Chapter 6: The Keens

20.1K 867 323
                                    


CHAPTER SIX

The Keens


HINDI na ako nagtanong kung bakit dito niya ako dinala. Bumabagyo rin kasi at isa pa, sapat na ang layo nito mula sa bahay namin.

Pagpasok namin sa loob ng bahay nila, napatingin sa 'kin sina Rara at Gonz na kumakain sa sala habang nanonood ng 13 Reasons Why.

Kulang na lang ay malaglag ang panga nilang dalawa dahil kasama ako ni Trev. I can't blame them, though. It's actually surprising to see me with Trev because we never get along.

"Ra, may mga extra ka pang underwear na 'di mo pa nabubuksan and ginagamit, 'di ba? Bigay mo na kay Feem. Bilhan na lang kitang bago." Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyon ni Trev.

"That's insane!" Rara and I both yelled in chorus.

Gonz let out a very loud laugh, nodding in amusement.

"Attitude kayong dalawa eh 'no?" pang-aasar sa 'min ni Gonz kaya binato siya ng unan ni Rara.

"Ra, please," pakiusap ni Trevor sa kambal niya bago siya bumaling sa 'kin.

"I know you're not in good terms with my twin, but I just can't let you stay drenched. Magkakasakit ka pa niyan, eh. We have a game tomorrow, remember?"

As if naman matuloy ang game namin bukas eh may bagyo?

"Seriously, Trev? Are you her boyfriend or what?!" reklamo ni Rara kaya mas lalong natawa si Gonz.

These two are really annoying. Hindi ba puwedeng sarilinin muna nila 'yong mga side comment nila?

"She's a friend, Ra," sagot ni Trev kay Rara at saka niya marahang tinulak si Rara papunta roon sa hagdan para umakyat na sa kuwarto.

Rara shot me a glare for the last time before going upstairs. I just shrugged and didn't mind her.

"Puwede ka nang umakyat. 'Yong pangatlong kuwarto sa kaliwa, sa 'kin 'yon. You can use my bathroom if you want," he told me as he sat beside Gonz. Of course, I would use his bathroom! Ayokong gamitin 'yong kay Rara.

"Okay. Thanks," sambit ko at saka ako umakyat sa taas. Nang makita ko ang pangatlong pinto mula sa kaliwa ko, agad akong pumasok doon at namangha agad ako sa bumungad sa 'kin.

His room was a combination of gray and white. Mayroong halong itim, pero sa fixtures and furnitures lang.

Napakalinis ng kuwarto niya. Hindi mo aakalain na atleta ang may-ari ng kuwarto.

May collection din siya ng awards niya at hindi ko maiwasang mas mamangha. Sobrang dami niyang trophies and medals. Both academics and extracurriculars, kanya lahat 'yon. 'Di ko naman itatanggi, bilib talaga ako sa kanya kasi bihira lang 'yong varsity na nag-eexcel din sa academics.

Did I mention that Trev has always been the top two in our class? Now that we're graduating in high school, he's actually the candidate for Salutatorian while Madette's the candidate for Valedictorian. Ang pinagkaiba lang nila, sa academics lang nag-eexcel si Madette and other extracurricular activities. Pero sa sports? Madette's never been into sports.

Sa side table ng kama niya, nakita ko ang picture nila ni Rara no'ng mga bata pa sila. Nakaakbay siya kay Rara at malapad na nakangiti, habang si Rara naman ay nakasimangot at halatang labag sa loob na kinuhaan ng picture.

Katabi naman ng picture nina Trev at Rara ay ang picture nina Trev at Gonz, nasa pagitan nila si Rara. Ang alam ko Grade 6 kami nito. Medyo matangkad na rin kasi sila Trev doon sa picture.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon