Prologue

519 11 0
                                    

Inikot-ikot ko ang dala kong ballpen. Nakatulala lang ako at malayo ang tingin sa labas ng bintana. Malakas ang ulan sa labas. Malakas din ang ihip ng hangin na tila ba'y may bagyo. Pero wala namang bagyo. Napanood ko sa TV kagabi na uulan lang talaga ng malakas ngayong araw. Kahit naman bumagyo ay wala naman akong paki-alam. Basta matapos lang araw na ito. Makapasok lang ako ngayon, ayos na sa akin.

Nasa ika-apat na taon na ako sa kolehiyo. Bale isang semester nalang at makakatapos na ako sa wakas. Kailangan kong makapag-tapos ng pag-aaral kundi ay pagtatawanan ako ng mga kamag-anak ko kung mabigo ako. Ayokong sumuko sa laban na ito. Ngayon pa ba ako susuko na malapit na akong magtagumpay?

Kahit araw-araw pa akong kumayod para lang makabayad ng tuition ay gagawin ko. Ginawa ko nang mag-trabaho kahit nag-aaral ako. Hindi ako nakapasok sa isang scholarship kaya matindi ang kinayod ko para lang makapag-aral. Pwede naman iyon pagsabayin e. Kung may panata ka sa buhay mo na kailangan mong makapag-tapos ay iyon ang dapat na masusunod.

Gabi-gabi ay sa bar ako nagtra-trabaho. Hindi bilang waitress o ano pa man. Kundi bilang taga hugas. Wala na kasing ibang pwesto bilang waitress. Ayoko namang makipag-table sa mga lalaki. Baka ano pa ang gawin nila sa akin. Kaya pinilit ko na lang ang boss ko na maging taga-hugas na lang para may pandagdag ako sa panganga-ilangan ko araw-araw.

Tuwing sabado at linggo ay naglalabada ako. Okay na rin iyon para sa allowance ko tuwing pasokan. Sapat na iyon sa akin. Hindi naman ako gastadora e. Hindi rin ako mahilig bumili ng kung anu-ano. Saka na kapag may maayos na akong trabaho. Saka na kung gumaan na ang buhay ko.

Bumalik ang aking tingin sa harap ng pisara. Kanina pa dakdak ng dakdak ang aming instructor. Pinapaliwanag niya ang magiging huling proyekto namin ngayong papatapos na semester. Sinulat ko ang lahat na kailangan para sa proyektong ito. Ilang sandali pa ay nagpasya ang aming guro na e dismiss kami. Buti nalang at makakapagtrabaho na ako.

Mabuti nalang at tapos na kaming mag OJT dahil nakakatamad na talagang pumasok. Tamad kong sinilid ang mga gamit ko sa aking back pack. Narinig ko ang mga kaklase kong mga kababaihan na malakas na naghahalakhakan. Hindi nalang ako lumingon dun dahil alam ko naman kung sino sino ang nandiyan.

Ang dati kong kaibigan. Yes. Dati.

Pinagtaksilan niya ako. Kinaiinggitan niya ako. Na wala namang kainggit-inggit sa akin. Oo naman maputi naman ako. May lahi akong banyaga pero wala pang may nagsabi sa akin na maganda ako. Lahat ng mga pamilya ko ay naninibugho sa akin.

Umalis ako sa puder ng tiyahin ko sa Antipolo. Hindi ko na matiis ang pag-aalila niya sa akin. Lalo na iyong pinsan ko. Na anak ni Tiya Merlin. Halos hindi na ako makapag-aral dahil ang dami nilang inuutos sa akin.

Nalilipasan na ako ng oras sa pagtra-trabaho sa bahay nila kaya palagi na akong nahuhuli sa klase. Mabuti nalang at nakagraduate pa ako nung highschool. Kaya pagkagraduate ko ay lumayas na ako sa kanila. Mabuti na rin iyon dahil muntik pa akong gahasain ng anak ng kapit-bahay nila. Matagal ng may pagnanasa sa akin yun. Kaya palagi akong pinagbubuhatan ng kamay ni Stacy dahil may gusto kasi siya sa lalaking yun.

Mabuti nalang iyon. Ngayon ay malaya akong naninirahan na mag-isa. Nung lumayas ako sa bahay ng tiyahin ko ay agad akong naghanap ng trabaho. Napadpad ako sa karendiryahan. Kahit hindi gaano kalaki ang nakikita ko doon. Nagkakasya naman kahit papaano. Mabuti nalang at hindi gaanong kamahal ang tuition fee. At ngayon nga ay mabuti sa wakas, ilang buwan nalang at makakapagtapos na ako.

Dumaan sa aking harapan si Lorraine at huminto siya sa harap ko. Ang dati kong kaibigan. Tinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa aking lamesa. Unti unti akong nag-angat sa kanya. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin.

Binaba ko ulit ang aking tingin. Sinukbit ko ang bag ko saka tumayo. Wala akong panahon para sa pagpapa-pansin niya. Kung makikipag kaibigan ulit siya sa akin walang problema dahil ingungud-ngud ko na talaga siya sa inidoro. Hindi na ako iyong dati na nagmamakaawa pa para hindi ako saktan. Noon iyon. Pero ngayon hindi na.

FADE Where stories live. Discover now