Chapter 1: The twins

53.5K 1.4K 777
                                    


CHAPTER ONE

The twins


Feem

"BOLA!" sigaw ni Lumi pero huli na ang lahat. Bago pa man ako makaiwas sa bola ay tumama na ito sa mukha ko. Sa sobrang lakas nang pagkakatama, napaupo pa ako sa sahig.

Ugh.

Husay.

Napakahusay.

Sobrang husay.

Nang bumalik ako sa katinuan ay agad akong tumayo. "Sinong bumato sa 'kin ng bola?" inis na tanong ko.

"It wasn't me," biglang sagot ni Rara. Tinapunan ko siya ng masamang tingin saka ko siya inirapan.

Defensive b*tch.

Nang hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kanya, naglakad ako papunta sa posisyon niya at nang sa wakas ay makalapit na ako sa kanya, malakas kong sinipa 'yong binti niya kaya nawalan siya ng balanse at tumumba sa sahig.

"What the hell?" She scoffed in disbelief.

Lumuhod ako sa harapan niya at saka ko tinusok-tusok 'yong noo niya, dahilan para mapamaang siya.

"Gamitin mo utak mo, Rara. Pati ito," sambit ko, sabay turo sa mata niya. "You don't hit the opponent. You aim for the opposite ground. Titirahin mo kung saan malabong makuha ng kalaban 'yong bola."

"It was unintentional, okay?! I wasn't aiming to hit you with that damn ball. You're being too sensitive. I'm sick of it!" sigaw niya sa 'kin.

Siya pa may ganang magreklamo? Ako na nga 'tong tinamaan ng bola sa mukha. Okay lang ba utak niya?

She stood up and glared at me. "If you hate me for dating your ex, your hate will just kill you. Because no matter how much hate you throw at me, he's never coming back to you. Move the hell on, Feem."

Palihim akong natawa nang sabihin niya iyon. Sino siya para utusan ako sa isang bagay na nagawa ko na?

Wala na akong nararamdaman para sa taong tinutukoy niya. Ni hindi ko na nga 'yon nakakausap at wala akong balak kausapin pa 'yon ulit.

"And please, leave your personal life out of the court. Let me remind you that you're the team captain. The fact that your emotion always gets in the way really disappoints me," she said for the last time before walking away.

An ironic smile escaped my lips.

Coming from you, Ramirrah Keen.

Napailing na lang ako at saka ko inis na tiningnan ang mga tao sa paligid ko. "Ano? Titingin na lang kayo sa 'kin?" singhal ko sa kanilang lahat. Agad naman silang umiwas ng tingin sa 'kin.

"At saka 'di ba sabi ni Coach mag-focus tayo sa body conditioning? Sinong nagsabing mag-ball drills kayo? May sinabi ba ako?" dagdag ko pa. Kung 'di sana sila pasaway, eh 'di sana hindi ako tinamaan ng bola.

Nakakapang-init talaga ng ulo kapag natatamaan ako ng bola.

Pumasok ako sa locker room para magpalit ng damit at nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, lalo akong nawala sa mood. Namumula ng sobra ang ilong at noo ko. Mabuti na lang talaga hindi ako sa labi napuruhan. Kung nagkataon ay hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng inis ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako at kalmadong naglakad pero napahinto ako bigla dahil natamaan na naman ng bola ang mukha ko.

Napapikit ako sa inis.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon