Chapter 22: Last Summer

16.2K 693 249
                                    


CHAPTER TWENTY-TWO

Last summer


INIHINTO ni Trev ang Wrangler niya sa gilid at nagmamadali akong bumaba mula rito.

Napaliligiran ng mga pulis at napakaraming caution tape ang tapat ng bahay namin, senyales na restricted area ito.

Lahat ng mga kapit-bahay namin ay nagbubulungan din nang makita nila ako. Bakas sa mukha ng iba ang awa sa 'kin, habang ang iba naman ay palihim akong tinatawanan sa isip nila.

Iniyukom ko ang kamao ko nang ipakita sa 'kin ng mga pulis ang bangkay ni Papa. Parang ulan ang naging pag-iyak ako, walang tigil.

May tama ng baril ang kanang dibdib niya pati ang tagiliran niya. Ang masakit doon, dalawang tama ng baril sa kanang dibdib niya at dalawa rin sa tagiliran niya.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak at humagulgol.

"Papa!" basag na boses na sigaw ko at pilit siyang ginigising, kahit alam kong wala na talagang pag-asa.

He was fine this morning. He was happy decorating. We were happy! We were okay! Saglit lang akong nawala. Bakit ganito ang nangyari?

Naramdaman ko ang pagyakap sa 'kin ni Trev mula sa gilid ko at marahan niyang hinagod ang likuran ko dahil walang tigil ang paghikbi ko.

Sana ay hindi na lang ako umalis. Sana hindi ko siya iniwang mag-isa sa bahay.

Napuno ng sana 'yong isip at puso ko kahit alam kong wala naman na talaga akong magagawa.

"Sino'ng gumawa nito sa 'yo?" umiiyak na sabi ko.

Pakiramdam ko, sa isang idlap ay gumuho ang mundo ko. I didn't see this coming.

Siya lang ang tumayong magulang ko, pero walang awa siyang pinatay ng kung sino mang nasa likuran ng lahat ng 'to. How could that person do something like this to my father? Mabuting tao ang Papa ko. Hindi siya kailanman naghangad ng kasamaan para sa ibang tao.

Napunta ang atensyon ko sa kadarating lang na itim na sasakyan. Mula roon ay lumabas ang nanay ko, sinalubong siya nina Bellamy at Denver.

Nang makita niya ang bangkay ni Papa, bigla siyang nanghina at muntikan nang matumba. Mabuti ay naalalayan agad siya no'ng dalawa.

Para akong t*ngang tumawa mag-isa at madiin na tumingin sa kanya. "Ano'ng karapatan mong umiyak sa pagkamatay ni Papa? Iniwan mo kami, 'di ba? Iniwan mo kaming dalawa! Araw-araw akong nag-aalala kung ligtas ba siya. Araw-araw nasa peligro ang buhay niya dahil sa trabaho niya. Pero nasaan ka?!"

She couldn't look at me directly in the eye. "I'm sorry. I'm sorry, anak. I'm so sorry," paulit-ulit niyang sabi pero huli na ang lahat. Wala nang magagawa ang sorry niya.

"Tapos ngayong wala na siya, iiyak ka." Muli akong tumawa. "Ang kapal ng mukha mo," galit na saad ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa 'kin ni Trev dahil sa sinabi ko pero hindi ko siya pinansin.

Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi lungkot, sakit, pait at galit.

Lungkot dahil wala na 'yong nag-iisang taong tumayo sa tabi ko at kahit kailan hindi ako iniwan.

Galit dahil ang mabuting tao na tulad niya ay walang awang pinatay na para bang hindi siya tao.

***

NANATILI lang akong nakaupo sa gilid ng kabaong ni Papa. Kung tumatayo man ako, para lang maligo at kumain pa-minsan-minsan dahil wala talaga akong gana. Kahit nga si Trev ay hindi ko kinakausap, pero hindi siya umalis sa tabi ko sa dumaang limang araw na burol ni Papa.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon