Kabanata 32

995 50 202
                                    

Kabanata 32

Lights

"What is it, Ade?" Kanina n'ya pa kasi akong kinukulit.

She had been so persuasive on being my temporary secretary. Kaya nakatambay s'ya ngayon sa office ko at s'ya ang tumatanggap ng lahat ng tawag. The CEO of the Mendez Estates is inside my office doing a secretary's job, for me.

"Inuulit ko, President," she sarcastically said. "A person is looking for you at your lobby!"

"I don't have any appointments today kaya hindi ako tumatanggap ng bisita," I told her while still staring at my monitor.

"Palabasin n'yo nalang. Wala raw bisita ang President n'yo," maarteng sabi ni Ade sa kabilang linya at binaba ang telepono. "God, this is much more stressful than my job!"

"Ang galing mong mag-presinta tapos aangal ka? Babawasan ko ang sahod mo," I jokingly said.

"Joke lang, Architect. Di ka na mabiro," she laughed.

I am currently working on the exportation of my new products. Na-approve na kasi ang ipinasa kong designs regarding my new set of furnitures.

Noong medyo nakaluwag, I browsed through my social media and saw a newly posted article. The writer was Engr. Jewel Ataylar herself, stating that all the previous ones were all her doing. And that she's sorry for ruining everything. Maraming nagalit sa kan'ya but I was one of those people who looks up to her.

It's almost nine in the evening nang mapagpasyahan naming umuwi ni Ade. She had been complaining na antok na antok na s'ya, ako rin naman. Naghabol kasi ako ng ilang projects at designs kaya kailangan talaga.

"Nauubos yung bangs ko dito sa trabahong 'to," pagrereklamo ni Ade.

"Ade wala kang bang," I brutally told her.

"Malamang hindi mo makikita, naubos na! Na-stress ako ng bongga!" pag-irap n'ya sa'kin.

"Ginabi po kayo, President, ah," pagbati ng guard ko.

"Oo nga po, Kuya, naghapit po," I smiled at him.

"Buti naman po kung ganoon. Kanina pa pong may nag-iintay sa inyo, President. Pinaalis na po namin pero nandyan pa rin po sa labas, nung umaga pa po," he said. Kumunot ang noo ko sa kan'ya.

"Huh?"

"Ayun po, President," itinuro ni Kuya. Nagpaalam na ako sa kan'ya at pinuntahan ang tinuro n'ya.

"Uuna na'ko, girl!" pagpapalam din ni Ade na tinanguan ko lang.

I saw a man sitting in the stairs of my building, tapping his foot patiently, waving his free hand probably shooing the mosquitoes away.

"Excuse me, Sir?" Napatayo ang lalaki at humarap sa akin. Pinagpag 'nya ang pants n'ya at lumakad papalapit. Medyo madilim na. "Wait, Lorenzo?"

"Hi," he greeted. He showed me a small smile.

"Kanina ka pa ba dito?" I squinted my eyes to see him clearly.

"Kumain ka na ba?" he ignored my question and asked his own.

"Uhh... oo, nagpadeliver kami, bakit?" he scratched his head with his hand.

"Nothing. I just came by to say hi." Umiling s'ya.

"Wait, kanina ka pa ba dito?" I asked him again.

"Pauwi ka na ba?" tanong n'ya pabalik at hindi na naman pinansin ang sinabi ko.

"Oo. Gabi na rin kasi," sabi ko.

"I see... Ingat sa pag-drive. Good night," he said at tinalikuran na n'ya ako at umalis.

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon