Kabanata 4

915 45 44
                                    


Kabanata 4

Chicks

The streets are filled with colors, variety of them. Vendors are scattered all around the place and it was everything beyond my imagination.

Malapit na pala ang fiesta sa bayan. The reason why there are a lot of balloons, toys and there are even bedsheets and curtains. I mentally reminded myself to buy one later.

Maging si Kael ay natanggal ang antok pagtapak namin sa bayan. There aren't a number of people since it's still early. Nabanggit ni Papa na mas maraming tao kapag gabi kaya tama lamang ang punta namin.

"Ate gusto ko ng sisiw," pailang ulit nang sinabi sa akin ni Kael.

"Hindi ka naman marunong mag-alaga. Papatayin mo lang 'yan," he did not protest and just followed me quietly.

Sobrang daming magagandang damit na itinitinda at ang mumura kaya naman todo bili ako. This is my first time shopping for my own necessities that's why it's special. Plus, they're cheap!

Nasa limang supot ang dala ko at pansin ko pa rin ang nananahimik na si Kael. I ignored him and entered another store which sells slippers and sandals. I bought two pairs.

Nakakita rin ako ng mga clips at headbands kaya panay ang pagsusukat ko.

"Iha, bagay na bagay sa'yo. Tatlo singkwenta nalang, ganda!" sabi ng tindera. Dalang dala naman ako sa pamumuri niya kaya bumili ako.

"Kael, anong gusto mo?" katatapos ko lang mamili at may tira pang pera si Papa. Umiling lang si Kael.

I sighed before walking. Madadaanan namin ang tindahan ng sisiw pauwi kaya dinala ko doon si Kael.

"Siguraduhin mo lang na ikaw ang mag-aalaga n'yan Kael. Sinasabi ko sa'yo." Pagbabanta ko sa kanya. Todo ngisi naman ang kapatid ko.

"Anong kulay ang gusto mo, iho?" the vendor asked while smiling at my brother.

"Green po," nilagay ng magtitinda ang sisiw sa kulungan. "Tsaka po red."

My eyes widened. Talagang dalawa pa ha. "Baka kasi malungkot, Ate."

Kinuha ko ang tirang sukli at ibinayad kay Manong. Kael carried the cages, one in each hand. Inilalayo pa niya sa kanya dahil tumutuka-tuka ang sisiw.

"Iha, hindi ba kayo bibili ng pakain?" pahabol ni Manong.

"Hindi po ba pwedeng bigas nalang?" pagrereklamo ko. Hindi rin ako nakatiis at bumili ng pakain. I didn't bought that much since Manong said  that he would be just around here so we can find him whenever the food run out.

"Happy ka?" pikon na tanong ko sa kapatid ko. Hindi n'ya ako pinansin at tiningnan lamang ang mga sisiw n'ya.

Pag-uwi sa bahay ay nilabhan ko ang mga damit. Kael is busy taking care of his babies kaya hindi ko na s'ya ginulo. Medyo tanghali na nang napagdesisyunan naming magpunta sa mga Agustin dahil inantay ko pang matuyo ang mga damit.

I wore the white sleeveless that I bought earlier with huge ruffles on the sleeves. I tucked it in a black high waisted shorts which also has ruffles on the waist line. I paired it with the two strapped sandals that I bought. Hindi halatang sa tiangge binili.

I also added a little amount of tint in my cheeks and lip using only one product. Sabi ni Ate dual purpose iyon kaya binili ko. Paniwalang-paniwala maman ako.

Laking inis ko naman nang isama ni Kael ang dalawang sisiw papunta sa mga Agustin. They were chirping nonstop which added fuel to the fire.

"Malulungkot sila Ate kapag iniwan ko," paliwanag ni Kael.

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Where stories live. Discover now