Darkest Twenty Five

2K 59 31
                                    

Lumipas ang tatlong araw at bumalik na rin ang SB19 sa condo nila pero ako? Hindi na muna ako pinabalik ni kuya Andrew at kuya Andrei doon dahil puro lalaki daw ang kasama ko. Ayoko sanang pumayag pero nakiusap saakin si Nanay na kung pwede ay dito muna ako.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong ni Jan dito sa tabi ko habang hawak ang kamay ko. Nasa van nila kami ngayon at papunta sa event nila. Magkatabi kami ni Jan at bukod sa hawak niya ang kamay ko ay nakasandal pa siya saakin. Ang clingy.

"Namimiss ko lang ang condo niyo" sagot ko sa kaniya.

"Condo ba namimiss mo o kami?" tinignan ng masama ni Jan si Lester. "Ito naman hindi mabiro, naglalandian na nga kayo sa harap namin"

"Sabat ka kasi ng sabat, hindi naman ikaw yung kausap" sabi sa kaniya ni Paulo. Napasimangot si Lester.

"Wala ka na ba talagang balak bumalik sa condo, Issa?" tanong ni Kean. Ngumiti ako sa kaniya.

"Hindi ko rin alam eh, nag-usap kasi kami ni nanay at nakiusap saakin na doon muna ako mag-stay kahit ayoko" sagot ko sa kaniya.

"Hindi pa kayo okay ng father mo, love?" tanong ni Jan. Umiling ako sa kaniya. "Bakit hindi pa kayo mag-usap? Baka sakaling maging maayos na kayo"

"Hindi ganoon kadali 'yon, Love," saad ko sa kaniya.

"Pero malay mo naman 'diba, kapag nag-usap kayo maging okay din ang lahat sa pagitan niyong dalawa tapos magiging maayos pa yung family mo" pagpupumilit niya saakin.

"Hindi pa nga ako ready, Jan" naiinis kong sabi sa kaniya. Hindi ko alam pero naiinis ako sa kaniya.

"Just try, Love, wala namang mawawala s—"

"Jan please, wag na muna nating pag-usapan" may inis kong sabi sa kaniya. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Ayoko talaga yung pinipilit ako eh. Hindi na rin siya sumandal saakin, alam niya siguro na nabadtrip ako.

Pagdating namin sa mall kung saan sila may mallshow ay naghanda na agad sila. As usual marami nang mga fans ang hinihintay sila. Sa maiksing panahon na nakasama ko sila ay marami nan gang nangyari sa grupo nila, mas lalo silang nakilala worldwide, sabagay maglilimang taon na rin sila at sa limang taon na 'yon ay nakamit na nila ang pangarap nila.

Ang sabi saakin ni Ate Rose na magkakaroon na sila ng concert sa US at inaasikaso na ito. Within this year daw ang date kaya napaka saya ko para sa kanila.

"Kahit ilang beses pang matumba, yeah, we gonna go up" habang nasa stage sila ay nandito naman ako sa gilid para mapanood sila. Kahit naman medyo inis ako kay Jan, gusto ko pa rin siyang panoorin. Ehem. Proud jowa here.

"Ah miss," napatingin ako sa babaeng kumalabit saakin. "Isa akong journalist, nais ko lang sana itanong kung may girlfriend na ba ang isa sa SB19,"

Naistatwa ako sa tanong niya. "A-ang random naman po ng tanong niyo"

"May nakapagpadala kasi saakin ng isang litrato at isang myembro iyon ng SB19" nanlaki ang mata ko. Napatingin ako sa paligid baka mamaya may nakikinig pala saamin.

"Ano pong litrato?"

"Sorry, miss pero hindi ko pwedeng ipakita sayo hangga't hindi ko pa nacoconfirm" sabi niya saakin. "So, ano nga, may girlfriend na ba ang isa sa mga myembro ng SB19?"

Umiling agad ako. "W-wala 'ho" ngumiti siya saakin pagkatapos ay umalis na.

Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit, paano kung isang picture 'yon namin ni Jan o kung sino pang member ng SB19. Baka maging dahilan pa ito ng ikasira ng grupo nila. Kinakabahan ako.

SB19 Darkest SecretOnde histórias criam vida. Descubra agora