Chapter 19: That car

16.9K 665 197
                                    


CHAPTER NINETEEN

That car


NANG ma-receive ni Moyen ang bola mula sa likod, napunta iyon sa 'kin at agad akong nag-toss papunta kay Rara sa Quatro.

Mataas na tumalon si Rara at saka pinalo ang bola. Napatalon ako sa tuwa nang makapuntos kami. Malapad akong napangiti at humarap kay Rara. Nang magtama ang mata naming dalawa ay agad akong umiwas ng tingin dahil naalala kong hindi na nga pala kami magkaibigan. Hindi na kami tulad ng dati.

Humarap ulit ako sa kalaban at nag-focus na lang ulit sa game.

23-22.

Dalawa na lang ay panalo na kami.

No'ng ako na ang mag-se-serve ng bola ay napatingin ako sa puwesto ng Belle Ville students dahil sa biglaang pagsigaw ng isang pamilyar na boses.

Pagkakita ko ay nakatayo roon si Trev habang nakaturo sa 'kin.

"I love you, Captain!" sigaw pa niya. Inaawat na siya ni Gonz pero ayaw niyang magpaawat.

Napangiti ako nang maalala ko 'yong pagkanta niya ng A-B-C-D no'ng nalasing siya. Ang kulit.

Ang iba ay kinikilig sa pagsigaw ni Trev, pero ang iba ay naiinis dahil ayaw nila sa 'kin para sa kanya.

Well, they can't do anything about it. They can try, but they would fail. Ako ang girlfriend ni Trev, sa ayaw at sa gusto nila.

Pagka-serve ko ay tumakbo na agad ako papunta sa harap. Nahirapan sila i-receive nang maayos ang serve ko kaya bumalik sa 'min agad ang bola nang hindi sila umaatake.

"Chance ball!" sigaw ni Betty nang ma-receive niya ang bola papunta sa 'kin.

Nang i-toss ko ang bola papunta kay Lumi, inihulog niya ito sa kabila kaya nakapuntos ulit kami. Akala ng kalaban ay papalo si Lumi kaya inabangan nila 'yong palo niya. Hindi nila inaasahan ang paghulog ni Lumi ng bola sa likod ng mga blocker kaya nakapuntos ulit kami.

Naging maayos ang laro namin hanggang sa nag-25 na ang score namin. Walang bago, lagi naman kaming nananalo.

Pagkatapos ng laro namin ay agad akong dumireto sa bench para uminom ng tubig pero hindi pa man ako nakakainom ay napunta kay Trev ang paningin ko. Hinakbangan niya ang mga bleachers papunta sa puwesto naming mga players.

Napailing ako habang pinapanood siya.

Nang sa wakas ay makalapit siya sa 'kin, pinunasan niya ang pawis ko sa mukha pati sa likod. "Nice game, Captain. Congrats," he whispered, giving me a soft kiss on my cheek.

A smile escaped my lips. "Thanks, Captain."

I looked around to see if anyone's watching, and realized I don't care about them so I immediately kissed Trev on his lips.

Biglang nagkantiyawan sila Gonz mula roon sa bleachers at pinagbabato kami ng mga face towel nila.

"Sana all!" reklamo nila kaya sabay kaming natawa ni Trev at napailing.

First week ngayon ng inter-high namin at sa January na ulit ang continuation dahil start na ng Christmas Break bukas.

Dalawa na ang panalo namin ng Belle Ville volleyball boys and girls. Wala pa kaming talo pareho.

After changing clothes, I went out of the locker room and saw Trev waiting for me. He grabbed my bag using his left hand and my hand using his other hand.

We've been dating for three weeks already, at mas naging close talaga kami ni Trev. I became more comfortable around him as we spent a lot of time together. Kapag training lang kami hindi magkasama dahil hard training na 'yong ginagawa namin no'ng nakaraan gawa ng inter-high.

"Sama kayo ni Feem, Trev? Birthday ni Gonz," tanong ni Carson kay Trev pagkadating namin sa parking sa harap ng Madrid.

Agad na tumingin sa 'kin si Trev. "Gusto mo ba?" tanong niya sa 'kin.

Napatingin ako sa kanilang lahat at napansin kong hinihintay nila ang sagot ko.

Ang tagal ko na kasing hindi sumasama sa mga party simula no'ng lumayo ang loob ko sa kanilang lahat.

I was really hesitant to go with them, but then I remembered I have to try.

Bumaling ulit ako kay Trev at saka ko siya binigyan ng isang kalmadong ngiti. "Okay lang sa 'kin."

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa sagot ko. Hindi niya inaasahan na papayag ako. Alam niya rin kasi na hindi na ako sumasama sa kanila masyado.

"Are you sure?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin.

"Yes. Okay lang talaga," sagot ko ulit. "Pero samahan mo muna ako sa bahay. Papaalam lang ako kay Papa. Baka magluto ng hapunan 'yon, eh."

He smiled and nodded before turning his head to Carson. "Una na kayo. Sunod na lang kami." When Trev said that, I saw Gonz smiled.

"Welcome back, Feem," Gonz said and tapped me on my shoulder.

I didn't know why, but hearing those words honestly sent me a warming feeling.

***

NAABUTAN namin si Papa na nanonood ng tv sa sala at agad na nagmano sa kanya si Trev.

I left them two in the living area because I had to put my things inside my room.

Last week ay pinakilala ko na si Trev kay Papa, at okay lang naman kay Papa dahil matagal na pala talaga silang nagkakausap. And I think that's a wonderful thing.

Pagkabalik ko sa sala ay agad akong tiningnan ni Papa. "Before 11PM dapat nandito ka na, Feem ha. 'Wag masyadong uminom," bilin niya.

Tumango ako at ngumiti. "Thanks, Pa."

"Mag-ingat kayo," bilin niya rin kay Trev.

"Opo, Tito. Salamat po," nakangiting sagot ni Trev.

Pagkalabas namin ni Trev, hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad. "I'm glad you're okay with coming with us."

Ngumiti lang ako. "Oo naman. Kasama naman kita," kalmadong sagot ko.

Mahina siyang natawa kaya agad akong nagtaka at napatingin sa kanya. "Bakit ka tumatawa?"

"Wala lang. Naalala ko lang bigla kung paano mo ako sungitan dati."

Natawa rin tuloy ako bigla at saka napailing na lang. "Bakit nga ba kasi ngayon ka lang nagpapansin sa 'kin?"

"'Di ako marunong mang-agaw." Huminto siya saglit sa pagsasalita at saka ngumiti. "Pero magaling akong maghintay," pagmamayabang niya kaya agad akong natawa.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya.

He's really good at making me laugh.

The whole drive on our way to Gonz's house, I just talked to Trev about a lot of random things.

I'm really glad he's with me.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay nina Gonz, natigilan ako nang makita ko ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa harapan.

Inaninag kong mabuti 'yong sasakyan at napaangat ang kilay ko nang mapagtanto ko na agad kung kanino iyon.

Bakit nandito si Denver?


__

Tiana: Join po kayo sa facebook group namin TianaVianne's Readers :))) Active d'yan mga tao haha, active din ako makipag-interact d'yan with readers :") See you there!

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon