Chapter 13: Retreat

18.6K 818 203
                                    


CHAPTER THIRTEEN

Retreat


PARA akong bangag habang nagtitimpla ng kape sa 7-Eleven. Antok na antok pa talaga ako. Paano ba naman, 4AM pa lang pero nandito na kami sa BVHS dahil ngayon naka-sched ang punta namin sa Caleruega for Retreat. Hindi pa bukas ang mga canteen sa loob kaya buti na lang may malapit na 7-Eleven dito sa campus.

Halos lahat tuloy ng Grade 12 students ay nandito para bumili ng pagkain. Mabuti na lang kamo, malaki ang 7-Eleven dito kaya 'di gano'n kasikip kahit madaming tao. Sobrang luwag kasi ng area, pati sa labas ay may mga table and chair din for customers.

Pagkatapos kong humigop ng kape ay ipinatong ko ang ulo ko sa mesa para sana matulog ulit. Bahagya akong humarap sa gilid ko at nanlaki ang mga mata ko nang biglang umupo si Trev sa tabi ko at ginaya ang puwesto ko.

"Puyat ka yata?" tanong niya habang nakatitig sa 'kin.

Agad akong umayos ng upo at umiwas ng tingin.

Napakakulit niya.

Nasaan ba ang mga kaibigan niya? Bakit hindi na lang sila ang guluhin niya? Bakit kailangan laging ako?

Napailing na lang ako dahil sa kanya.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang maleta ko. Oo maleta talaga ang dinala ko dahil puro pagkain ang laman nito at marami talaga ako magdala ng damit. Three days lang naman kami sa Caleruega pero madami pa rin akong bitbit. Hindi lang naman ako nag-iisa. Halos lahat din naman ng mga kasama ay may dalang maleta.

Bumalik na ako sa campus at bumungad naman sa 'kin 'yong limang bus na nakaparada dahil limang sections ang buong Grade 12 students. Sumakay ako agad sa bus number three.

Nang makita kong bakante ang tabi ni Gonz, sa kanya na ako tumabi. Komportable naman ako kay Gonz kahit papaano.

Hinanap ng mga mata ko si Rara kasi baka kay Gonz siya tatabi, pero natanaw ko siya sa harapan katabi si Madette.

"Dapat sa estribo mo na pinasok 'yang maleta mo," natatawang sabi ni Gonz kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.

Ugh. Oo nga pala. 'Yong maleta ko hindi ko nailagay sa estribo. Nagmadali kasi ako kanina dahil iniiwasan ko si Trev.

"Akin na, ako na maglagay. Baka sabihin ni Trev pinapabayaan kita," umiiling na sabi ni Gonz kaya napangiwi ako. What the f*ck? Bakit ba puro Trev na lang ang naririnig ko?

Bago pa ako makapag-react ay nakuha niya na ang maleta ko at bumaba na siya ng bus dala-dala 'yong maleta ko.

Maya-maya lang ay nakabalik na rin agad si Gonz at umupo na ulit sa tabi ko.

"Ba't pala nandito ka? Akala ko tabi kayo ni Trev?"

I groaned in annoyance.

"'Wag kang lilipat kapag pinalipat ka ni Trev," banta ko sa kanya at mahina siyang natawa.

Pag-akyat ng bus ni Trev, tulad nang inaasahan ko ay kinulit niya si Gonz na umalis sa tabi ko para matabihan niya ako.

Pero dahil likas na mapang-asar si Gonz, hindi niya pinansin si Trev at pinagtulakan niya pa mismo si Trev doon sa tabi ni Lumi. Wala nang nagawa si Trev dahil umandar na ang bus kaya naman umupo na siya sa nag-iisang bakanteng upuan doon sa tabi ni Lumi.

"You owe me one," mahinang sabi ni Gonz sa 'kin kaya agad akong napangiti. Buti pa 'tong si Gonz madaling kausap, eh. 'Di tulad ni Trev.

Inabot ng apat na oras ang biyahe namin hanggang sa makarating kami ng Caleruega Retreat Center sa Nasugbu, Batangas.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon