Darkest Twenty Four

2.1K 56 24
                                    

"Pwede ko bang tanungin kung bakit ka may galit diyan sa puso mo?" tanong ni Jan. Natawa naman ako. Nagtatanong na nga siya eh.

Katatapos lang naming magsalo sa isang mainit na tagpo at nakaunan ako ngayon sa chest niya habang nilalaro niya ang kamay kong nakarest sa katawan niya. Shocks, hindi ko in-imagine na magiging ganito kami kalapit sa isa't isa. Hindi ko nga rin na imagine na magkakagusto rin siya saakin.

"Nasabi sayo ni Paulo?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Bukod pala kay Lester, ang daldal din ni Paulo"

Natawa siya sa sinabi ko. "Pinilit ko lang si Paulo at iyon din ang dahilan kung bakit kami nagkabating dalawa"

"Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa sila mapatawad lahat, siguro nandito pa rin sa puso ko lahat ng ginawa nila at hindi ko makalimutan pa yung sakit na dinulot 'non" sagot ko sa tanong niya. "Gusto ko na silang patawarin pero kasi ang hirap talaga"

"Siguro hinihintay mo na lang yung paliwanag nila kaya hindi mo pa mapakawalan yung sakit diyan sa puso mo" sabi niya saakin pagkatapos ay hinalikan niya ang ulo ko. "Try mong pakinggan ang side nila, Love"

"Love ka diyan" sabi ko sabay tawa. Nagulat ako nang bigla siyang pumaibabaw saakin at hagkan ulit ang labi ko. Ang wild din pala ni Jan.

Mukhang magkakaroon na naman kami ng mainit na pagsasalo.

Nagising ako nang maaga dahil balak ko talagang magluto ng breakfast namin. Wala sila Paulo at Lester para maghanda ng pagkain namin at sa apat na buwan kong pag-stay dito sa condo nila, pansin kong hindi marunong magluto si Jan.

Nagbihis ako at pumuntang sala, nag-umpisa na rin akong magluto ng breakfast naming dalawa. Kinikilig ako, parang mag-asawa lang ang peg.

Naramdaman kong may yumakap saakin mula sa likod. Si Jan Louis yan, sino pa bang kasama ko dito sa condo nila?

"Good morning" bulong niya sa tainga ko sabay subsob ng mukha sa leeg ko.

"Good morning" bati ko pabalik sa kaniya.

"Uuwi ako mamaya sa bahay, tumawag kasi si Mommy, miss na raw nila ako" sabi niya. Sinusundan niya talaga ako kahit saan ako magpunta sa kusina kahit na nakaback hug siya saakin.

"Okay lang ako," saad ko sa kaniya.

"Sure ka? Ikaw lang mag-isa dito" sabi niya. Wala rin kasi akong trabaho kapag rest day nila. Bumitaw siya sa pagkakayakap saakin at tinulungan akong mag-ayos ng lamesa.

"Doon muna ako kila ate Cherry" sagot ko sa kaniya.

"Okay ka lang talaga?" tumango ako sa kaniya. "Baka gusto mong sumama sa bahay?" napatingin ako sa kaniya. Seryoso ba siya?

"Hindi na, okay lang talaga ako at saka magkikita pa naman tayo" sabi ko sa kaniya. Nakabusangot siya saakin. Natawa ako at pinisil ang ilong niya pagkatapos ay kumain na kami.

~~.~~

Hinatid ako ni Jan gamit ang kotse niya kung saan kami magkikita ni Oliver. Nakisabay lang ako kasi uuwi na muna siya sa kanila.

"Sure kang ayaw mong sumama? Ipapakilala na agad kita kay Mommy" saad niya. Natawa ako sa kaniya. Ilang beses niya nang tinatanong saakin yan at ilang beses ko na rin siyang sinagot ng paulit ulit.

Tinignan ko siya ng nakangiti. Napabuntong hininga na lang siya. "Fine, next time na lang" bago ako bumaba ay kinalabit niya muna ako tapos ngumuso.

"Kiss ko?" saad niya.

"Ha? Neknek mo" sabi ko naman sa kaniya.

"Ang tagal nating hindi magkikita, bilis na, Issa" napabuntong hininga ako at binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi pagkatapos ay lumabas na. Sumilip siya sa bintana ng kotse.

SB19 Darkest SecretМесто, где живут истории. Откройте их для себя