukuha diyan sa kumpanya niyo?" napatingin ako sa balkonahe kasi bahagyang nakabukas ito.

Sinong kausap ni Cullender? Mukhang galit pa siya sa kausap niya sa cellphone.

"Tangina, umalis na nga ako diyan diba, bakit ako pa sinisisi niyo?!" medyo pasigaw niyang saad. Ito na naman ho yung curiosity ko.

Ayokong makinig pero kasi mukhang galit talaga si Cullender. Anong gagawin ko?

"Humanap kayo ng masisisi niyo diyan sa kumpanya niyo, masaya na ako dito sa buhay ko ngayon, wag niyo na akong guluhin pa!" ibinaba niya yung tawag at biglang sinipa yung trash bin na ikinagulat ko. Napatingin tuloy siya saakin.

"Kanina ka pa diyan?" tanong niya. Dahan dahan akong tumango.

"Sorry, hindi ko naman sinasadya eh"

"Kung hindi mo sinasadya edi sana umalis ka na agad at hindi na nakinig pa" pagalit niyang saad saakin. Tsk, saakin niya naman ibubuhos yung galit niya.

"Hindi ka saakin may galit, bakit ka nagagalit?" sabi ko sa kaniya. Tinabihan ko siya sa balkonahe.

"Ano bang pake mo?"

"May pake ako kasi alam kong nakakagaan sa pakiramdam kapag nagsabi ka sa iba niyang galit mo pero wag mo lang ibabaling sa iba kasi nakakatakot baka masaktan mo sila" payo ko sa kaniya. Nagkaroon kami ng katahimikang dalawa. Hindi ko tuloy alam kung magshare ba siya saakin.

"Hmmm, okay lang naman kung ayaw mong i-share pero tulad niyo, nandito lang rin ako willing makinig sa mga problema niyo," ngumiti ako sa kaniya kahit hindi siya nakatingin saakin. "Sige na, pasok na ako"

"Si papa," napatigil ako sa pag-alis nang mag-open up siya. Bumalik ako sa pwesto ko kanina.

"Anong meron sa papa mo?" napakuyom yung kamao niya kaya hinawakan ko ito. Napatingin tuloy siya saakin, ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Makikinig ako"

"Five years ago ay umalis ako sa bahay namin kasi palagi na lang ako ang mali kapag nandoon ako, kaya nagdesisyon akong umalis. Lagi nila akong sinisisi sa tuwing pabagsak na ang kumpanyang hawak ni papa na dapat ay hawak ko ngayon kung hindi ako naging performer at gamer" bumuntong hininga siya. "Umalis din ako for good, atleast may pagkakataon na yung mga kapatid ko para sila mamuno sa kumpanya namin. Kaya ngayon, tumawag si papa at sinisisi na naman ako kasi may nawalang malaking halaga sa kumpanya"

Edi ko naman alam na may business pala itong si Cullender, kaya pala ang laki ng sahod ko. Siguro hati hati sila palagi sa pagpapasahod sa mga PA nila.

"Tinanggalan nila ako ng mana dahil sa paglayas ko sa pamilya namin" napatingin ako sakaniya.

"I-ibig sabihin wala kang nakukuhang allowance sa pamilya mo?" tumango siya saakin. Naramdaman ko yung kamay niyang pinaglalaruan yung kamay ko pero kalaunan pinag-intertwined niya rin. Malay ko ba kung anong trip nito.

"Simula nung naglayas ako, doon na ako natutong magtrabaho and maging performer na pangarap ko hanggang sa nakilala ko si Lester at siya ang dahilan kung bakit nasama ako sa grupo namin ng SB19. Dahil rin sa pagiging gamer ko noon nakakalikom ako ng pera para pangtustos sa pangangailangan ko" sabi niya.

SB19 Darkest SecretWhere stories live. Discover now