Chapter 25

104 2 0
                                    

Palakad-lakad ako dito sa buong library. Tinititigan ko ang mga larawan na nakasabit sa wall. Sa left side ng library ay doon nakapwesto ang nag-iisang shelf. Hindi gaanong marami ang mga libro na nakalagay dun. Mga tungkol lang sa mga businesses at law ang mga libro.

Hindi ko na iyon pinagtuusan ng pansin dahil hindi ako interesado dun. If ever na may libro sila tungkol sa paghahalaman ay doon na ako lalapit at kukuha ng libro.

Kahit apat na oras na akong nandito sa bahay ni Edge ay hindi parin umaalis ang pagkamangha ko sa interior ng bahay niya. Kanina pa ako pasikot-sikot. Muntik na nga akong mawala. Buti nga at hindi ako masyandong tanga.

Si Edge ay busy pa sa pagluluto sa kusina niya. Kinarer ang pagiging chef niya.

I don't mind kung siya ang magluluto. Unang-una ay hindi ko naman kusina yun. Basta hindi lang niya ako lasunin. Makikita niya ang hinahanap niya kung gawin niya yun.

Kinuha ko ang isang picture frame na nasa ibabaw ng study table niya. My lips suddenly turn into wide thin line. Basta-basta nalang akong napangiti nang makita ang kanyang larawan nung bata pa siya. I find him cute...nung bata pa.

Pero ngayon? I don't know.

Binalik ko kaagad ang picture frame sa ibabaw ng table. A soft knock freaked my whole system kaya pagbukas ng pinto ay nagkunwari akong nasa gitna ng library at tinititigan ang kabuuan nito.

"Dinner's ready." Anunsiyo niya.

Tumango ako at sumunod sa kanya.

Maaga kaming nagdinner ni Edge. Alas sais palang yata. Nag-aalala ako na baka gutumin ako mamaya. Ang aga-aga pa bago magdinner. Wala ako sa mood para nagreklamo. Kung magutom man ako dahil sa kanya ay manghihingi talaga ako ng pagkain mamaya. Hindi na ako magdadalawang-isip pa.

Siya narin ang naghugas ng pinagkainan namin. Bisita daw ako kaya dapat ay nasa tabi lang ako.

Ano pa ba ang magagawa ko kaya lumabas nalang ako. Sa likod ng bahay niya ako nagtungo. Ang dami palang mga puno sa likod. Bukod sa light na nasa may gazebo ay dito sa back door ay may lights din. Pero kahit ganun pa man ay maaari paring pumasok ang mga magnanakaw. Kung may magtangka.

Sa dami ng puno ay sigurado akong hindi mapapansin yun ni Edge. Lalo na ang mga kapitbahay dahil malayo ang kanilang mga agwat.

Naglakad ako papunta sa may gazebo nang may napaangat ako ng tingin sa puno. I uttered 'wow' pagkakita ko sa magandang treehouse na nasa pagitan ng matatayog na puno. Wala sa sarili akong lumakad papunta doon.

May hagdan na gawa sa bamboo na nasa trunk ng puno. Walang pag-aalinlangan akong umakyat. Dahan-dahan hanggang marating ko ang treehouse.

Madilim ang buong treehouse. Binuksan ko ang pinto nito. Kung madilim sa labas ay mas madilim naman ang loob. Nakakatakot pumasok kaya naghintay ako ng ilang minuto para lumabas si Edge. Kapag lumabas siya ay tatawagin ko siya paakyat. Umupo lang muna ako sa sahig at isinandal ang sarili sa kahoy na barandilyas.

Ang tagal namang lumabas ni Edge.

Maya't maya lang ay nakita ko na siyang lumabas ng bahay. Agad akong tumayo at tinawag ang kanyang pangalan. "Edge." Tawag ko sa kanya.

Nakakunot noo siyang tumingala sa treehouse. Kumaway ako sa kanya at tinawag ulit ang pangalan niya.

"Haven? Anong ginagawa mo diyan?"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko dito? Tsk." Pilosopo kong sagot.

Pinanningkitan lang niya ako ng mata at saka hinubad ang tsinelas na suot niya at kinuha niya ulit para maikyat sa itaas.

FADE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon