Chapter 8: The Creos cousins

19.5K 848 517
                                    


CHAPTER EIGHT

The Creos cousins


"THANKS, Trev," sabi ko bago ako bumaba ng sasakyan niya.

"Hindi mo ako iimbitahan pumasok sa loob ng bahay niyo?" tanong niya pero inirapan ko lang siya.

Mahina siyang natawa at saka siya ngumiti. "Call me if you need anything," he said, sincerity written all over his eyes. I didn't say anything. I just simply nodded.

Bago ako pumasok sa loob ng gate namin ay napabuntonghininga ako. Sana ay wala na sa loob ng bahay namin ang babaeng 'yon.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay namin, naabutan ko si Papa na nanonood lang ng tv habang nagkakape. Nang makita niya ako ay agad na napakunot ang noo niya.

"Akala ko mga ilang araw ka doon sa mga Keen," umiiling na sabi niya na para bang disappointed siya sa 'kin. What the?

"Bakit naman ang aga mong umuwi? Sana sinulit mo muna 'yong anak nilang lalaki. Ano nga ulit pangalan no'n? Si Trevor ba 'yon?"

Agad na nagsalubong ang kilay ko at napasapo na lang ako sa noo ko. Kahit kailan talaga 'tong si Papa!

"Magandang lalaki 'yong panganay nila 'no?" dagdag pa niya.

"Hindi siya panganay. May kakambal siya. At hindi magandang lalaki si Trev, please lang."

"Malamang may naunang ilabas sa kanila. At sure ako 'yong lalaki 'yon. So panganay nga siya," pagsang-ayon pa niya sa sarili niya habang tumatango-tango.

Napakunot ang noo ko. Pinagsisisihan ko yatang dito ako sa sala dumaan. Dapat pala roon na ako sa kusina pumasok.

Bago pa siya magsalita ulit ay umakyat na ako sa kuwarto ko para matulog ulit.

Inaantok pa talaga ako. Ang aga kasi akong ginising kanina ni Trev dahil maaga raw talaga sila nagbe-breakfast. Sabay-sabay sila lagi kumakain kaya dapat daw walang late nagigising. Kahit tuloy halos nakapikit pa ang mga mata ko, nag-almusal na ako kanina.

Umayos ako nang higa sa kama ko at pinagmasdan lang ang pagbuhos ng ulan sa labas. Sana umalis na mamaya 'yong bagyo para makapaglaro na kami bukas.

"You're starting to invest in me. Are you aware?"

What the hell?

Bakit ba naririnig ko pa rin ang boses niya?

I let out a long groan, pressing the pillow to my face.



***

NAGPAHATID ako kay Papa papunta sa BVHS. Wala na kasing bagyo ngayon pero umuulan pa rin. Nakakairita lang kasi medyo maga ang mga mata ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa mga sinabi ni Trev sa 'kin.

Nakakainis talaga.

Bakit ba paulit-ulit sa pandinig ko ang mga sinabi niya?

"Thanks, Pa," sambit ko bago ako bumaba ng sasakyan.

Naglakad ako papunta sa may Madrid entrance at nakita ko na ang school bus ng volleyball team na nakaparada.

Nasa loob na ng bus ang iba pero may mga nakatambay pa sa labas habang nagkukuwentuhan.

"Feem!" sigaw ni Lumi at saka niya ako inakbayan. "Tabi tayo sa bus?"

Mabilis kong inalis ang braso niyang nakaakbay sa 'kin. "Bakit naman kita tatabihan? Paalala ko lang sa 'yo, hindi na tayo magkaibigan," iritang sabi ko.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon