Kabanata 34

969 47 94
                                    

Now Playing: Stand By Me

————————————————————————————————————————————————

Kabanata 34

Dreaming

Doon na kami pinatulog nina Lala sa mansyon dahil medyo madilim na rin noong natapos ang pagkukwentuhan nila. I slept beside Lorenzo in his room at galit na galit naman sa'kin dahil ang aga ko raw matulog.

That was the longest sleep I've had since my crying sessions kaya pinagbigyan n'ya ako kahit pa medyo nagtatampo.

Ngayon palang nagsi-sink in sa'kin lahat ng nangyayari. It was a relief, wala akong pinagsisihan sa lahat ng kaganapan. Now, I couldn't wish or ask for more, masaya na akong kasama si Lorenzo.

"Good morning, baby..." I kept my eyes shut, still feeling sleepy. Hinila ko ang kumot pataas dahil medyo malamig pa rin.

"Gising na..." he tapped my shoulder again.

"Hmm..." I mumbled. Tinapik n'ya ulit ang balikat ko. "Five minutes..."

Ramdam ko naman na lumubog bahagya ang gilid ng kama. He laid beside me. Itinuloy ko ang tulog ko at lalo akong inantok because he was playing with my hair. Maya-maya pa ay malakas na tumunog ang alarm kaya napabalikwas ako.

"Pakshet!" napahawak ako sa dibdib ko. I saw Lorenzo stiffing his smile. "Ginulat mo'ko!" Malakas na sigaw ko.

"Sabi mo five minutes," inosenteng sabi n'ya.

"Ang aga aga pa," pupungay-pungay kong sabi. I glanced at his bed clock and saw that it's already ten in the morning.

"May pupuntahan ta'yo," he announced. I studied him and he's already dressed. Nakaligo na at bihis na bihis samantalang feel ko amoy laway pa rin ako dahil bagong gising.

"Ayoko," matigas kong sabi at bumalik sa pagkakahiga.

"Sige," he shortly said.

"Eto na, babangon na," I lazily stood up at mukha naman s'yang proud na proud sa sarili n'ya.

Inabutan n'ya ako ng paper bag na may lamang mga damit na galing kay Melissa dahil wala akong kahit isang dala. I tied my hair before brushing my teeth and doing my morning routine.

Melissa lended me three pairs of coordinates. I chose the white off shoulder with puffed long sleeves like the ones Jasmine wore. Then brown cargo pants and the shoes I wore yesterday. Naglagay ako ng tatlong extra spray ng pamango dahil baka yayain ako ni Lorenzo mag-date.

Priya lang maharot.

He cooked me a simple breakfast at kumain na kami bago umalis.

"Saan tayo pupunta?" medyo pabebe kong tanong. He answered me with a shrug. Ang suplado, pero gwapo pa rin.

I turned his car's speaker up and rolled around his songs on his phone. I admit, he's got a taste in music. Nakita ko pa ang wallpaper n'ya na picture ko kanina habang natutulog. Napairap nalang ako. Nanakit ang lalamunan ko sa pagkanta dahil feel na feel ko ang mga kanta n'ya. Ang sasakit sa damdamin kahit hindi naman ako brokenhearted.

Bumaba kami sa medyo malawak na lupain. He parked his car on the side. Meron doong daanan na hindi ko alam kung saan papunta at doon kami dumaan.

"Lorenzo, sana aware ka na mukha akong tanga dito," palinga-linga kasi s'ya habang ako naman ay nakatingin lang kung saan at sinusundan s'ya.

"Tara," he said and held my hand at napanguso nalang ako. We followed the stone path leading to who knows where at nang marating namin ang dulo ay saka ako nag-angat ng tingin.

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt