Kabanata 16

860 47 112
                                    

Warning: Some scenes may contain triggering contents. Read at your own risk.

—————————————————————————————————————————————

Kabanata 16

Relief

Bahagyang nanakit ang ulo ko. It felt as if there's a hundred kilo thing sitting in my chest making it hard to relax. Mahapdi ang braso ko pero mas masakit ag puso ko.

"The patient may wake up in an unstable state, iho. She's in trauma, for sure. Intrusive thoughts would be the most likely effect on her. Give her time for recovery and keep her away from anything that might stress her." 

"Thank you, Doc."

I heard the door clicking, a sign that  someone went out. Iminulat ko ang mata ko, ang paligid ay puno ng puting pigura. 

"Priya..." tinig ng malumanay na boses sa aking gilid. Si Lorenzo.

Napabalikwas ako ng bangon at kaagad inalis ang kumot na nakapatong sa akin.

"Si Kael... K-Kael! Papa!..." mahina akong napahiyaw nang hinugot ko ang karayom na nakapalsak sa aking kamay.

"Priya, calm down..." hinarangan ni Lorenzo ang dadaanan ko at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Bitawan mo ako! Hayop ka! Ang lakas ng loob mong magpakita sa'kin dito!" tinabig ko siya at lumabas sa kwarto. Kita ko ang pangingilid ng luha n'ya.

Napuno ang utak ko ng hindi magagandang bagay. Nasaan si Kael? Nasaan si Papa? Anong ginawa nila sa kanila? Why am I hospitalized?

"Kael! P-Papa... nasaan kayo?" I'm aware of the people throwing  judgmental stares at me. Walking in the corridors, lahat ng pintong madadaanan ko ay binubuksan ko at walang pag-aalinlangang pumapasok para hanapin at isigaw ang pangalan ng kapatid at Papa ko.

Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko. Akmang bubuksan ko pa lamang ang sunod na pinto nang may pumigil sa akin. I felt a tight hug from behind. Sobrang higpit. Ginawa ko ang lahat para makatakas pero nanghihina ang katawan ko.

"Umalis ka dito! Bitawan mo ako! Nasaan ang Papa ko? Anong ginawa n'yo Kael?!" nanginginig kong sabi. Hinawakan ko ang braso n'ya at marahas na inialis sa akin ngunit hindi siya nagpatalo.

"Please, Priya... Calm down..." he was shushing me from behind. I felt him slightly shaking behind me. Nang magawa kong makatakas sa kaniya ay itinulak ko siya palayo. Hindi nakatakas sa akin ang mapupula n'yang mga mata.

Tinalikuran ko s'ya at pinunasan ang mga luha ko. "Papa... nasaan ka, Papa? Si Kael?" iika-ika akong naglalakad, walang destinasyon o patutunguhan.

My vision blurred in an instant. Kinailangan kong huminga ng malalim at lumapit sa isang dingding upang may mahawakan bilang suporta. Nagtakbuhan sa gawi ko ang mga nurse nang unti-unti akong napaluhod.

I waved my free hand in front of them, dismissing them and telling that I don't need any of their help. Pamilya ko ang kailangan ko ngayon. Tinakasan ako ng lakas at tuluyang napasalampak sa sahig.

"Baby... listen to me... please..." napakurap ako at nakita si Lorenzo sa harap ko. He cupped my face with his hand.

"Kasalanan n'yo 'to! Hinding hindi k-ko kayo mapapatawad..." tumutulo ang luha n'ya ngunit nakatingin pa rin sa akin. Hawak ng dalawang kamay niya ang aking mukha. Gamit ang natitirang lakas ay umiling ako at hinawi siya. Nandilim ang paningin ko.

"Si.. P-Papa... Kael... b-buhay..." nagawa kong sabihin bago ako tuluyang mawalan ng malay.

I wasn't sure of the next events but what I know is that I don't feel anything. My body's numb, my soul's numb, my heart's numb. Ni katiting ay wala akong naramdaman. Ilang araw na ako sa ospital na iyon. Tanging mga nurse lamang ang nakikita ko. Ang huling sinabi ko sa kanila ay huwag na huwag magpapasok ng kahit na sino lalo na kung mga Agustin. Iyon lamang at hindi na muli akong umimik. Wala akong balita sa kapatid at Papa ko. 

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Where stories live. Discover now