Kabanata 2

1.2K 59 69
                                    

Kabanata 2

Name

"May girlfriend ka?"

His expression changed from mad to confused.

"Mag-a-apply sana ako," sinadya kong hinaan ang boses ko. With his looks and complete attire, it's impossible for him to be single.

"Babe, ako wala!" pagpepresinta ni Sid sa tabi ko. The man gave him a taunting look. Siniko ko tuloy s'ya. Ang daldal naman kasi ni Sid. Kapag ito talaga nawalan ng trabaho, tatawanan ko.

"I'll be expecting you here tomorrow morning," iyon lamang ang sinabi n'ya bago tumalikod.

Gusto siguro n'ya akong makita ulit bukas. Ang hirap naman maging maganda. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko katapusan ko na. Pinalinis n'ya sa mga kasambahay ang nasirang dollhouse. Nag-sorry ako sa kanila at tinulungan sa pagpupulot at pagwawalis dahil nakakahiya naman. Kadarating lang namin tapos magkakalat na agad kami.

Hindi ko na tinanong kung bakit ako pinapapunta bukas kasi hindi rin naman ako magrereklamo. Kahit naman hindi n'ya sabihin, pupunta talaga ako. Hindi ko palalampasin ang oportunidad na ito.

Boys from my school could never be placed on the same place as he is. Palipat-lipat ako ng school pero wala talaga akong nakitang kasing-gwapo n'ya. Lalo na kapag ang seryoso n'ya.

"Babe, hayaan mo nalang si Kuya. Baka may dalaw," si Sid na kanina pang imik nang imik. Hindi ba marunong tumahimik 'to?

"Kuya?! Kapatid mo 'yun?" he looked at me, completely offended. "Bakit ang dumi mo?" dagdag na tanong ko sa kanya.

I wasn't expecting them to be siblings. Magkaibang-magkaiba ang gayak nila. Although there are some parts that they have in common, I was still surprised. Sid's brother has more matured features, highlighted by his stoic aura. While Sid have this more approachable and friendly vibe.

"Aray ha! Mas masipag lang talaga ako," proud n'yang sabi.

That adds a lot. Iba pa rin talaga ang dating kapag marunong sa gawain ang isang tao. I get that you're rich, but slacking off because you know you can provide for yourself doesn't really sound appropriate.

"Yung Kuya mo, hindi ba s'ya nagtatrabaho?" I asked him curiously. I wanted to know how he would look like in dirty clothes. Sobrang linis n'ya kasing tingnan kanina, with his plain white shirt and khaki shorts.

Ibang-iba kay Sid na akala mo'y member ng Peppa Pig family dahil sa sobrang putik.

Ganoon rin naman ang tinatrabaho ni Papa pero hindi s'ya kasing dungis ni Sid.

"He prefer office works," maikling sagot ni Sid. "Teka, bakit ba si Kuya ang tinatanong mo? Ako yung kaharap mo ah!" he complained and whined.

"Sorry. Hindi kita type. Ayoko sa madaldal," napanganga s'ya sa sinabi ko. I took that as an opportunity to face my brother.

"Alam mo ikaw, pahamak ka talaga," I lectured him. He bowed his head and I saw his shoulders shaking. Namumula rin ang tainga n'ya. Kinain naman ako ng konsensya ko.

"Joke lang. Ikaw naman, bakit ka ba umiiyak. Hindi naman kita pagagalitan. Baka makita ka ni Papa, ako na naman sisisihin. Tumahan ka d'yan," sunod sunod kong sabi sa kanya. Hinagod hagod ko ang likod n'ya at pinunasan ang luha.

"Wala kang puso," si Sid na hindi pa rin pala umaalis. "Marami akong games sa kwarto, gusto mo?" pag-aalok n'ya kay Kael.

"Talaga po?" kumislap ang mata ng kapatid ko. Maya-maya pa ay iniwan na nila ako. Hindi man lang ako inaya. Wala tuloy akong makasama.

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Where stories live. Discover now