Chapter 33

123 2 0
                                    

Pinaikot-ikot ko ang aking leeg dahil kanina pa ako nag-aayos ng account ko. Nagpaplano na akong bumili muna ng lupa para makapagtanim ako ng mga bulaklak. Gusto ko sa probinsya ako bumili ng lupa. Sabi ni Hugo noon ay maganda daw ang lupa sa San Fernando. Kahit malapit na sa bundok ay mas mainam daw kung doon nalang magtanim dahil matataba ang lupa doon.

Si Hugo ay lumipat na sa San Fernando dahil doon gustong manirahan ng pamilya niya. Sabi niya ay kung interesado daw ako ay maaaring matulungan niya ako.

Hindi ako nagdalawang-isip at pumayag kaagad ako. Ang San Fernando ay narinig ko na yan noong una pa. Iyong mga kaklase ko noong college ay pinaguusap-usapan yon. Marami daw ang mga gwapo. Kahit saang lugar maging San Fernando, Consolacion o Banawa man.

Pero secret ko lang muna yon kay Edge para masurprise siya.

Pinatay ko lang muna ang computer ni Edge at tumayo muna ako para maiunat ko ang kamay ko. Hinanap ko si Edge. Nasaan na kaya ang lalaking yun? Kanina ay nasa tabi ko lang siya at pinagsusuklay niya ang buhok ko. Kanina nang maligo ako ay hindi kaagad ako nakapag-suklay. So siya na ang nagsuklay dahil wala naman siyang ginagawa kanina. Ngayon ay ewan ko kung nasaan naman ang lalaking yon.

Limang araw na simula noong graduation namin. Tatlong araw kaming nagpahinga lang sa bahay. Syempre ay nagparelax-relax ako dahil alam kong matindi ang gagawin ko sa susunod na mga araw.

Bumaba ako para hanapin siya. Baka doon nandoon siya sa entertainment room. Sumilip ako pero wala siya doon. Sa sala naman ako pumunta. Wala rin.

Saan kaya siya? Sa laki at luwag ng bahay niya ay malamang hindi ko siya makikita agad. Nagpaikot-ikot ako sa sulok ng bahay niya hanggang mahanap ko siya. Nasa garage siya at may kinakalampag na kung anu-ano.

Gabi na ah. Kung matulog nalang kaya siya at ipagbukas nalang yong mga gawain niya.

Tinawag ko siya. "Edge?"

Nasa ilalim siya ng kotse at mukhang may inaayos. Sumilip siya sa akin at nginitian ako. Damn! Nakakatunaw ang ngiti na yon. Ilang saglit lang ay lumabas siya mula sa silong ng kotse at umupo sa board na ginamit niya sa paghiga para hindi siya madumihan.

"Tapos ka na ba sa ginagawa mo kanina?" Tanong niya.

Lumuhod ako sa kanyang harapan. Ang kanyang tuhod ay hinawakan ko para mabalanse ako.

"Oo. Ikaw? Mukhang busy ka ah. Gabi na at dapat nasa kwarto ka na para matulog, pwede mo naman gawin yan bukas. Wala naman tayong gagawin bukas eh." Sabi ko.

Pinisil niya ang baba ko. "Meron kaya tayong gagawin bukas."

Nagtaka ako. "Ha? Meron ba?" Maang kong tanong.

Tumango siya at kumapit siya sa aking bewang at pina-upo sa kanyang hita. Now I'm sitting on his lap. It makes me uncomfortable but I think I'm getting used to it.

"Nakalimutan mo na ba? Monthsary natin bukas. At pupunta tayo sa beach o di kaya sa park para mag-date."

"Monthsary? E diba linggo palang na naging tayo?"

"Pambihira naman o. Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na noong May naging tayo. Tapos ngayon ay June na. Diba? Noong araw nga yon ang pinakamasasayang araw ko dahil sayo ko dahil—"

"Stop!" Tinakpan ko ang kanyang bibig gamit ang kamay ko.

Itong lalaking ito talaga. Walang filter ang bibig. Hindi ko alam na may lalaki pa talagang kagaya niya na malakas bumunganga. Pero kailangan pa talagang sunod-sunod na salita? Nakakairita kaya.

"Oo naalala ko na. Ikaw nagpapaka-nerd ka lang yata eh. Mas bungangero ka pala kaysa sa akin. Salbahe ka talaga." Saad ko.

Pinalis niya ang kamay kong nakatakip sa kanyang bibig at madilim ang tingin sa akin.

FADE Where stories live. Discover now