Kabanata 19

878 39 42
                                    

Kabanata 19

Willing

Wala akong masyadong gagawin ngayong araw kaya naman itinuloy ko nalang ang paggawa ng perspective sa vacation house. Madali lang naman iyon kaya hindi ko pinaglaanan ng masyadong oras.

My phone vibrated from my table.

From: Unknown Number

Hi :)

I stared at it for a minute before putting my phone down again. That smiley face is creepy.

Baka kung ano na namang scammer. Naalala ko noong una kong binili ang cellphone ko may nagtext din sa'kin na nanalo raw ako ng laptop. Sobrang saya ko noon tapos sabi nila magpadala raw akong 30,000 pesos. Ginawa ko naman. Kinwento ko kay Dim at Ade at daplis na nila akong bugbugin sa sobrang tanga ko raw.

Malay ko ba.

Nakailang vibrate pa ang cellphone ko pero hindi ko nalang pinansin. Maya maya pa ay bigla nalang tumawag yung unknown number. I couldn't focus on my work so I turned my phone off.

"President, lunch po?" tanong ni Nat mula sa pinto.

"Thanks, Nat. Dim's already on his way," I smiled at her. Tumango naman s'ya.

Naulit sa'kin ni Dim na sasabay s'ya ng lunch at s'ya na ang bahalang umorder. Assured with that fact, I continued with my work.

Pasado lunch na at wala pa rin si Dim at sobrang nagugutom na ako. I was about to call him when my door opened loudly. Halos napairit ako sa sobrang lakas ng impact at natakot ako dahil baka mabasag ang buong office ko.

Iniluwa noon si Lorenzo na pawis na pawis. He was panting and sweating so much kaya taka ko s'yang tiningnan.

"Do we have an appointment?" I asked, standing abruptly, still in shock to see his unexpected presence inside my office.

"You weren't answering my calls," mahina n'yang sinabi. Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya.

"What calls? Did something came up?" What's so urgent that he really had to be sweating just to go here.

Then the scene of me turning my phone off because of the unknown caller crossed my mind.

Oh. It's him.

Umiling s'ya at lumunok. Mukhang may sasabihin pa s'ya pero hindi na n'ya tinuloy. Pinapasok ko s'ya at pinaupo sa may sofa dahil naawa ako sa sobrang pawis.

I went through my shelves and grabbed a clean white towel. Malimit kasing ginagabi ako sa office kaya nagpalagay ako ng mga gamit sa bahay.

"Thanks,"sabi n'ya at marahan kinuha ang towel sa kamay ko.

"You're here because I wasn't answering your calls?" I tried asking him again but he refused to answer. Patuloy lang s'ya sa pagpupunas ng pawis.

"Mukhang wala ka namang kailangan. But you can rest here for a while," I didn't conclude so much.

Inisip ko nalang na nag-jogging s'ya suot suot ang damit pang opisina tapos napadaan s'ya sa building namin kaya nandito s'ya ngayon at nakaupo sa sofa ko.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa swivel chair, completely unfocused and disturbed with him.

He then stood up and began checking my stuffs. Gusto kong tumayo at pigilan s'ya pero wala akong lakas. He stood beneath my wall filled with certificates and awards. I earned all of them from college. My professors would always point me whenever there's competitions in drawings whether it's international or school-based.

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Where stories live. Discover now