Kabanata 23

862 37 77
                                    

Kabanata 23

Lollipop

Isinuot ko ang kabibili ko lang na lagayan ni Crispin. It's a bag that looks like a spaceship or something like that. Transparent ang unahan na part n'ya na may mga butas para pasukan ng hangin samantalang blue naman ang pinakasakbitan. Earlier, I was torn between the pink and the blue one but I chose the blue instead kahit pa gusto ko iyong pink.

This was a lost stressful than my job.

Parenting is a hard job!

I also bought him treats at dahil hindi ko napigilan, I have this cute pink ballerina dress for cats at iyon ang pinasuot ko. I sent a photo to Dim.

dimsilva: bakit mo pinag-gown?

dimsilva: priya, you're spoiling him too much

priyanka: anong spoiling him too much? babayaran mo lahat ng nagastos ko

dimsilva: you wish

priyanka: i'm throwing ur cat

dimsilva: magkano ba ang gusto mo?

I laughed inwardly then parked when I reached the site. Tanghali na akong dumating dahil nga nag-shopping pa kami ni Crispin. Suot ko ang backpack at nasa loob noon ang pusa. It definitely ruined my outfit pero wala akong pakialam.

"You have a freaking cat?" Lumapit si Ade sa akin at kinatok katok ang bag ng pusa.

"Inaanak na'tin. Kay Dim 'yan," I shortly explained.

"She's so cute," nanggigil na sabi n'ya.

"He's a boy," she gave me a disappointed look. Nagandahan din siguro sa dress.

Naglapitan naman sa akin sina Jairus, Jeric at Johnson na tuwang tuwa sa pusa. Pinagkaguluhan pa talaga nila.

"Ang cute mo naman?" si Jairus na yumuko pa para kapantay n'ya ang pusa.

"Anong pangalan, Miss Priya?" Johnson asked.

"Crispin," I replied.

"Lalaki? Bakit naka-pink?" he asked.

"Breaking gender norms," I simply retorted.

Umupo muna kami sa tent at hindi ko nilabas si Crispin dahil baka kung saan saan magpunta. Natatalot din ako na baka magdumi s'ya, sobrang puti pa naman. It's past lunch and we will have a short meeting afterwards.

"Hi ulit, Miss Priya!" Ppagbati ni Jairus.

"Hello," nginitian ko sila. We were chatting about cats hanggang sa napunta sa love life.

"Miss Priya, ano pong hanap n'yo sa lalaki?" nagtumpukan na naman ang tatlong mukhang triplets. Tinawanan ko sila.

"I'm not looking for a man. Let's start with that," I smiled at them.

"Mag-mamadre 'yang Lola n'yo mga totoy. May galit yata sa kalahi ni Adam," singit ni Ade na nasa tabi ko.

"Nakakahiya naman sa may boyfriend," nanlaki naman ang mata ko nang bigla s'yang ngumisi ng nakakaloko. "Sinuko mo na ang bataan?"

Kinikilig n'ya akong hinampas-hampas. Halos samaan naman ako ng pakiramdam. Kilala ko kasi si Ade. She's never the type to settle at hindi ko pa s'ya nakikitang kiligin sa lalaki. She prefers the short-lived relationships than sticking with someone kaya kapag may nakikipag-break sa kan'ya, parang wala lang.

Parang masaya pa s'ya kapag iniiwan.

"Sinong malas ang naloko mo?" I asked her.

"Aray ha! Hindi ko sasabihin," she nagged like a child. Inirapan ko nalang s'ya.

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Where stories live. Discover now