Chapter 12: Not again

18K 858 562
                                    


CHAPTER TWELVE

Not again


I really don't know why I'm here.

I didn't even see this day coming.

His phone kept on ringing. Matagal ko nang binura ang number niya sa contacts ko pero hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin.

You really are pathetic, self.

It's already 12:30AM but here I am, standing outside their house.

Finally, he answered the call.

"H-Hey." He stuttered. There's a hint of hesitation in his voice. I didn't know what to say. I wanted to call him but no words were coming out of my mouth right now.

"Are you—alright?" he asked. Iyong kaninang boses niya na may pag-aalangan ay napalitan nang pag-aalala.

He knew I was the one who called. Siguro ay kabisado niya pa rin ang number ko, o hindi niya lang talaga binura 'yong number ko.

"Nasa labas ako ng bahay niyo," malamig na sabi ko.

Natigilan siya sa kabilang linya at nakita ko naman siyang sumilip sa bintana ng kuwarto niya sa taas. Binitawan niya ang phone niya at nawala saglit.

Maya-maya lang ay nandito na siya sa harapan ko, kalalabas lang ng bahay nila.

"Why are you here, Fe—"

I punched him hard on his chest. Nang hindi ako makuntento ay sinuntok ko ulit siya sa dibdib niya.

Paulit-ulit ko 'yong ginawa hanggang sa sunod-sunod na kumawala ang luha mula sa mga mata ko.

Tanging galit ang nararamdaman ko. Gusto kong maghiganti sa kanilang lahat. Gusto kong iparanas sa kanila ang naranasan ko. Gusto kong maramdaman nila ang naramdaman ko.

Paulit-ulit ko siyang sinuntok at hinampas sa dibdib niya. Hindi ako napagod na gawin 'yon nang paulit-ulit kahit nanlalabo na ang paningin ko gawa ng mga luha ko.

Hindi siya umiwas. Sinalo niya lang lahat ng suntok at hampas na binigay ko. Nanatili lang siyang nakatayo at hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko.

Nang sa wakas ay mapagod ako ay buong lakas ko siyang tinulak kasabay nang pag-upo ko sa lapag dahil sa biglaang panghihina ko.

"I hate you so much, Denver. I hate you." My voice cracked. "It's really hard for me. It's always been hard for me. Some things are just really f*cking crazy and they should never have happene," I finally told him.

Siya ang sinisisi ko sa mga nangyayari ngayon sa 'kin kahit na alam kong kasalanan ko rin naman talaga. Kung hindi ako pumayag, hindi sana nangyari lahat ng 'yon at hindi sana umabot sa ganito.

What we did had started a chain of undeniably chaotic consequences.

He didn't speak. He just listened to me. Hinahayaan niya lang akong sisihin siya kahit alam niyang may kasalanan din naman ako sa nangyari.

And that's what I hated about him the most. Okay lang sa kanyang sisihin ko siya, mapagaan lang niya ang loob ko.

"They won't stop, Denver," I said, almost out of breath.

Nang marinig niya 'yon ay bigla siyang lumuhod sa harap ko para maging kapantay niya ang mukha ko. He stared at me for so long, worried.

"Who the f*ck tried to hurt you?" Bakas sa mukha niya ang galit nang sabihin niya iyon.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon