Chapter 40

186 5 0
                                    

Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang malaking bahay ni Edge. Nasa loob ako ng kotse. Ngayong araw na ang alis namin ni Edge. May parte sa akin na nalulungkot. Hindi para sa sarili ko. Kundi para kay Edge. Matagal na siyang naninirahan sa bahay na kinalakihan niya. Pero ni wala akong nakita sa kanya na lungkot o pagsisisi. Tinanong ko ulit siya kung magbabago pa ba ang isip niya. Ang sabi lang naman niya sa akin ay kailangan din niya ng panibagong mundo.

Narinig ko ang pagsarado ng pinto ng driver's seat. Nakasakay narin si Edge. Lahat na mga gamit namin ay nasa likod na. Yung mga gamit na malalaki at hindi kayang dalhin ay iniwan nalang. Si tiya Helen nalang ang bahala dun sa mga natira. Dumungaw si tiya sa may bintana ng shotgun's seat kung saan ako nakapwesto. Binaba ko ang salamin para makausap siya.

"Mag-ingat kayo sa byahe ha. Ikaw Edge dahan dahan sa pagmamaneho. Alagaan mo mo si Haven. Alagaan niyo ang isa't isa." Bilin ni tiya sa amin.

Ngumiti si Edge kay tiya.

"Syempre naman po tiya, mahal ko po ang pamangkin niyo at aalagaan ko siya ng maayos." Pareho kaming nagkatinginan ni tiya na may ngiti sa labi.

I tapped my Aunt's hand resting on the jamb of car's window.

"Mag-iingat po kami tiya. Kayo rin ho at ay dapat mag-ingat." Sabay tingin din sa mga bata na nasa likod. Nginitian ko sila at kumaway.

"Oo mag-iingat din kami rito. Basta huwag niyo lang hahayaan ang sarili niyo. Alagaan niyo ang isa't isa at dapat nag-uunawaan kayo ha." Pahabol ni tiya.

Tumango kami ni Edge. Hindi rin kami nagtagal at nakapagpaalam na rin  kami.

Nagsimula nang magmaneho si Edge.  Magaan ang loob ko nang dahan dahan kaming nakaalis. Tanaw ko pa sina tiya na  kumakaway sa  amin. Hindi ko na sila nilingon pa dahil baka malungkot lang ako. Mamimiss ko sila. Ang lugar na ito. Ang school. Kahapon ay dumalaw kami ni Edge sa school. Siya ang nag-request na bisitahin muna namin ang school dahil nandun daw ang memorya niya sa mga panahong una niya akong makita.

Pinagbigyan  ko siya na dalawin namin ang lugar na iyon. Humilig ako sa head rest ng shotgun seat. Mahaba haba din ang byahe papunta sa Consolacion. Anim o pitong oras ang layo ng Consolacion. Si Edge ang unang dumalaw roon na hindi ako kasama. Nakabili na siya ng bahay at lupa dun. Siya na din ang nag-asikaso ng lupa na bibilhin ko sana. Nang malaman niya na si Hugo ang kakutsaba ko sa lupa na iyon ay nagtampo siya ng tatlong minuto.

Tahimik kami ni Edge habang bumabyahe. Ang tunog ng makina ng kotse lang ang nagbibigay ng ingay sa amin. Ganito talaga ako kapag nagbabyahe. Tahimik at walang kibo. Tulog lang ako tuwing babyahe. Kaya ito na ang ginawa ko. Pinikit ko ang aking  mga mata para makapagpahinga ako ng maayos. Kulang pa ang tulog ko kaya gustong gusto ko pang matulog.

Sa haba ng byahe ay hindi pa ako nakasilip sa orasan sa may cellphone ko. Tuloy tuloy lang ang pagmamaneho ni Edge. Nagising ako mula sa pagtapik sa akin ni Edge. Kinusot ko pa ang mata ko para makakita ng maayos. Nagkatinginan kami ni Edge. Nginitian niya ako.

"Nagugutom na ako. Pwede ba tayong kumain muna?" Sabay himas himas niya sa kanyang tiyan.

"Ang dami mong kinain kanina, kakakin ka naman? Hindi pa yata tanghali eh." Hindi pa talaga tanghali. Sinilip ko ang phone niya na nasa dashboard. Alas dyes palang.

Napahaba ang nguso niya. Nakasimangot siyang nakatingin sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag nalang. Pumasok kami sa isang kainan na hindi pa madaming tao. Sa pinakagilid kami pumwesto. Siya na ang pumila sa counter para umorder.

Hindi madami ang mga tao na kumakain. Maaga pa eh. Tinap ko lang ang mga daliri ko habang naghihintay kay Edge. Malalim akong huminga. Hindi pa talaga ako nagugutom. Maganda siguro kung take out nalang.

FADE Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin