Chapter 14

118 4 0
                                    

"Mahilig ka bang mag-basa Haven?" Biglang tanong niya sa akin pagkatapos ng ilang minuto na pagkatihimik namin.

"Oo naman." Tumango ako.

"Talaga? Anong hilig mong basahin?" Tanong niya pa.

"Mahilig din akong magbasa ng mga mystery. At ahm...mga educational books." Sagot ko.

Siya naman ang tumango. I sighed quietly and closed my eyes. Naging tahimik na naman kaming dalawa. As far as I remember. Hindi naman kami close para mag-usap na parang magbarkada lang.

Tinapik ko ng marahan ang mesa. Ang tunog lang na gawa ko ang tanging nagsisilbing ingay sa paligid. Banda dito sa pwesto na ito ay hindi masyadong naririnig ang ingay ng air con. At ang pagbuklat ng libro. Bawat pagtapik ko sa lamesa ay binibilang ko. Pangkatuwaan lang. Ano naman ang pag-uusapan namin.

"Haven?"

"Hm?"

"Kayo ba ni Razerio?"

Nagtaka ako sa tanong niya. Sinong Razerio? Ngayon ko lang nalaman ang pangalan na yan?

"Sino?" Baka iba lang ang nadinig ko sa kanya.

"Si Razerio. Iyong palaging lumalapit sayo." Nakakuyom pa ang kanyang panga at parang nanigas ang kanyang expression sa binanggit na pangalan.

Ah so baka iyong si greenie ang tinutukoy niya.

"Si greenie ba?"

Napakunot ang kanyang noo. "Greenie?"

Tumango ako. "Oo. Iyong may green na mata ba?" Balik na tanong ko sa kanya para makompirma kung siya nga.

Namamalikmata lang ako siguro sa nakita kong anyo sa kanyang mukha. Parang nanliyab ang kanyang mukha. 

"Oo. Siya nga." Matabang na sabi niya.

Kaming dalawa? Yuck! Hinding-hindi ako papatol sa mga kagaya niya. Never. Kahit pa maubos ang lalaki sa mundo ay hindi ako papatol sa kanya.

"Bakit naman magiging kami? Hindi ako papatol sa mga kagaya niyang marami na ang mga reserba. Eww."

"Buti naman." Bulong niya pero hindi ko narinig.

"Ha?"

Winasiwas niya ang kanyang ulo. At saka tumayo na.

"W-wala." Sabi niya at inagaw ang kanyang tingin mula sa akin at bumaling sa iba.

Tumayo narin ako. Sa labas na ako magpapalipas ng oras. Kinuha ko ang bote at ang bag.

"Saan ka pupunta ngayon?" Sumabay na siya sa akin paalis.

"Sa labas. Magpapalipas lang ako ng oras." Sabi ko.

Nauna na akong naglakad sa kanya. Hindi ko na nakita si tiya dahil wala na siya sa table niya. Siguro ay nasa ibang istante siya at nag-aayos na naman ng mga libro. Iyon naman ang trabaho ng isang librarian. Minsan lang silang umuupo sa kanilang mesa. Palagi silang nakatayo at naglilibot sa buong library.

Paglabas ko ay naghanap ako kaagad ng trash bin para itapon ang bote ng tubig. Pagkatapos ay gumilid ako para pumunta sa railings. Sinilip ko ang nasa ibaba. Sa ibaba ay mas marami ang mga tao na nasa ground. Geez. I almost forgot about the upcoming Valentine's ball at ang school fest. Ngayong February ay ngayon na gaganapin ang fest. At nakalimutan ko na Valentine's day na pala sa...

Shit! Sa Friday na pala yun. At ano na ngayon. Tuesday? Hindi ko lang nalaman na papalapit na pala ang araw na iyon. Mandatory pa naman ang event na iyon. Wala pa akong susuotin. Problema na naman yun. Kaya pala ang daming nagpa-practice ng mga sayaw at kung anu ano pa dahil malapit na pala ang ball.

FADE Where stories live. Discover now