Chapter 26: The kiss

16.7K 641 463
                                    


CHAPTER TWENTY-SIX

The kiss


KANINA pa ako nakaupo sa tabi ni Trev at nag-iisip kung lalabas ba ko o hindi.

Kanina ko pa sinasabi sa sarili ko na huwag nang lumabas at hayaan na lang si Denver, pero hindi ko naman magawa.

Habang abala magkuwentuhan sina Trev at Gonz, kinuha ko na ang varsity jacket ko mula sa bag ko at saka ako tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Trev sa 'kin.

"Sa labas lang."

"Samahan kita."

Natigilan ako at agad na umiling. "Saglit lang ako."

Hindi naman na siya nagpumilit pa at hinayaan na lang ako.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay hindi ko naman nakita si Denver kaya sumakay ako ng elevator pababa sa ground floor.

I glanced at my phone to check the time. 10PM na pala kaya wala ng tao sa may longue.

Nasaan kaya si Denver?

Lumabas na ako ng mismong hotel para hanapin siya pero hindi ko pa rin siya makita.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lakas ng hangin. Sobrang lamig ng ganitong oras. Naka-jacket na ako pero wala pa ring talab. Nilalamig pa rin ako.

Muli akong lumingon-lingon sa paligid ko pero wala talaga si Denver.

Baka naman na-wrong send lang siya kanina?

Napakibitbalikat na lang ako at akmang babalik na sa loob pero halos lumundag 'yong puso ko sa gulat dahil may biglaang humigit sa 'kin papunta sa likod ng nakaparada na van.

Nag-angat ako ng tingin at nakahinga ako nang maluwag. Si Denver lang pala. Akala ko kung sino na.

"Bakit ka lumabas?" tanong niya sa 'kin kaya napakunot ang noo ko.

"Sabi mo lumabas ako saglit, kaya lumabas ako."

"Bakit ka nga lumabas?" ulit niya.

Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ba siya makaintindi? Napapano ba siya?

"Sabi mo nga kasi—"

"It's because you still love me, Feem," he cut me off.

I was stunned with what he said, and it took me seconds to process his words. "Denver, itigil mo na 'to. Please lang."

"You never stopped loving me, Feem."

Para bang wala siyang narinig. Hindi niya pinapansin 'yong sinabi ko.

Inis ko siyang tiningnan. "I don't love you anymore, Denver. Ano ba ro'n ang hindi mo maintindihan?"

Nauubos na ang pasensya ko. What he's doing right now is actually disrespectful. He knows I'm with Trev. Why does he keep getting in the way?

Magsasalita pa sana ako pero mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mga mata. "Now say it again." He gazed into my eyes with a certain implication of admiring confidence. "Say that you don't love me anymore."

A faint sense of compunction moved me when I suddenly remembered those happy times I had with him.

"You're still in love with me, Feem." His voice softened.

I wanted to push him away but there's something inside me that didn't want to push him.

I can't deny the fact that he still has that effect on me.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon