Kabanata 15

822 37 91
                                    

Warning: Some contents may contain triggering contents like harsh words and self-harming scenes. Read at your own risk.

Try listening to Say Something by A Great Big World while reading.

————————————————————————————————————————

Kabanata 15

Bituin

Madilim pa rin nang maalimpungatan ako. With heavy eyes, I tried my best to regain my strength. And upon hearing words outside, nabuhayan ako ng loob.

"Lagot tayo kay Sir. Hindi kumain si Ma'am."

"Ako talaga'y hindi naniniwala."

"Ako nga rin, eh. Biruin mo, sobrang pinagkatiwalaan si Ronald tapos ganon lang ang gagawin n'ya."

"Hindi talaga ako naniwala nung una pero sabi lahat daw ng ebidensya, s'ya ang tinuturo."

"Ang mahigpit pa nire, may CCTV." 

The guards outside are talking in their mother tongue. Mapapakinig mo ang hayon sa bawat salita nila; the strong Batangueño dialect. Mabababa ang boses nila at mahinang nag-uusap. One thing is for sure. Si Papa ang pinag-uusapan nila.

It's been forever since they kept us in here at bawat araw, nawawalan ako ng pag-asa. I think three or four days, I lost track. And I would hear several topics about my father, and none of them sounded pleasant.

Hindi maaari. Imposible ang sinasabi nila. Bumukas ang pinto at mukhang nagulat ang malaking lalaki nang makitang gising ako. May dala itong tray na may pagkain na mukhang bagong luto dahil umuusok pa. I haven't been eating since they locked us up here.

"Kain na," nakatungong wika nito. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon.

"Kuya..." nagmadali ito sa pag-alis, like the usual. "Kuya, wait! Please po... Kuya nasaan po si Papa?" isinara na nito ang pinto at naiwan akong nakatayo doon. Inihampas ko ang palad ko sa pintong gawa sa kahoy hanggang sa maramdaman ang panghihina.

Crying won't do me no good. Pinilit ko ang sarili kong kumain. If I badly need answers, then I need energy to do it, a lot of it. Nang mag-umaga ay nagtanong kaagad sa akin si Kael.

"Anong oras dadating si Papa, Ate?" his eyes are hopeful and fragile at the same time. Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya.

"Nandito na si Papa mamaya. Marami lang t-trabaho," pinigilan ko ang nagbabadyang luha. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak sa harap ng kapatid ko. I must remain strong, especially in front of him.

Patuloy ang pagdadala ng pagkain ng bantay sa labas ngunit hindi ako nagtatangkang kausapin sila. Sa gabi lamang, kapag hindi na pakinig ni Kael.

Every day is as if I'm a prisoner tallying up her remaining days in jail. But the only difference is that I have no idea when I can taste my freedom. Ang alam ko lamang ay ilang beses ko ng sinabi kay Kael na uuwi si Papa. Na dadating sy'a. Ngunit patuloy kaming nabigo.

"Kuya... parang awa n'yo na po. Sino pong nag-uutos sa inyo? Nasaan po ang Papa k-ko?" isang gabi iyon. Inilapat ko ang aking tainga sa pinto. I won't run out of chances and hope.

Sinulyapan ko si Kael na mahimbing na natutulog. He still doesn't have any idea of the situation we are in. Nagulat ako ng biglang umimik ang lalaki.

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Where stories live. Discover now