Chapter 26

103 2 0
                                    

My phone rang again. Napahaplos ako sa buhok ko dahil sa frustration. Ilang beses na siyang tumatawag sa akin pero hindi ko talaga masagot-sagot ang tawag niya.

Kanina pa ako balisa sa tawag niya. Bago ko sinagot ulit ay mataimtim muna akong nagdasal para hindi ako makapagsalita ng kung ano man ang nasa isip ko. Tanga pa naman kung minsan ang utak ko.

"Hello Haven?"

Iyon ang una kong nabungaran sa tawag niya. Nag-aalangan pa ako kung sasagot ba ako o hindi.

Bakit kasi naging ganito pa ako? Ang tanga ko naman.

"Ahm...w-wala ka bang magawa ngayon kaya mo ako lineletse." Yun na nga ang sinasabi ko eh. Nagkandautal- utal pa ako.

Narinig kong napangisi siya. Bwisit.

"Mayroon." Sagot niya.

"Mayroon naman pala eh. Ba't nang-iistorbo ka?" Kunwaring inis na sabi ko sa kanya.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ko?"

"Alam ko na yan."

"Ano?"

Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana. "Syempre, obvious pa ba kung ano ang ginagawa natin? Edi nagtatawagan."

Napangisi ako nang marinig ko ang malutong na tawa niya sa kabilang linya. Kala mo naman niya hindi ko alam ang ganitong uri ng linya ng mga lalaki.

"Damn! Bakit mo alam? Psh." Napahalakhak ako sa tawa niya. Ano ka ngayon ha.

Maya't maya lang ay hindi muna siya nagsalita sa kabilang linya. Pinapakiramdaman lang namin ang bawat hininga namin.

"Haven? Nandyan ka pa ba?"

Hinaplos ko ang manipis kong kurtina at inipit ito sa lock ng bintana. "Bakit?"

"Wala lang. Gusto sana kitang bisitahin sa apartment mo kaya lang ay hindi pwede. Baka magalit ka sa akin. Namiss kasi kita."

Huminga ako ng malalim. Bakit hindi ko nalang siya papuntahan dito. Tutal ay wala naman ang mga kapitbahay ko. Pwede naman siyang umuwi mamayang gabi. Sigurado ako na madaling araw na uuwi ang mga tao dito sa amin. Mga matatakaw sa inuman at party.

"Pwede kang pumunta dito." Usad ko sa kanya.

"Ha? Talaga ba? Hindi ka nagbibiro? Haven?" Sunod-sunod na tanong niya. Mukha ba akong joker sa paningin at pandinig niya?

"I'm sure na narinig mo naman ang sinabi ko hindi ba. At saka magdala ka ng pagkain. Nagugutom ako."

Subok ko lang sa kanya. Kung magdadala siya edi ayos. Kung hindi ay ayos lang din naman. Hindi ko siya pinipilit. FYI lang. Nanliligaw siya sa akin kaya dapat ay lubuslubusan na niya ang pagiging mabait ko ngayon.

"Pizza ang gusto, at huwag kang magreklamo." Agad kong sabi sa kanya.

"Hav--"

"Diba manliligaw kita. Kung ano ang gusto ko ay yun ang sundi mo. Huwag kang magreklamo diyan."

"Wow. So tinatanggap mo na akong suitor mo?"

Napairap ako sa phone ko. Alam mo Edge, nag-iinit na ang ulo ko dahil sayo. Huwag kang mag-inarte diyan.

"Ang dami mo pang satsat. Gusto mo huwag ka ng manligaw? Hindi mo na ako makikita at hindi na rin tayo magkikita. Aawayin pa kita."

Napataas ang kilay ko ng lumalim ang paghinga niya. Palihim akong napangisi.

"Eto naman oh. Sige magdadala ako. Pero...pwede ba kitang dalhin dito sa bahay? Susunduin kita. Magpapatulong sana akong magtanim ng rosemary sa likod." Kahit hindi niya ako nakikita ay napatango-tango nalang ako.

FADE Where stories live. Discover now