Kabanata 1

2.1K 70 58
                                    


Kabanata 1

Dollhouse

The darkness is taking the sunlight away, ignoring the promising hues the horizons bring. Inhaling the salty air, I've never felt more relieved. Like this is where I truly belong.

Me, the gradient skies and the sea.

Muli akong pumasok sa loob ng naupahan naming tirahan at nakitang tapos na mag-ayos ng gamit si Papa. Kadarating lang namin galing sa Iloilo. Wala pa yatang isang buwan ang pagtira naman pero lumipat na naman kami.

"Maaga akong aalis bukas. Bantayan mo ang kapatid mo," paalala sa akin ni Papa na paniguradong maghahanap ng trabaho.

He works hard for our future and I can't help but admire him. Lahat yata ng alam kong trabaho ay kaya n'yang gawin. But he's unstable when it comes to jobs. Hindi s'ya nagtatagal kaya naapektuhan din ang pag-aaral namin ni Kael.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses kaming nagpapalipat-lipat sa loob ng isang taon pero nasanay na ako.

Tinabihan ko ang kapatid ko na mahimbing na natutulog sa kama. Maliit lamang ang apartment pero sapat na iyon para sa amin. Mayroong isang kwarto, banyo at magkadugtong ang salas at kusina. Walang kahit anong upuan sa salas maliban sa makukulay na mat na mukhang pambata at doon matutulog si Papa. Tanging dalawang monoblock naman ang nasa kusina.

Pinakawalan ko ang pagod sa katawan kaya naman agad akong nakatulog. The next morning, I woke up late due to the tiredness from the long ride. Saktong pagpasok naman ni Papa na malaki ang ngiti sa labi.

"Nak! Nakapasok ako sa trabaho!" tumakbo ako sa kanya at niyakap ito. His news didn't shock me at all.

"Saan po kayo magtatrabaho, Papa?" tanong ko naman. Madaling mapagkatiwalaan si Papa. He's loyal and hardworking and he doesn't know the word rest.

"May malaking bahay malapit sa bayan. Nagpapatayo sila ng matitirahan ng mga trabahador nila at kulang sila sa karpintero. Malaki raw magpasweldo ang nagpapagawa kaya makakabili tayo ng gamit n'yo sa school," nahihiwagaang wika ni Papa habang tila nagkakalkula ng mga balak niyang bilhin para sa amin.

Maganda ang naging takbo ng trabaho ni Papa kaya wala kaming masyadong problema. Natutuwa raw sa kanya ang kanyang boss at balak ni Papa kaming dalhin sa kanila para raw malibang. Kaya heto kami at naglalakad papunta doon. Medyo may kalayuan ang tinutukoy ni na lugar pero kaya namang lakarin.

My jaw literally dropped when I saw a massive mansion right in front of my eyes. It radiates ancient vibes from the clean paint to the little figures and structures.

What made it look more devastating are the plants scattered everywhere. They made a huge impact, giving freshness to the wholesome of the place. There's also a fountain centered in front of the mansion with the symbol of the sun circulating around it. I can't help but stare and gasp.

"Dito tayo," turo ni Papa sa kaliwang bahagi ng mansyon. Ito yata ang sinasabi niya na pinapagawaan ng may-ari ang kanyang mga kasambahay at guards ng sarili nilang tirahan. Ang bait naman ng boss nila.

I felt like a princess in the vicinity of their mansion if I wasn't only wearing faded shorts and a t-shirt.

"Ate, ang dami ng taong magkakasya dyan!" mangyan na sabi ng kapatid ko. Kael always give out the best reactions due to his innocence.

"Magandang umaga po, Sir," magalang na bati ni Papa sa isang medyo matandang lalaking lumapit sa gawi namin. Bahagya rin kaming yumuko ni Kael. He seemed to be older than my father but his aura says the opposite.

"Pasok muna kayo sa loob ng bahay. Medyo mainit pa," the man said politely and he was all smiles.

"Naku. Hindi na po, Sir. Narito po ako para magtrabaho. Isinama ko lang po ang dalawang anak ko dahil wala po silang kasama sa bahay," nahihiyang wika ni Papa.

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora