Chapter 19

107 4 0
                                    

"Bakit mo ba ako pinapausog? Magkakalapit naman tayo kaya walang saysay ang pagpapalayo mo sa akin." Reklamo niya.

"Huwag ka ngang magreklamo. Hindi nga ako nagrereklamo na pumunta ka dito tapos ngayon ay magrereklamo ka. Ang tindi mo naman." Sabi ko sa kanya.

"Kaya nga ako pumunta dito dahil para bantayan ka--"

"Sa tingin mo kailangan ko ng bantay na katulad--"

"Kahit ano pa ang sabihin mo. Babantayin parin kita. Hindi mo ako mapapaalis kaagad lalo na ngayong madilim at nag-iisa ka lang dito sa apartment mo." Sus naman. Hindi ako madadala sa mga ganyan-ganyan.

"Hindi ko naman talaga kailangan ng bantay." Angal ko.

Ano ako bata? Na kailangan pang bantayan? Nakakaloka talaga. Hindi ako makapaniwala sa lalaking ito.

"Oo hindi mo nga kailangan, pero nandito na ako. Wala ka ng magagawa." Inisnguhan lang ako ng lalaking ito.

Pero pasimple siyang umusog sa akin. Halos kainin niya nga ang space ko. Hindi na ako makausog dahil nasa dulo na ako. Ang haba-haba ng upuan na ito. Kasya nga ang apat na tao dito eh. Tapos siya ay nakiki-siksik sa akin.

"Umusog ka dun sabi eh."

"Ayoko sabi eh. Ba't ang kulit mo?"

Ako pa ang makulit ngayon? Siya kaya ang makulit sa aming dalawa.

"Gusto mo magalit talaga ako sayo ng husto? Para naman hindi ka na makalapit sa akin." Totoo na talaga ang banta ko.

Seryoso narin ako na nakatingin sa kanya. Hindi ako nakikipagbiruan sa kanya.

"Ito naman oh." Sabay usog papunta doon sa pinakadulo. "Hindi ka ba natatakot na hindi mo ako katabi? Madilim pa naman oh." Sabay tingin sa paligid.

"Hindi mo nakikita ang ilaw na nanggagaling sa kandila? Mas malinaw pa nga ang liwanag ng kandila kaysa sa mata mo."

"Kaya nga ako nagsasalim diba?" Turo niya sa suot niyang salamin.

"Kaya nga diba? Apat na yang mga mata mo at hindi mo nakikita ang kandila. Sunugin pa kita diyan eh." Pagtataray ko sa kanya.

"Kapag sunugin mo ako sa pagmamahal mo ay ayos lang. At least mainit naman at nanunuot sa balat diba?" Nakangisi niyang rason.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Ang damuhong ito. Akala ko ba mahinhin siyang lalaki? Talagang naniniwala na ako ngayon sa kasabihan na nasa loob pala ang kulo. Sa maamong mukha ng lalaking ito, nakatago pala ang pagkapilyo.

"Tigilan mo ako Edge, talagang masusunog ka ngayon." Kunyaring kinuha ko ang kandila sa may lamesa at ipapanakot sana sa kanya, umatras pa siya na parang natatakot talaga na masunog.

Kala mo ah.

"Pambihira naman oh. Magiging under yata ako nito." Bulong niya. Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko siya marinig.

Binaba ko na ang kandila saka mainam na nakinig sa hininga namin. Ang malalim lang na hininga namin ang naririnig ko. Hindi muna nagsalita pa si Edge. Kagaya ko ay pinapakiramdaman din niya ang paligid.

Maya't maya lang ay nagsalita na siya.

"Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang dito?"

Nagkibit balikat lang ako.

"Hindi. Sanay naman na ako." Saad ko. Lumingon ako sa kanya. "Ikaw ba? Sanay ka narin ba na mag-isa sa inyo? Hindi ka ba nalulungkot?"

"Mm...minsan lang. Kapag inaalala ko na wala akong kasama sa bahay."

FADE Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang