Chapter 12

121 3 0
                                    

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang tulong na binigay ni papa sa akin. Hindi ako makapaniwala na bibigyan niya ako ng ganitong kalaking pera. Two hundred thousand bilang panggastos sa pagnegosyo. Oo sinabi ko kay mama na hindi ako magtratrabaho sa kompanya dahil walang alam ang kagaya kong botanist sa business. Pero sa maliit na business ay kaya ko. Hindi lang sa mga kompanya. At tungkol pa sa mga halaman ang ini-negosyo ko.

Linagay ko sa kahon ang pera. At linagay sa tagong lugar. Bumaba na ako para makakain. Si tiya Helen ay umalis na dahil may kailangan pa siyang asikasuhin. May binigay rin na pera si tiya para sa tuition ko. Hindi pa fully paid ang tuition ko. Wala pa kasing pera si tiya. Ang pera na binigay sa akin ay bigay din ni papa. Para hindi ko raw magastos ang oera na para sa magiging business ko.

Sa lunes ay magfu-fully paid na ako para wala na akong problema. Tuluyan na akong bumaba para makakain.

"Salamat."

Nginitian ko ang school cashier. Nakabayad na ako ng tuition. Sa wakas ay tapos na ang problema ko sa tuition fee ko. Ang tanging aalalahanin ay ang bayad para sa graduation. Umalis na ako sa bursar. Pagkatapos ng klase namin ay agad akong pumunta dito.

Sinilid ko ang receipt sa bag. Nagsimula na akong maglakad papunta sa likod ng campus. Sa greenhouse ay may kukunin akong halaman. Ang may gusto lang ang pwedeng humingi. So hindi na ako nagdalawang isip na humingi pa ng halaman dahil sa apartment ay wala akong mga tanim.

Nakakawalang gana kasing magtanim lalo na ang daming mga aso at pusa na naglalaro sa harap ng apartment ko. Doon talaga sa apartment ko. Kaya hindi na ako nagtatanim. Okay lang naman na kunin ko ang tanim na iyon ay dahil iisa lang naman. Kaya hindi ko makakaligtaan na alagaan.

Nakahinga ako ng maluwag ng walang ibang tao sa greenhouse. Linapag ko ang bag ko sa bench. Ang white daisy na ito ay napaka-rare dito sa lugar namin. Sa ibang bayan ay marami ang ganito sa kanila. Kaya tama ang sinabi ni tiya na perfect ang pagpapatayo ko ng flower shop dahil karamihan sa mga tao dito sa bayan namin ay may mga pares. Hindi na sila pupunta pa sa kabilang bayan para bumili ng mga bulaklak.

Pinagpagan ko ang pot dahil maraming alikabok na nakadikit. Kinuha ko pa ang tumbler sa bag para diligan ang daisy. Medyo nanlalata siya. Siguro ay hindi siya nadidiligan ng maayos. Nasa ilalim kasi siya ng iba pang mga daisies. Ito ang pinili ko dahil naaawa ako. Hindi siya masyadong naaalagaan.

Nang maging okay na ang pagdilig ko sa kanya ay tinakpan ko na ang tumbler at binalik ko na ito sa loob ng bag. Tumayo ako dala ang pot para sana ilagay sa bench nang sa ganun ay maisukbit ko na ang bag ko. May bigla nalang may humarang sa harap ko.

Well, hindi naman siya gaanong malapit sa akin. Isang metro lang ang layo niya pero nagulat ako. Mabuti nalang at hindi ko nahulog ang pot.

"Ginulat mo ako." Yinakap ko ang pot para hindi mahulog. Ang isang kamay ay nakasapo sa dibdib ko.

"Pasensya na. Nagulat din ako kung sino ang nandito. Hindi kita masyadong napansin."

"Kanina ka pa ba dito?"

"Kararating ko lang." Sabi niya.

May dala pala siyang isang tangkay ng rosemary. Napansin niya siguro na doon ako nakatingin kaya nagpaliwanag siya.

"Amh..humingi ako ng limang tangkay nito sa isang instructor niyo." Paliwanag niya.

Linagay ko ang pot sa bench at umupo din ako. "Ano ba ang gagawin mo diyan?"

"Lulutuin sana." Nagulat ako. Bahagya pang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Lulutuin ba kamo?

"Tama ba ang narinig ko?"

FADE Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang