Chapter 17

118 5 0
                                    

Napataas ako ng kilay nang pumunta kami ni Edge sa dating booth. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya para makaalis kami. Ang kulit ng mga sophomore na yun. Pinipilit pa talaga kami ni Edge. Nakakahiya kay Edge.

Pumunta nalang kami doon sa bench na nasa ilalim ng matayog na puno. Yung palagi kong tinatambayan.

Doon ay naupo kami. Mabuti dito dahil hindi makalat. I mean. May booth naman na malapit dito at hindi maingay. Mga street foods ang laman ng booth na malapit sa amin kaya pwede kaming bumili anytime kung gugustuhin namin.

Binalingan ko si Edge na namumula. Anong ginawa ko sa kanya? Galit ba siya?

"Hoy, napaano yang mukha mo. Ba't namumula yan?" Tanong ko.

"Huwag mo nga akong tignan."

"Tsk. Arte nito." Kinagat ko ang ilalim ng labi ko para hindi ako matawa.

Siguro kaya siya nagba-blush dahil hinawakan ko ang kamay niya. Ang babaw naman ng lalaking ito. Parang babae kong mamula. Daig pa ako.

"Hoy, hindi ka ba titigil diyan sa kakapula ng mukha mo? Baka sumabog ka na niyan." Natatawa kong tukso sa kanya.

"Tsk."

At nagsungit pa siya. Yuck! Hindi bagay sa kanya. Hindi ko mapigilang lumapit sa kanya. Umusog ako paharap sa kanya.

"Tingin ka nga sa akin." Utos ko.

Sinunod naman niya ang utos ko.

Sinuri ko ang buong mukha niya. Actually, may itsura naman siya. Bakit kaya niya tinatago yun? Inangat ko ang aking kamay at tinanggal ang suot niyang eyeglass. Napanganga ako sa itsura niya.

He has a pair of deep black eyes. Ang lalim na kaya kang lunurin sa titig niya. Kaya pala hindi ako komportable kapag tinititigan niya ako. Ginagamitan niya ako ng ganung klaseng kalalim na titig.

Inagaw niya ang salamin sa akin at agad na sinuot.

"Ang ganda pala ng mata mo." Puri ko sa kanya.

Totoong maganda ang kulay itim na mga mata niya. Maganda naman ang kay greenie kaya lang ay hindi ako attracted sa kanya. Hindi rin ako attracted kay Edge. Kaya pareho lang sila ay may magandang mga mata.

"Maganda naman yung sayo eh. Kaya nga ako hindi nakakasingit sayo."

Napalundag ako sa sinabi niya. Ngayon ay hindi na ako nagbibingi-bingian. Malinaw na narinig ko ang sinabi niya. Teka...nagbibingi-bingian lang ba ako kanina dun sa cafeteria? Baka naman hindi ko lang narinig yun.

"Ano naman ang ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil pinagkikinitaan naman ako gamit ang mga mata niya na kasing lalim ng underworld. Ewan ko ba sa kanya.

"Hindi mo ba naiintindahan ang ibig kong sabihin?" Garalgal na tanong niya.

"Magtatanong ba ako kung naiintidahan kita?"

"Huwag ka nalang magtanong. Intindihin mo nalang, tsk." Masungit niyang sabi.

Wow naman. So marunong na siyang magsungit ngayon.

"Arte nito." Bulong ko.

Natakam ako sa barbeque na tinitinda doon sa booth. Kinuha ko ang sling bag ko para bumili. Pero bago pa ako pa ako tuluyang tumayo ay hinawakan ni Edge ang siko ko.

"Saan ka pupunta?" Tinuro ko ang booth.

"Bibili lang ako ng makakain, natakam kasi ako sa barbeque." Sabi ko na nakatingin parin sa may nagiihaw-ihaw.

FADE Where stories live. Discover now