Chapter 18: Three words, eight letters

16.5K 756 203
                                    


CHAPTER EIGHTEEN

Three words, eight letters


KUMATOK ako sa pinto ng bahay nila Gonz at makalipas ang ilang segundo ay agad na bumukas ang pinto at bumungad sa 'kin si Gonz.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat kung bakit ako nandito ng ganitong oras pero agad niya rin akong pinapasok sa loob.

"Medyo wrong timing ka, Feem," sambit niya, napapakamot pa sa kanyang ulo.

Agad akong nagtaka. Hindi ko inaasahang gano'n ang sasabihin niya. "Bakit?" mahinahong tanong ko. Napakagat naman siya sa labi niya at saka niya tinuro 'yong sa bandang kanan niya.

Pagkalingon ko roon ay nakita ko si Trev na yakap-yakap 'yong bola ng volleyball habang kumakanta ng A-B-C-D.

Mahina akong natawa. Ang cute niya pala malasing. Hindi ko naman kasi siya napapansin dati kapag kasama ko siya sa mga party.

"Nakadami ng inom, eh. Inaawat ko na nga kanina kasi may pasok pa bukas, kaso ayaw naman paawat," umiiling na sabi ni Gonz.

Ngumiti lang ako. "Nasa'n si Coach? Buti 'di nagalit? May training tayo bukas, eh."

"Wala si Papa. Minsan lang naman umuwi 'yon dito," simpleng sagot niya kaya tumango lang ako.

"Pano mo pala nalaman na nandito si Trev?" nagtatakang tanong niya habang nagliligpit ng mga pinag-inuman at pinagkainan nilang dalawa.

"Sinabi ni Rara."

Bigla siyang napalingon ulit sa 'kin at binigyan ako ng isang makahulugang tingin. "Oh? Nag-usap kayo?"

Hindi ako sumagot.

Nahalata niya naman agad na ayaw kong pag-usapan kaya hindi niya na rin ako pinilit at pinagpatuloy niya na lang 'yong ginagawa niya.

Pagkalapit ko kay Trev at bahagya siyang nagulat nang makita niya ako.

Para siyang bata kung tumitig ngayon sa 'kin.

"Ikaw ba talaga 'yan?"

Napasapo ako sa noo dahil sa tanong niya. Grabe naman 'to malasing, lumalabo nang malala 'yong paningin.

"Uwi ka na sa inyo. Tara na," kalmado kong sabi at saka ko siya pinilit na tumayo pero ayaw niya talagang gumalaw.

Napakunot ang noo ko. Bakit naman ang kulit ng isang 'to?

"Gonz," bigla niyang pagtawag sa kaibigan niya kaya lumapit naman agad sa kanya si Gonz.

Nagpigil ng tawa si Gonz bago nagsalita. "Oh bakit?" tanong niya.

"Pakisabi sa girlfriend ko, uwi na kamo siya. Anong oras na, eh."

Gonz and I automatically exchanged glances and we just found ourselves laughing.

"Uwi ka na raw. Anong oras na," pang-aasar sa 'kin ni Gonz kaya mas lalo akong natawa.

"Pakisabi kay Trev, hindi ako uuwi hangga't hindi siya umuuwi sa kanila."

Napakamot sa ulo si Gonz at mahinang tinapik sa mukha si Trev. "Narinig mo naman 'di ba? Sinusundo ka na ni Feem. Umayos ka hoy," umiiling niyang sabi pero agad siyang napamaang nang biglang pisilin ni Trev 'yong ilong niya.

"Bro, 'pag inuman, inom lang ha? Walang sakitan. 'Lang'ya," Gonz complained, making his distance from Trev. They're honestly fun to watch right now.

"Tara na iuwi na natin 'yan sa kanila. Tulungan na kita," pagpiprisinta niya pero umiling ako.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon