Kabanata 3

1K 60 61
                                    


Kabanata 3

Abakada

Tumakbo papunta sa kwarto si Kael nang marinig ang malakas kong irit.

"Bagyong Priya lang pala," sabi ng kapatid ko. Napanganga naman ako. Did my brother just insulted me?

I surveyed the tiny room again. Tama nga si Kael na mukhang may bagyong dumaan. Every piece of my clothes are scattered, including my father's. I have nothing decent to wear! Halos lahat ng damit ko ay puro t-shirt at ang karamihan pa ay may mga tatak na foundation day o fun run.

Suot ko pa kahapon ang paborito kong short kaya naman wala akong choice kundi humanap ng damit kung saan ako magmumukhang tao.

I ended up wearing my dad's shirt and tucked the front in my dolphin shorts. Hinayaan ko ring nakabagsak ang buhok ko.

Hindi ako mahilig bumili ng mga damit dahil sa paniniwala kong hanggang may naiisuot pa ay hindi ko muna pag-aaksayahan ng pera. Pero mukhang magbabago ang paniniwala ko ngayon.

"Kael, how do I look?" nag-posing ako sa harap n'ya.

"Pwedeng no comment, Ate?" he's getting into my nerves.

"Basher," I commented under my breath.

Maagang nagpunta si Papa sa mga Agustin kaya sinabi kong susunod na lang kami ni Kael. Daig ko pa ang papasok sa first day ng trabaho sa sobrang kaba ko.

Upon reaching the mansion, my eyes instantly surveyed their front yard. Nang makita ko si Lorenzo na nakatalikod sa akin ay agad akong humanap ng kasambahay at pinahabilin si Kael.

"Sir, parang ngayon ko lang po kayo nakita dito ah," puna ng isang trabahador na kasama niya. Naroon sila sa ginagawang tirahan ng mga manggagawa.

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay may biglang humarang sa dadaanan ko.

"Hi, Miss Ganda," a man in my age approached me.

"Uh... Hello," I awkwardly replied, eyes still focused on Lorenzo's back.

"Taga rito ka ba?" tanong niya sa akin. Itinuon ko sa kanya ang pansin ko.

"Hindi. Nagtatraba-"

"Ako ang kasama n'ya," biglang lumitaw si Lorenzo sa gilid ko.

Tiningnan ko ang pwesto n'ya kanina at halos lahat ng naroon ay nakatingin sa direksyon namin. Dinaig si Flash.

"Sorry po, Boss," nakayukong paumanhin ng lalaki. Nginitian ko siya bago umalis.

"Pinapunta kita dito para mag-trabaho hindi para kumausap ng kung sino-sino," inilagay niya ang kamay sa bulsa bago humakbang papasok sa mansyon.

It looks like someone woke up on the wrong side of the bed.

"Selos ka ba, Kuya Lorenzo?" malakas kong sinabi dahilan para mapatigil siya sa paglalakad. I took that as an opportunity to catch up with his huge strides and fast pace.

"Are you teasing me?" mabagal na pagtatanong niya at bumaling sa akin.

"Is it working, Tito Lorenzo?" pigil-pigil ko ang tawa ko. Nauna naman akong maglakad.

"Let's go, Lolo Lorenzo!" hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Hindi nakatakas ang pagsimangot n'ya nang lingunin ko. Dinala n'ya ako sa library nila.

I stopped when he went in front of me. Confused by his action, I furrowed my brows.

"I'm only two years older than you," seryosong sabi n'ya. Then he opened the door of the library. Napakurap-kurap naman ako sa pagpalaliwanag n'ya.

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Where stories live. Discover now