Chapter 25: The message

16.6K 574 120
                                    


CHAPTER TWENTY-FIVE

The message


I looked outside and it's really sunny. Other than the few clouds in the sky, it was a pretty nice day.

Pagkadating namin sa Vera Beach Resort, nagpunta na kami sa kanya-kanya naming kuwarto. Team building namin ngayon at wala nang available na room for 20+ persons kaya 'yong tig-2 persons na lang ang meron.

Buti na lang 'yong partner ko sa room ay si Gonz. Nakiusap kasi ako kila Coach na kung puwede ay si Gonz na lang ang makasama ko sa kuwarto dahil 'di ako komportable kung mga babae kong teammates 'yong makakasama ko sa kuwarto. Gusto ko nga sana si Trev na lang ang makasama ko sa kuwarto kaso 'di kami papayagan nila Coach dahil aware naman sila na boyfriend ko si Trev.

"Ano ba'ng ginagawa mo?" taas kilay kong tanong kay Trev na may hawak na comforter habang nakatungtong siya sa kama.

"Gusto niya may harang na kumot sa gitna natin para 'di kita makita," rinig kong sabi ni Gonz mula sa kabilang kama at saka siya humalakhak.

Agad na napakunot ang noo ko. What the hell? Isip bata talaga 'tong si Trev minsan.

Inis na binato ni Trev kay Gonz 'yong comforter na isasabit niya sana pangharang sa gitna ng kama namin ni Gonz.

"Para ka namang ano!" tumatawang sabi ni Gonz. "Dalawa naman 'yong kama, Trev. 'Di naman kami magkatabing matutulog," reklamo pa ulit ni Gonz.

"Umayos ka ah," banta niya kay Gonz kaya pareho na lang kaming napailing ni Gonz.

"Pumunta ka na sa kuwarto mo," utos ko sa kanya pero tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit? Gusto mong solohin si Gonz?"

"What the hell?" Nararamdaman ko na ang init ng pisngi ko sa sobrang pagkairita.

"Badtrip kasi eh, si Carson kasama ko sa kuwarto. Lakas pa naman humilik no'n," reklamo ni Trev kaya humalakhak si Gonz.

"Good luck, bro. Chat mo lang ako 'pag 'di ka makatulog," pang-aasar ni Gonz.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa at hindi na umimik pa.

Pagkatapos namin mag-ayos ng gamit ay dumiretso na kami sa labas para maglaro ng beach volleyball. Ang objective ng game ay para matuto kaming kumilos nang mabilis kahit mahirap gumalaw dahil sa buhangin.

Nag-enjoy naman ako sa game, pero may oras talaga na natutulala ako kapag naaalala ko si Papa.

Pagka-set ko ng bola kay Moyen, imbis na paluin niya ang bola ay bigla niya akong tinulak kaya natumba ako sa buhangin.

Ikinagulat ko 'yong ginawa niya kaya nag-angat ako ng tingin.

Sinikap kong basahin ang mukha ni Moyen pero ngumisi lang siya at saka ako tinalikuran.

Gustuhin ko man magreklamo sa ginawa niya, hindi ko na lang ginawa. Wala na rin akong lakas para patulan siya.

Agad na lumapit sa 'kin sina Gonz at Trev para tulungan akong tumayo.

Ininda ko ang sakit ng kanang kamay ko dahil naitukod ko 'yon sa buhangin.

Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na huwag nang patulan si Moyen pero hindi ko magawa. Kailangan ko siyang patulan.

Lalapitan ko sana si Moyen pero napahinto ako sa paglakad dahil biglang lumapit sa kanya si Trev at inis na binato ang bola sa dibdib si Moyen. "F*ck you, Moyen. You're always like that." His eyes were burning in anger when he said that. He wanted to get even, but Gonz managed to stop him and whispered something.

Muling bumaling si Trev kay Moyen at tiningnan siya nang masama. "Hurt her again and I'll make sure you'd be out of the team," he warned her.

Bago pa lumala ang nangyari ay pinarusahan nila Coach Zavardo at Coach Quirro si Moyen. Hindi muna siya makakasama sa mga game namin ngayong team building dahil sa ginawa niya.

Marahan akong hinigit ni Trev at pinaupo ako sa gilid. Tinitigan niya ako at hindi niya maitago ang pag-aalala.

Maya-maya lang ay inabot sa kanya ni Gonz 'yong first aid kit at saka niya tiningnan ang kamay ko para lagyan iyon ng benda.

"G*go talaga si Moyen eh 'no? Feeling maganda amp*ta mukha namang paa," komento ni Gonz kaya natawa ako nang mahina.

Pagsapit ng gabi, nag-boodle fight kami sa may cottage malapit sa mismong beach area.

Coach Quirro and Coach Zavardo said a good way to deepen our relationship with our teammates is to share food with one another so they set up a boodle fight. Maybe they're right. Maybe not. Siguro sa kanila, effective. Siguro sa 'kin, hindi.

Sina Trev at Gonz palagi ang katabi ko, at silang dalawa lang din talaga ang kinakausap ko. Sila lang din naman ang kumakausap sa 'kin nang maayos kaya hindi na ako nag-abalang makisama pa sa iba. Sayang lang ang energy ko.

Pagkabalik namin lahat sa Hotel, nagkaroon muna kami ng meeting sa kuwarto nina Coach Zavardo at Coach Quirro. Marami silang na-discuss sa 'min na mga bagong approach sa pag-atake at marami rin silang inspirational stories na sa tingin ko ay makatutulong naman sa 'min as athletes.

Nang pumasok na kami sa kanya-kanya naming kuwarto, naligo na ako at humiga na agad sa kama ko dahil tinatamaan na talaga ako ng antok. Kanina pa nga lang sa meeting ay napapapikit na ako.

Si Gonz naman, abala mag-phone do'n sa kama niya. Pangiti-ngiti pa. Ka-chat siguro 'yong girlfriend niya.

"Patayin ko na 'yong ilaw?" tanong ko kay Gonz dahil nahihirapan ako makatulog kapag nakabukas 'yong ilaw.

Tumango naman agad siya kaya mabilis akong tumayo at pinatay na 'yong ilaw. Babalik na sana ako sa kama pero natigilan ako dahil sa biglaang pagkatok sa pinto namin.

Napabuntonghininga ako. Antok na antok na ako, eh.

Wala naman akong ibang nagawa kundi ang buksan 'yong pinto at halos mawala 'yong antok ko nang makita ko si Trev na may bitbit na unan.

"What the hell, Tr—" Agad niyang tinakpan ang bibig ko kaya hindi ko na natuloy 'yong sasabihin ko at bigla naman siyang pumasok sa kuwarto namin.

Napailing ako pagkasara ko ng pinto.

"Dito 'ko matutulog," parang bata niyang sabi. Nag-angat ng tingin si Gonz nang marinig niya 'yong boses ni Trev.

"Baliw ka ba? 'Pag nahuli ka nila Coach papagalitan ka no'n," paalala ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at dire-diretso lang na humiga do'n sa kama ko.

Napailing na lang ulit ako. Akmang hihiga na ako sa tabi niya dahil hindi ko na kaya 'yong antok ko pero natigilan ako dahil sa biglaang pag-vibrate no'ng phone ko na nakapatong sa may side table.

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung sino 'yong nag-message sa 'kin at napatitig ako nang matagal sa lockscreen ko.

It's a message from Denver.

Labas ka saglit.

He's here?


__

Tiana: Ano sa tingin niyo mangyayari next chapter dahil sa text ni Denver kay Feem? :)

Anyway, you can also find me here,

Facebook - Tiana Vianne Isidoro
Twitter - TianaVianne
Instagram - christianavianne
FB Group - TianaVianne's Readers

Active ako makipag-interact with readers sa mga accounts ko na 'yan! 'Wag kayo mahiyang i-mention ako or anything. :) Thank you! Stay safe!


To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon